⚘21

113 3 0
                                    

Althea's

kakabangon ko lang sa kama nang makarinig ako ng katok mula sa main door ng bahay ko. ano ba yan, ang bruha ko palang

inayos ko konti yung buhok ko at kumuha ng wipes sa lamesa para punasan yung mukha ko, para naman maayos itsura ko pag nakita ako ng tao sa labas diba

naglakad na ako para buksan yung pinto, pinipihit ko palang yung doorknob nang kumatok siya ulit kaya binuksan ko na agad

"good morning!" bati niya habang nakangiti nang hanggang tenga

"good morning sir Sangyeon, pasok po kayo" bati ko pabalik sakaniya tsaka siya pumasok na sa loob

"wag mo na akong tawaging sir, wala naman tayo sa office" sabi niya pagkapasok, nakakahiya naman ata na tawagin ko siyang Sangyeon, di ako sanay eh

"ang aga mo naman pumunta dito, 6am palang oh" sabi ko tsaka kinuha yung eco bag na inilapag niya sa lamesa

"nagdala ka pa ng pagkain, sana di ka na nag-abala" sabi ko

pumunta muna ako sa cr saglit para mag-ayos ng sarili ko. nag toothbrush ako para hindi mabaho yung hininga ko habang nakikipag-usap kay sir- este Sangyeon

"kagigising mo ba?" rinig kong sabi niya mula sa labas ng cr. sinagot ko naman siya ng oo

pagkalabas ko ay nakita ko siya nakatayo sa tapat ng dining table nagreready ng pagkainan namin. napaka gentleman naman ng future husband ko, charot

"ako na diyan" sabi ko pero ngumiti lang siya at hinila yung isang upuan

"umupo ka nalang dito, masama sa buntis yung may maraming ginagawa" sabi niya, mga ilang segundo akong natulala sa mukha niya bago ako umupo. jusq lord, pwede po bang pakasalan ko na tong lalaking to, as in ngayon na?

"pumunta ako dito para may kasama ka, baka mamaya madulas ka diyan tapos walang tutulong sayo. tapos pag aalis ka papuntang trabaho may aalalay sayo, para safe ka. ayokong may mangyari sa mag-ina ko" sabi niya. nag-init yung mukha ko dahil sa sinabi niya, for sure nagbablush nanaman ako kasi nakita kong napangiti siya habang nakatingin saakin

"mag-ina-"

"I'm taking the responsibility as the father of that child, kahit hindi ko yan tunay na anak ay importante siya saakin ok? don't worry, as long as you're with me, you're safe" sabi niya tsaka umupo na din para kumain

habang kumakain kami ay hindi ko maiwasan ang mapatingin sakaniya, hindi ako makapaniwala, isang Lee Sangyeon ang kasama kong kumain ngayon, dati mag-isa ko lang dito. dati pangarap ko lang na maging close kami, ngayon naman halos kung unasta siya eh asawa ko na siya. kung siya nga ang lalaki para saakin ay sobrang swerte ko naman

"by the way. Younghoon is having a advance birthday celebration later, gusto daw niyang sumama ka saakin mamaya papunta doon, gusto ka daw niya mameet along with the Boyz" sabi niya habang kumakain kami. boyz? sila sigiro yubg iba pang mga kaibigan ni sir, kasi noon naririnig ko pinag-uusapan nila ni sir Hyunjae yung mga yun

"yun lang ba? sige sasama ako, so dapat kailangan maganda ako mamaya kase mamimeet ko na mga kaibigan mo" sabi ko tsaka pumapalakpak na parang bata, excited ako eh bat ba

"wag ka masyadong magpapaganda, baka mainlove sila sayo. you're mine, ayokong may maging kaagaw ako sayo" sabi niya. hindi ako makapagsalita pero sa isip ko nagwawala na ako dahil sa mga naririnig kong sinasbai niya

"oo na hahaha sayo lang ako Sangyeon, wag ka mag-alala" sabi ko naman, kinikilig kilig pa ako hahaha tapos lumapit siya saakin tsaka ako niyakap

"Althea, can you be my girlfriend" sabi niya habang nakayakap parin saakin. ano pa bang isasagot ko diba? syempre oo, sino ba namang hindi tatanggi sa isang Lee Sangyeon dibaaa

"of course sir Sangyeon, girlfriend mo na ako"

"i told you don't call me sir if we're not at the office or else-"

"or else what?" sabi ko tsaka tinaasan pa siya ng isang kilay hahaha

"or else I'll kiss you"






゚・:* ❈ *:・゚

⚘. DADDY ┆LSY ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon