⚘10

136 6 4
                                    

Althea's

it's almost 8pm nang makarating ako sa bahay ng boyfriend ko, si Eunsong

i just want to surprise him, bumili ako ng cake dahil nong monthsary namin siya lahat ang gumastos. now it's my turn to treat him

kakatok sana ako pero naisip kong pihitin yung doorknob, baka sakaling naka bukas yung pinto. para surprise talaga. napangiti naman ako nang malaman na hindi pala naka lock yung pinto

pagpasok ko doon hindi ko siya nakita agad, kasi minsan pag mga ganitong oras naka tambay na to sa salas at nanonood ng tv, pero ngayon wala siya. siguro nasa kusina or baka naman naliligo sa cr

pumunta na ako sa kusina pero hindi ko siya nakita doon kaya nilapag ko muna yung cake sa lamesa at patuloy na hinanap siya

papunta na sana ako sa cr nang mapansin na medyo naka bukas yung pinto sa kwarto niya, siguro nandoon siya ngayon

hindi na ako kumatok at basta ko nalang binukas yung pinto. pagpasok ko nakangiti ako

"hi lov-- mga walang hiya!" napasigaw ako nang dahil sa nakita ko. si Eunsong-- nakahiga sa kama-- may kasamang babae at mga walang saplot

natutulog sila pagpasok ko doon pero nagising nong sinigawan ko sila, gulat na gulat pa tong si Eunsong. mga hayop!

"Al-thea" napabangon si Eunsong sa kama at nanlalaki ang matang tumingin saakin

"ano to Eunsong?! paano mo to nagawa saakin!? hayop ka!" naluluha na ako habang sinisigawan siya, samantalang yung higad nasa kama lang walang pakealam. aba amputa

"ikaw sino kang babae ka?! ha! napakalandi mo!" lumapit ako at hinablot yung unan tsaka hinampas doon sa walang hiyang babaeng yun

"ano ba!" bumangon yung babae at tinarayan ako, aba siya pa ang may ganang mag taray

"walang hiya kayo! ang kakapal ng mga mukha niyo!" pinaghahampas ko si Eunsong ng dahil sa inis ko. paano niya to nagawa saakin? akala ko mahal niya ako pero nagtaksil siya saakin!

"sino ba yang babaeng yan Eunsong? kabit mo ba yan?" sabi nong babae. ako? kabet? ang kapal mo naman girl!

"at ako pa talaga ang kabet ngayon?"

"oo Thea, matagal ko nang girlfriend si Ryuhee. nauna ko din siyang nakilala kesa sayo. sorry kung tinago ko to sayo Thea. naghahanap lang ako ng perfect timing para sabihin--" hindi niya na natapos yung mga sinasabi niya nong sinampal ko siya. ang kapal ng mukha nihang gawin saakin to! akala ko ako lang ang babae sa buhay niya! pero ginawa lang pala niya akong kabet!

"walang hiya ka Eunsong! sana hindi nalang kita nakilala! sana hindi nalang kita minahal hayop ka!!" lumabas ako sa kwarto habang walang tigil na umiiyak nang dahil sa inis

habang naglalakad ay napadaan ako sa kusina at nakita yung cake na binili ko. hindi na ako nahdalawang isip pa at kinuha ko yon. bumalik ako sa kwarto at isinampal ko yun sa pagmumukha nilang dalawa

"ayan cake, binili ko yan para sayo Eunsong. masarap diba? pero mas masarap parin ako. bye! wag na wag ka na rin magpapakita saakin" huling sinabi ko bago umalis sa bahay ng potaenang yun

habang naghihintay ng taxi ay di ko maiwasan ang mapahagulgol. hindi ako makapaniwala, akala ko pa nmn matinong lalaki siya. akala ko hindi niya ako kayang saktan at lokohin pero nagkakamali pala ako

sana hindi nalang kita nakilala, sana hindi ako nasasaktan ng ganito ngayon!


゚・:* ❈ *:・゚

⚘. DADDY ┆LSY ✔Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang