⚘26

86 2 0
                                    

Althea's

"I want you to wear the necklace I gave you para sa dinner date natin mamaya" sabi ni Sangyeon mula sa kabilang linya ng phone, pumunta daw kasi siya sa kaibigan niya kaya wala pa siya sa office. naalala ko nasa bag ko pala yung kwintas na yun kaya hinanap ko yun agad. gusto ko suot ko yun buong araw

"dito ko lang nilagay yun ah, bakit wala" sabi ko, kinalkal ko na ang lahat ng sulok ng bag ko pero wala akong nakitang kwintas. saan naman napunta yun?

hindi naman pwedeng naiwan ko yun sa bahay, laging nakalagay sa bag ko yun pag hindi ko suot suot. saan naman kaya napunta yun

"anong hinahanap mo?" medyo napatigil ako sa paghahanap nang biglang dumating si sir Hyunjae

"yung kwintas po kasi na binigay ni Sangyeon saakin nawawala" sabi ko

"tignan mo sa mga gamit mo sa table mo doon baka naman nailagay mo lang don" sabi ni sir Hyunjae. baka tama siya. agad akong lumabas nang office ni sir tsaka hinanap yung kwintas sa table ko

ilang minuto ko yun hinanap. nakahinga ako nang maluwag nang makita ko itong naka lagay sa drawer ng table ko. agad kong isinuot yun at excited na babalik na sana sa office ni Sangyeon nang may isang babaeng nag tawag saakin

"hi Althea" sabi niya, kilala ko yung boses na yun. boses ng isang bruhang kontrabida sa pagmamahalan namin ni Sangyeon

"hello--" napalaki ang mata ko nang makita kung sino yung kasama niya. si ma'am Sandra Lee, mommy ni Sangyeon. ano naman kayang ginagawa niya dito

"totoo ba tong nakikita ko? why are you wearing that necklace?" sabi ni ma'am Sandra habang nakataas pa yung isang kilay niya. ma'am naman, syempre saakin to kaya isusuot ko to

"saakin po ito ma'am" sabi ko

"no! that was Eunice's necklace!" nagtaka ako sa simabi niya. bakit naman naging kay Eunice tong kwintas na ito eh binigay to sakin ni Sangyeon

"ah ma'am nagkakamali po yata kayo, saakin po itong kwintas na to. kakabigay lang saakin ni sir Sangyeon nong isang araw---"

"Althea mahiya ka naman, inagaw mo na nga saakin si Sangyeon tapos ngayon nanakawin mo yang kwintas na binili ni Sangyeon para saakin!" sabi ni Eunice. ano bang sinasabi niya? eh malinaw naman yung sinabi saakin ni Sangyeon na binili niya yung kwintas na yun para saakin habang nagbabakasyon sila sa US

"so this girl is the reason why Sangyeon broke up with you?" sabi ni ma'am Sandra. hindi ako makapagsalita, parang nasimento na ako dito sa kinatatayuan ko ngayon. kitang kita ko rin na nakatingin yung mga katrabaho ko

"yes tita, i don't know what she did to Sangyeon pero for sure gusto niya lang pera niyo kaya niya inaakit si Sangyeon!" sabi ni Eunice. nagpipigil nalang ako, gustong gusto ko na siyang sabunutan pero nakakahiya kay ma'am Sandra

"get out of my company you gold digger! you're fired! i don't wanna see your face here anymore or else ipapakulong kita!" sabi ni ma'am Sandra. bigla akong nabingi dahil sa mga narinig ko. ni hindi man lang sila nakinig sa side ko tapos ngayon tatanggalin nila ako sa trabaho. hindi naman ata tama yun

"ma'am Sandra baka po pwedeng makinig kayo saakin" pagmamakaawa ko, kulang nalang ay lumuhod ako sa harapan niya

"don't listen to her tita, sinungaling yang babaeng yan. Althea umalis ka na dito kung ayaw nong ipakaladkad pa kita sa guard" sabi nong bruhang Eunice. ako pa talaga ang sinungaling? bat ba niya ako binaliktad?

inalis ko yung kwintas na binigay saakin ni Sangyeon at iniwan sa table ko bago ako umalis. hindi nalang ako nagsalita dahil baka kung ano nanaman ang sabihin nila sakin

"layuan mo na rin ang anak ko!" rinig kong sigaw ni ma'am Sandra habang naglalakad ako palabas

kung yan po ang gusto niyo, gagawin ko. kahit na masaktan pa ako, para sa ikatatahimik niyo





゚・:* ❈ *:・゚

⚘. DADDY ┆LSY ✔Donde viven las historias. Descúbrelo ahora