⚘02

223 9 0
                                    

Sangyeon's

"pinagdududahan mo ba ako Eunice?" medyo padabog kong isinara yung pinto ng kwarto habang nakikipag-usap sa girlfriend ko

"nakita ko kung paano mo tignan yung babaeng yun, I know may gusto ka sakaniya!" padabog niya ring inilapag sa table yung bag niya

"ganito nanaman? paulit ulit nalang tayo dito, lagi kang nagseselos kahit wala ka namang dahilan para mag selos!" pinipilit kong kumalma pero punong puno na talaga ako sakaniya

"walang dahilan?! Sangyeon iba mo tratuhin yung babaeng yon, paanong hindi ako magseselos. at niyaya mo pa talagang makisabay saatin ha" inirapan niya ako tsaka tumalikod

"I'm just being nice with her kase ginagawa niya ng maayos yung trabaho niya sa company, wala naman sigurong masama doon diba?--"

"even if she's doing good in her job hindi mo na dapat siya niyaya! she's just your employee" hinarap niya ako ulet at nilapitan

"all of my employees are important to me that's why I'm trying to be nice with them. Ngayon kung puro ka nalang selos pwede ba bigyan mo muna ako ng space? lagi nalang ganito! lagi tayong nag aaway dahil sa kakaselos mo" umupo nalang ako sa kama at iniwasan siya. naramdaman kong umupo din siya

"sorry babe, alam mo naman na kaseng selosa ako so wag ka nang lapit ng lapit sa ibang babae. Gusto ko ako lang, wag kang titingin sa iba" niyakap niya ako ng mahigpit kaya ako kumalma, kung hindi ko lang mahal to sana kanina ko pa siya pinalabas ng kwarto


゚・:* ❈ *:・゚

⚘. DADDY ┆LSY ✔حيث تعيش القصص. اكتشف الآن