Chapter 15

90 6 8
                                    

Dear readers,

Sinong nagbabalik? Edi si Robina! Haha. Di ko po inedit ang grammar nito and all that, talagang ginawa ko lang into 3rd person POV.

Enjoy reading kahit ewan ko kung may nagbabasa pa.

EC ❤️

==========================================================

Jane stood there frozen, her face flushed, ikaw ba naman ang makakita ng lalaking may katawang kala mo Statue of David na inukit ni Michelangelo, makakagalaw ka pa ba? She hasn't expected that, na ganito ito kagwapo lalo na kapag basa ang buhok.

Napangiwi ang dalaga, calling Saint Peter and asking for his forgiveness, kung pwedeng minsanan nitong patawarin ang pagnanasa niya sa katawan ng binata. Napalunok ang dalaga, sa alindog lang naman nito siya attracted at hindi sa ugali nito.

"Is that an invitation?" Sym asked Jane, his face dead serious.

"Ah kasi ano Sym...nakahanda na 'yung pagkain sa dining table, baka gutom ka na."

"Dinner can wait, I want dessert first." Sym's voice a husky whisper, he was looking at her like a predator ready to eat his prey, he then walked towards her.

Natameme siya. Ito na nga ba ang sinasabi niya dapat talaga ay 'di niya na ito ginambala pa. Dapat ay hinayaan na lamang niya ito hanggang sa hindi na ito magising.

Hindi na siya nakagalaw sa takot at teka, she also felt a little of something she couldn't name, could it be excitement?

Maya-maya ay nakita niya ang pag-ngisi nito. "Joke lang, sige na mauna ka na dun. Susunod na ko." 

Napahinga ng maluwag si Jane, kala niya ay tototohanin na ni Sym ang sinasabi nito, buti na lang at biro lamang iyon. Pero niya talaga maintindihan ang binata, ang hirap naman kasi nitong basahin, para bang nagbabasa siya ng librong baliktad ang mga letra.

Pumunta na siya sa dining room at umupo na siya sa hapag.

Pagkalipas naman ng limang minuto ay sumunod na rin ang binata sa kanya, nakasuot ito ng  baby blue botton front pajama shirt at pajama bottom, bumagay ito kay Sym, para itong anghel  habang nakayapak at naglalakad papunta sa dining room. 'Wag lang talagang ibuka nito ang bibig at puro explicit contents ang inilalabas. Maaliwalas na rin mukha nito dahil sa nakangiti na uli ito. Sana ay lagi niya itong nakikitang nakangiti.

Umupo si Sym sa katapat niyang upuan at sinimulan na ang paglalagay ng pagkain sa plato nito. Walang namagitang salita sa kanilang dalawa.

"Sym?"

"Hmm?'

"Are you ok?"

"I'm fine," sabi ng binata at tahimik na sumubo ng pagkain.

Tumahimik na lang din siya at sinimulan na ang pagkain.

Hindi pa nakakalahati ang kinakain ni Sym pero parang bata na nitong nilaro-laro iyon. Feeling tuloy ni Jane ay hindi masarap ang niluto niya.

"Hindi ba masarap?"

"Hindi ka masarap."

"Anong sabi mo?"

"Hindi masarap luto mo," parang batang sabi ni Sym, dinagdagan pa nito ng paglabi.

"Anong hindi masarap?.. masarap!"

"Tigil ka nga," sabi ng binata, kumuha ito ng tubig at ininum iyon, tapos tumayo na ito at hinugasan ang pinagkainan nito.

Dinalian na rin ni Jane ang pagkain. Pagkatapos niyang iligpit ang pinagkainan niya ay sumunod na rin siya sa sala, nakita niyang hawak-hawak ni Sym ang gitara ng kuya niya na nakadisplay doon

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 27, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TTWSGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon