Chapter 2

369 27 19
                                    

Robin says: Hello again, pips! Done editing the second chap! Enjoy reading and  please don't forget to leave some comments. Thank you!

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Hindi kaya napapanisan ng laway 'tong si Tito Sym?" tanong ni Jane sa sarili. The guy had been so silent he could make the dragons sleep forever. Ni isang kibo naman kasi ay wala man lang siyang marinig dito.

Iginaya na lamang niya ito papasok ng kanilang pamamahay. She started to walk and gesture him to follow. Makaraan ang ilang sandali ay ipinakita na rin niya rito ang magiging kwarto ng binata. Matagal na nilang pinalinis at pinahanda ang kwarto para sa pagdating ni Sym, wala na rin namang umuukupa roon matapos madistino ng kapatid niya sa America. Kaya naisipan ng mama niya na si Sym muna ang gagamit ng kwarto hanggang sa makahanap ito ng trabaho at maisipang lumipat ng matitir'han.

"I'm sorry if the room's a bit dusty, we don't tend to use it too often. Sa katunayan nga'y ngayon na lang uli ito magagamit, magmula nang madistino si kuya sa US," pagpapaumanhin niya sa binata habang itinataas ang vinturs blinds ng malaking vinyl window upang kahit papaano'y pumasok ang liwanag sa buong silid.

Muli'y hindi nagsalita si Sym.

Nilingon ni Jane ang binata. Napatingin siya sa mukha nito. How could a guy have such flawless features? Jane wasn't sure if it was because of his handsome face or his height. There was just something about the guy that'd pull Jane in and dig deep into her thoughts. His mere presence made all aspects of her mind stands at attention and take in his demeanour. Umiling ang dalaga at sinaway ang sarili. Hindi niya maaaring pagnasaan ang binata dahil kamag-anak niya ito.

"If you need something don't hesitate to ask me," muling sabi ng dalaga upang maiwaglit ang kanyang iniisip.

"Uhm? Thank you," mahinang pasasalamat ng binata sa kanya.

Nagulat si Jane nang marinig ang boses nito, he was not only sexy but he also had a sexy voice! It was deep and raspy. Not only that, he also had a slight English accent. She couldn't describe if it's Australian or British. Of course, he had an accent. Sa pagkaka-alam niya'y sa isang International School ito na nag-aral ng high school.

"Uhm, it was no trouble at all. So papaano, I'll go to the kitchen to prepare some snacks? Call me if you need something," pagpapaalam niya sa binata at walang sabi-sabing lumabas ng pinto. Siguradong hindi siya tatanggapin ni San Pedro sa mga pinag-iisip niya.

Pumunta na lamang siya sa kusina upang maghanda ng mami-meryenda nila. Aalukin na lamang niya ito ng makakain mamaya. Siguradong hindi nakakain ng husto ang binata dahil na rin sa napaka-tagal na byahe.

When she arrived in the kitchen, she started to prepare their snacks. Naisipan niyang gumawa ng beef burger. Kinuha ng dalaga sa loob ng fridge ang beef burger patties na inorder pa niya sa mama ng kaibigan niya. Nakasisiguro siyang organic ang mga iyon sapagkat ang ginang mismo ang gumagawa, isa pa'y galing mismo sa farm ng mga ito kinukuha ang lahat ng rekadong kailangan. Tiyak niyang magugustuhan iyon ni Sym. Makalipas ang sampong minuto'y tapos niya nang lutuin ang patties sa electric grill pan. Sinimulan naman niyang hiwain ang tomatoes at cucumbers.

Nagsisimula na siyang hiwain ang pipino nang...

"Holy Pepperoni!" napatalon ang dalaga sa gulat nang may sumundot sa tagiliran niya, agad siyang humarap sa salarin, hindi sinasadyang naitutok rito ang hawak-hawak na kutsilyo.

"Don't point that knife at me, it's dangerous," Sym said in a husky voice, a small smile tugging at the corner of his lips. Hinawakan nito ang dulo ng kutsilyo at saka iyon marahang ibinaba.

"You've scared me to hell!" napataas ang boses na sabi ng dalaga. Talagang natakot siya ni Sym, ang akala niya'y may nakapasok nang magnanakaw sa bahay nila.

The guy burst out in laughters.

"What's being funny?!" naiiritang tanong ni Jane. Pinag-lalaruan ba siya nito?

Tuluyang ibinaba ni Jane ang hawak-hawak na kutsilyo at baka maisaksak pa niya iyon sa leeg ng binata nang dahil sa inis niya rito. Sabi na nga ba niya at ma'y kakaiba rito, ang akala niya'y talagang tahimik ito, 'yun pala'y bumubwelo lamang.

Hindi sumagot si Sym at nagkibit-balikat lamang. Nasa mga labi pa rin ang nakalolokong ngiti.

Sinimangutan lamang ni Jane ang binata 'tsaka tumalikod. Muli nitong hinarap ang ini-i-slice na pipino, 'yon na lamang ang pinag-buntungan niya ng inis.

Maya-maya ay lumapit ang binata sa kanya at sinilip ang kanyang ginagawa, kaonti na lamang at papatong na ang baba nito sa may kanang balikat niya. She stiffened when she felt him closer to her; she didn't know but it sent an electric current throughout her body.

"As far as I remember, hija, that's a cucumber and not a garlic, hindi mo iyan kailangang i-mince," natatawang sabi nito sa kanya, he moved even closer to her, she could finally feel his breath down on her neck. Was he trying to seduce her?

"Teka nga lang! Bakit ka ba nakiki-alam?" tanong niya rito. Humarap ang dalaga kay Sym, nakalimutan niyang sobrang lapit lang niya sa binata kaya bumangga siya sa matipunong dibdib nito.

"Watch out, hija, nakakasakit 'yan," natatawang sabi nito, inginuso nito ang hawak niyang kutsilyo.

Dumistansiya si Sym ng kaonti, then he flashed his soon-to-be-famous grin.

"Can you please just stay in the sala while I'm preparing this? Nakaka-istorbo ka, eh?!'

"Tinitignan ko lang 'yang ginagawa mo, maya-maya'y lagyan mo 'yan ng gayuma."

"Hoy! Tito Sym!" naiiritang sabi niya rito, binigyang-diin pa niya ang salitang tito, "Hindi por que't may hitsura ka ay crush na kita!"

"Aww! That hurts!" He said, still laughing, he held a hand to his chest and pretended that he's wounded.

"That will be a real wound if you keep this up!" she said, balling her fist to show that she means business.

Sym laughed, his hands raised, palms outward, "Okay, chill out, you'll ruin your face if you get all angry like that," the guy said, still laughing.

Nawala ang inis ng dalaga nang makita ang natural na pagtawa nito, hindi 'yon katulad kanina na may bahid ng panloloko. Parang katulad iyon ng pagtawa nito sa tuwing kasama niya ito sa mga panaginip niya.

Tumigil ang binata sa pagtawa nang maramdamang nakititig si Jane rito, "You like what you see?" he asked, cockily, but it wasn't much of a shocker that he was.

Without thinking, she immediately said, "No, you just look like someone from my dreams."

"What the- Did I just really blurt that out? I sounded like a weirdo, a creep," kastigo niya sa sarili, huli na para bawiin ng dalaga ang nasabi.

Nagulat siya nang matagal na hindi nag-salita si Sym, nakatitig lamang din ito sa kanya.

After a few minutes, Sym nodded as if what he'd heard had only just registered, "Sorry, princess, but I'm not the prince charming in your dreams."

Natilihan ang dalaga, iniisip ba nitong pinagpapantasyahan niya ito sa panaginip niya?

"Tha-that's not what I mean!" sigaw niya sa binata, "Do you think you are qualified to be my prince charming? I'd rather choke myself to death! No you're not my prince charming! You are my-my--,"

"Tito," dugtong nito.

"Not just my uncle, you are my evil tito!"

Parang walang narinig ang binata, tatawa-tawa lamang itong tumalikod sa kanya at walang sabi-sabing iniwan siya roon.

TTWSGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon