Chapter 8

174 12 5
                                    

Jane's

She reached over for her glass of water and drank from it, she had to keep herself from coughing but it stung her throat. Kahit kailan nga naman talaga ang talipandas na lalaki. Namumuro na talaga ito sa dalaga. Ano kaya kung palayasin niya na? kaya lang, nakakahiya naman sa Mama Ynes niya kung bigla na lang niya itong sipain palabas ng bahay nila. Paano na lang kaya kung magpakalat-kalat ito sa daan, matutulog sa kalye, mahihiga sa karton, papakin ng mga lamok, tapos hindi ito makakatulog, maglalakad-lakad ito, makakasalubong ng mga adik, bubugbugin tapos itatapon sa tulay, madedeads at maida-dyaryo, "Isang Hot na fafa Na-deads Dahil Pinalayas ng Pamangkin." Oh noes! hindi! hindi niya ito palalayasin! kahit high-bloodin pa siya ng todo!

"Oh, natulala ka na sa kagwapuhan ko?" Nakaingising turan nito sa kanya.

"Ay, asa ka naman, dre!" Pasungit na ganti niya rito. The guy was so arrogant she couldn't take it, as if she would really like him. Gwapo ito, pero never siya magkakagusto rito, not in this lifetime!

"Tss," sabi nito, ano kaya kung tss-in niya ang mukha ng damuho?

He was grinning again like a cute puppy! ang sarap haltakin ng pisngi nito at kurut-kurutin hanggang mamula ng bongga.

Kumain na lang siya ng kumain, baka sabihin na naman ni Sym na pinagpapantasyahan niya nito, kahit naman ganun siya ay may pigil pa rin siya sa sarili niya.

After she finished eating she already  stood up.

"Where are you going?" He asked her.

"Sa sala, manunuod ng TV," sagot niya, alangan naman na siya pa ang mag-hugas ng pinggan eh may sugat nga siya.

"Ako na nga ang nagluto ako pa rin pala ang mag-huhugas ng pinggan. Aba, Misis! abusada ka na!" pabirong sabi nito sa kanya.

"Misis mo mukha mo! Eh, kung sipain kaya kita riyan nang bumalik ka sa huwisyo, ha?"

He pouted his lips and just continued eating. Tito, tito why so gwapo ba kasi?

She stood up and marched into the living room, grabbed the telly remote, and searched for the Nickelodeon channel. Natuwa pa siya nang mapansing Dora The Exporer ang palabas.

Dora: Where are we going?

Boots: Tallest Mountain! *clap clap clap*

Dora: Where are we going?

Boots: Tallest Mountain! *clap clap clap*

Dora: Where are we going?

"Ang eng-eng naman Dora! Tanga-tangahan lang? dalawang beses ng sinabi, e!"

Nilingon niya ang kung sino ang pinanggalingan ng boses, Si Sym lang pala, he was behind her, wiping his hands using a hand towel, mukhang tapos na itong maghugas ng mga pinggan.

"Bakit ba pati si Dora pinakikialaman mo?" Naiiritang tanong niya rito. Nawalan na siya ng ganang manuod, naroroon na ang asungot.

He didn't answer and seated beside her instead, tumayo naman siya at lumayo ng bahagya sa binata.

"Akin na 'yang remote," utos nito sa dalaga.

She handed it to him, para wala nang gulo.

She was about to go down the hall when suddenly the electric current was cut, it was so dark she couldn't see anything. May phobia pa naman siya sa dilim.

"Sym!" she called on his name. She really feared darkness, she had this feeling that she would pass out any moment. Nagkaroon siya ng trauma sa dilim noong bata pa siya. Hindi niya alam pero feeling niya umiikot ang paningin niya sa tuwing madilim, kaya nga hindi siya lumalabas ng mag-isa tuwing gabi at laging dapat nakasindi ang ilaw 'pag matutulog na siya.

"O! May mumu riyan, bahala ka riyan." Sigaw ni Sym sa kanya, isa pa 'yung kinatatakutan niya. Multo. Bigla niya tuloy naalala si Sadako.

"Sym naman eh! Sunduin mo ko rito, sige na! Natatakot na ko," sigaw niya, kaonti na lang talaga at mag-pifreak out na siya.

"Awooo!" Pananakot pa nito lalo.

"Letse ka, Sym! Mag-kakuryente lang! Mabubugbog talaga kita!"

He let a pause for a long time, ni hindi man lang niya narinig ang mga yabag ng mga paa nito, he really didn't  have any plan to fetch her.

She tried to move her feet to make some steps, pilit niyang kinakapa kung may mababangga ba siya. Nagsisimula na naman siyang manginig, sumisikip na naman ang dibdib niya.

"Alam mo ba 'yung usap-usapan ng mga kapitbahay? Sabi nila 'pag alas-tres daw ng madaling araw rito, may natatanaw raw silang tao sa may bintana riyan sa kusina. Ikaw ba 'yun?" Tanong ni Sym sa dalaga, kung may boses na mas malamig pa sa yelo, boses na siguro iyon ng lalaki.

Mas lalong  kinilabutan si Jane, alas-otso pa nga lang ng gabi tulog na siya. Kinilabutan na siya ng tuluyan.

"SYM!" Hindi niya na alam kung ano ang mga nabangga, napatakbo na siya, wala na siyang pakialam kung mabasag lahat ng kasangkapan na mababangga niya.

Humakbang lang siya ng humakbang, hindi niya alam kung saan siya patungo, hanggang sa may nabangga siya, narinig niyang napamura si Sym. Sinundan din pala siya ng binata. Na-outbalance silang parehas, nang mabubuwal na sila, yinakap siya nito para maprotektahan ang likod at ulo niya.

She heard a loud clash after what happened.

"Are you alright?" She asked him.

"Y-yeah," He answered, but based on how he answered, she thinks he's not really okay.

She pulled out a bit 'cos their position was really awkward, nakahawak ang isang kamay ng binata sa may likod niya samantalang ang isa pa nitong kamay ay nasa bandang ulo niya.

"You're not alright," she said, stating the obvious.

She heard him laugh a little, "Bumangon ka na at kay bigat mo," mahinang utos nito sa kanya, kumalas na rin ang binata sa pagkakayakap sa kanya.

Bumangon na rin siya, kawawa naman si Sym, dinaganan pa niya.

"Bumangon ko na rin, nag-enjoy ka na riyan sa sahig," birong-totoo ng dalaga, sabay hila sa kamay nito.

Narinig niya ang mahinang pagdaing nito, sapu-sapo ang ulo.

"Ayos ka lang?"

"Nabitak na 'ata ang bungo ko," ani Sym 'tsaka ito tumawa, alam niyang nag-bibiro lang ito para hindi siya mag-alala.

"May pang-ilaw ka ba riyan or something?"

"Hawak-hawak ko 'yung lighter kaninang papunta sana ako sa'yo, kaso nahulog ko nang magkabangga tayo."

She had no choice but to find it, kung hawak-hawak lang nito iyon, siguradong malapit lang 'yun sa kanila.

Sinimulan niya na ang pag-kapa sa sahig. Kapa lang siya nang...

"Ano 'to? Bakit matigas?" Tanong niya sa sarili.

"Ahm, hija?"

Patuloy lang siya sa pag-kapa.

"Oh?" She asked him while touching the hard surface.

"Ano kasi? Abs ko na 'yang nakakapa mo," natatawang  sabi nito.

Napahinto siya bigla sa pagkapa.

TTWSGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon