Chapter 6

232 17 10
                                    

Robin says: here comes the jologs chappie 😂

"Are you nuts?" tanong ng dalaga, umusog siya palayo kay Sym. Sino ba naman kasing matinong tiyuhin ang hihingi ng halik sa pamangkin nito?

"What's wrong with that? isa lang naman, eh, dito lang oh?" Ngumisi ang binata at pinanulis ang nguso.

Gustong pangilabutan ng dalaga, incest iyon kapag nagkataon.

"Kadiri ka! lubayan mo nga ako!" Taboy niya rito, but she was tempted, he had these kind of cherry lips, ang tipong titigan mo lang ang mga iyon ay matutulala ka na.

Nakasigaw na ang dalaga ngunit balewala lamang iyon kay Sym, he was still staring at her with those sexy pair of dark orbs. She avoided his gaze, pakiramdam niya'y ano mang oras ay malulusaw siya sa paraan ng pag-titig nito. Matagal-tagal din iyon ngunit nang pag-lingon niya'y nawala na ang seryosong pagtitig nito, maya-maya'y ngumisi ito at kinindatan siya.

"Uy! 'Wag kang ma-fall!"

"Kapal!" Sinuntok niya ito sa braso dahil nang-titrip na naman ito. Kung bakit ba naman siya nagpapaniwala sa hudas na lalaki. Makalipas ang ilang minuto'y tumayo ito.

"Oh, where are you going?" tanong niya, mababanaag ang pagmamasungit sa boses. Baka isipin nitong may concern siya rito.

"Isn't it obvious? of course, into the kitchen," sarkastikong sabi nito sa dalaga.

Nagpigil si Jane dahil kaonti na lamang ay mahahambalos niya na ito ng tsinelas.

"Alam mo para kang si SYMsimi, ang gulo mong kausap."

"Ah, patawa 'di naman kalbo," pang-aasar nito sa kanya.

Hindi na lamang niya ito pinansin upang hindi na rin ito dumada, napansin niya kasing sa oras na magsalita siya ay may lagi itong pam-bwelta sa kanya.

"Anong gagawin mo sa kusina?" Maya-maya'y tanong niya sa lalaki.

"Maglalaba, bakit may ipalalaba ka ba? Tumatanggap ako ng labada lalo na 'yung mga underwear," nakangiting sabi nito sa kanya. Walang halong sarkasmo, parang nang-gugood time lang talaga.

"Siraulo ka talaga!"

"Oo na! oo na! mahal mo lang ako kaya ka nag-kakaganyan! hindi lang kasi pwede! kasi pangit ka at gwapo ako! at may abs ako! at pinagnasahan mo 'yun kanina! at nakita ko 'yung pag-kagat labi mo no'ng sinabi kong halikan mo 'ko, at-at--" hindi na nito natapos ang sasabihin dahil nakalapit na siya sa tabi nito, hindi nag-tagal ay binatukan niya ito ng pagkalakas-lakas.

"Aray ko! Why did you do that?" Sigaw nito sa kanya habang hinihamas ang parteng natamaan ng pagkakabatok niya.

"Napaka-feelingero mo kasi! Sa'n mo ba napupulot 'yang mga sinasabi mo? Ang kupal no talaga!"

Ngumiti lang ito sa kanya ng pagkakatamis-tamis, sa sobrang tamis feeling niya ay makaka-diabetes na siya, "Hindi ba totoo?"

"Hindi nga!" sigaw niya. Bumalik na siya sa kina-uupuanat ibinagsak roon ang sarili.

"Joke lang, 'to naman, ako na ang magluluto," sabi nito sa kanya. Hindi na ito nakangiti at naging seryoso na ang mukha nito. Mas gwapo ang binata kapag sumiseryoso ito, mas lalo tuloy itong naging misteryoso sa paningin ng dalaga.

"Siguraduhin mong makakain ko yan, ha!" Pagmamasungit ni Jane, naka-irap pa siya habang kinikilatis ang lalaki.

"Oo naman, wifey, magluluto na ang iyong hubby, para 'di mo ako mabugbog, husband beater ka kasi. Pero kung hindi mo makakain ang iluluto ko, pwede rin namang ako na lang ang kainin mo," sabi nito sabay takbo dahil nak-aamba na ang tsinelas ng dalaga papalipad rito.

Kahit kailan ay may pagka-abnoy talaga ang tiyuhin niya, hindi nga niya alam kung saan ito nag-mana dahil pareho namang matino ang mga magulang nito.

Sumilip si Jane sa kusina, nakita niyang  nasa harap na ito ng lamesa at itinutuloy 'yung hinihiwa niya. Mukhang seryosong-seryoso ito, career-in ba ang pagiging hubby niya.

Napailing si Jane, pati siya'y nahahawaan na ng pagka-baliw nito.

Napansin ng binata na mataman itong tinitignan ni Jane, "'Wag mo nga akong titigan diyan, baka malusaw ako niyan," sabi nito, pero nasa hinihiwa pa rin ang atensiyon nito.

"Alam mo, ubod ng kapal 'yang mukha mo, halika mamaya rito, huh! At lilihain natin 'yan nang medyo numipis-nipis naman."

"Yes, lovey-doves, basta, after that you will give me a kiss, eh?" sabi nito at nag-flying kiss pa.

"SYMPHONY LYRIC MARTIN!!!"

At talagang inuubos nito ang pasensya niya.

TTWSGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon