Chapter 10

200 11 3
                                    

Jane's

"Ang kapal talaga ng mukha mo! hindi ah!" nakasigaw na sabi ng dalaga,  alangan namang katabihin niya itong matulog, eh kung gapangin siya nito? mahirap na.

"Ah ok, goodnight then, sweet dreams, don't let the mumu bites you," pagkikibit-balikat ni Sym 'tsaka ito tumayo upang mag-punta sa kwarto nito.

Hinawakan ni Jane ang braso ng binata upang pigilan ito, "Teka ka lang, pwede bang 'wag ka na lang... 'wag ka na lang matulog?"

"Ayokong magka-eyebags. So paano, goodnight na, iha. Ingat-ingat din riyan, 'wag titingin sa kusina," sabi nito at akmang tuluyan nang aalis.

"O sige na! Sige na! tatabi na ko sayong matulog pero, pero 'wag mo akong rereypin," sabi niya. Kailangan niyang makasigurong hindi siya nito aanuhin, ipapabitay niya 'to sa oras na galawin siya ng lalaki.

Napamaang si Sym at malakas na tumawa, "Ang lakas rin talaga ng tiwala mo sa sarili mo 'no? hindi ako pumapatol sa hindi sexy, pa-mature ka muna, ineng. Ino-offer ko lang 'tong katawan ko para may katabi ka at hindi para paligayahin ka, but if you really want sex, all you have to do is ask and I'll allow you to use my body freely."

"Ahh!" Tinakpan ni Jane ang dalawang tenga niya, "Wala akong naririnig, wala!" Ayaw niyang marinig ang mga pinagsasabi nito. Feeling niya'y nanlalambot siya, kulang na lang ay malusaw siya sa kinatatayuan niya.

She heard him chuckled loudly, ngayon lang siya nakatagpo ng lalaking brutalan kung gamitin ang salitang 'sex' na para bang walang kamali-malisya iyon, para bang parte na iyon ng pang araw-araw nitong bokabularyo.

Kinastigo ni Jane ang sarili. Hindi naman siya dating ganito, nasanay siyang mang-trashtalk ng mga lalaking nagpapalipad-hangin sa kanya, bakit hindi niya magawang trashtalk-in ang binata?

Naglakad na Sym papuntang kwarto nito, sumunod naman agad siya dala-dala ang kandila.

Pumunta ito sa harap ng closet nito upang maghanap ng damit pang-tulog.
Nagulat na lang siya ng biglang naglakad papalabaa ng kwarto ang binata, tumalima siya sa pag-sunod rito.

"Hoy Sym! Where are you going?" She asked, she didn't know why it seemed like he was rushing. Napakalaki kasi ng mga hakbang nito.

"To your room."

"And what are you going to do in my room?"

"Matutulog natural mente! Lutang ka ba o eengot-engot lang talaga?"

Napakagat ng labi ang dalaga upang hindi niya ito masigawan. Nagtataka lang naman siya kung bakit may kwarto naman ito ay sa kwarto pa niya napili nitong matulog.

"Baka po kasi hindi ka sanay matuloy sa ibang kama kaya doon na lang po, 'tsaka hindi ka pa po nagpapalit ng pantulog mo, ganyan ka na lang?" paliwanag nito.

"Ah, okay," sabi na lang niya, kahit papaano naman pala ay may puso pa rin ang binata.

Nang makapasok na sila sa kwarto ni Jane ay agad nagtungo si Sym sa banyo para magpalit ng pantulog, siya naman ay naghanap sa drawer ng pajama at loose shirt.

Kulang na lang ay mapamura ang dalaga ng malakas nang lumabas si Sym sa kwarto.

Pa'no ba naman ay wala na naman itong pang-itaas, ang akala yata ng mokong ay ramp model ito at ang kwarto niya ang stage nito. Kinuha niya ang unan sa bed niya 'tsaka iyon ibinato kay Sym.

Iniwasan lang naman ito ng lalaki.

"Joskong mahabagin! bakit ka naka-topless?!"

"Mainit, hindi ako makakatulog," nakakibit-balikat nitong sabi.

Napatingin uli siya sa katawan nito, mukhang nahahawa na siya sa kamanyakang taglay nito. Well his body deserved a second look. He looked like a deity god, a delicious hunk god. Saan ba siya makakahanap ng lalaking ganito kagwapo at kasexy na hindi niya tito?

"Oh, tama na 'yang pagnanasa mo sa katawan ko, magpalit ka na," utos nito at naupo na sa kama.

"Hindi pwede! magsuot ka ng tshirt!" sigaw niya, hangga't maaari ay ayaw niya ng lalaking katabi, lalaking naka-topless pa kaya?

"Psssh! Iha, I used to sleep all nude all the time, pasalamat ka nga at nahiya pa ako sayo ng konti," sabi nito, pagkatapos ay ibinagsak ang sarili nito sa kama.

Napa-isip si Jane. As in all nude? 'yung pwedeng i-paint sa canvas?

Pumunta na lamang siya cr at nagpalit ng pantulog niya upang maiwasan ito.

Pagkalabas niya ay tahimik na itong nakahiga sa kama, ang dalawang kamay ay ang siyang ginawa nitong unan. Pwede na itong maging male version ni Rose ng movie na Titanic sa posisyon nito. Paint me like one of your french boys ang peg ng lolo mo. Pwede ng gumawa ng canvas ang dalaga.

Sumampa na rin siya sa kama. Linagyan niya ng unan ang pagitan nila. Narinig niyang tumawa ito nang makita ang ginawa niya, enjoy na enjoy talaga itong pagmukhain siyang tanga.

"I didn't persuade women to have sex with me, they begged me to do so," anito, 'saka humikab.

"You know one thing I can't stand? chauvinist pig," nakasimangot na sabi ni Jane, alam naman niyang babae ang lumalapit rito, hindi na nito kailangang ipagduldulan pa sa kanya.

"Chauvinism isn't as edgy as you think it is..." sagot ng binata habang nakatingala sa kisame "I'm not really a chauvinist pig, but I'm sure it is funny to act like one, a true intellectual is a bit chauvinistic and egoistic, but compassionate. "

Hindi na lang siya sumagot. Hindi naman kasi ito papatalo sa kanya.

Hindi na sila nagkibuan pagkatapos nun, pinilit niyang makatulog pero ayaw parin ng mga mata niyang pumikit.

"Sym" tawag uli niya. Kung hindi siya makatulog ay dapat ito rin.

"Tulog na."

"Can't sleep."

"Mag-bilang ka ng tupa."

"Ayaw pa rin."

"Pwes 'wag kang mang-istorbo riyan, naaantok na 'ko," sabi nito, bumaling ito sa kabilang side ng kama.

"Sym?"

"Oh?" naiiritang tanong nito.

"Bakit lagi ka na lang easy go lucky, bakit lagi ka na lang nakangiti?"

"Smile is the best mask to hide pain, being easy go lucky is my way to escape the past."

Napatitig siya rito, hindi niya alam kung bakit parang ang lungkot ng boses nito nang sagutin nito ang tanong niya.

Gumalaw ang binata, this time ay hindi na ito nakabaling sa right side ng kama, nakaderetso na ito ng pagkakahiga. Nakapikit na ito, tinitigan niya ng matagal ang mukha nito. Sym's right, she noticed it already, ipinagsawalang bahala lang niya dahil lagi naman itong nakangiti, para bang ang lungkot-lungkot ng mukha nito 'pag hindi ito nakangiti. Bakit?

Inimulat nitong muli ang mga mata nito, then he gave her a faint smile, she didn't know but she felt like hugging him, not because she wanted to but because she thought he needed it. Pero hindi niya iyon ginawa.

"Do you understand now why I need to smile often? Because people think I need comfort once I stop smiling."

Hindi siya umimik at sinarili na lamang ang marami pang katanungan.

Lumipas ang ilang minuto ay biglang may umalulong na aso. Hindi namalayan ni Jane na sumiksik na pala siya kay Sym dahil sa takot. Hanggang ngayon ay nakatatak pa rin sa isip ng dalaga na kapag may umaalulong na aso, ibig sabihin ay nakakakita ito ng multo. Ipinikit niya ang mata at pinilit makatulog.

Hindi niya alam kung nanaginip lang siya o talagang nakita niyang nakaharap sa kanya ang binata, malungkot itong nakatitig sa kanya.

"Don't fall inlove with me, iha, I don't have interest in loving women, all I want is to play, I always make my farewell."

TTWSGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon