CHAPTER 2: OFFER

22 1 0
                                    

Nang tawagin ako nitong muli ay tuluyan na akong tumakbo papasok sa classroom namin. Pagkapasok na pagkapasok ko ay nandyan na naman ang mga mala ingitera nilang mata, kung sabagay ay sanay na ako. Laging ganito ang eksena sa tuwing ako'y papasok.

"Labo naman," muling tawag sakin ni Vince ngunit sinuklian ko lamang siya ng matatalim na mga tingin. Kailangan na naman ako ng mokong upang makakopya siya sa mga sagot ko sa takdang aralin.

"Kung ginawa mo sana iyan edi may sagot ka 'diba?"

"Eh hindi ko nga alam," iritadong sabi nito. Dahil sa mabait ako ay papakopyahin ko na sana siya ang kaso lang ay dumating na si Mrs. Famous.

Matapos ang mahaba habang diskusyunan ay nagpaalam na si Ma'am. "Siya nga pala Ms. Smite, meet me at my office."

"Yes Ma'am," nagtatakang tugon ko. Ano naman kaya ang kailangan sa akin ni Mrs. Famous? May nagawa ba akong mali? Binaliwala ko na lamang ang aking mga naiisip at sumunod na sa office ni Ma'am.

"Ms. Smite, maupo ka," nakanganga akong umupo dahil unang tingin mo pa lamang sa office ni Ma'am ay parang nasa garden ka, bawat sulok na makita mo ay puro halaman.

"First of all, congratulations Love for being our top student."

"Thank you so much Ma'am," maligayang sagot ko. "Pinapunta kita dito para ipaalam sayo na ikaw ang napili ng mga grade 9 teachers for the upcoming math trail tournament," nakangiting sabi nito sa akin ngunit bakit parang wala akong marinig sa mga sinabi niya, nabingi na ba ako?

"Love, are you okay?" nagtatakang tanong ni Ma'am, natulala na pala ako dito sa kinauupuan ko. "Ako po ang representative ng buong grade 9?" naguguluhang tanong ko pa rin. "Ayaw mo?" malungkot na sabi nito. "If you're against it, I guess I'll pick Rennie."

"No Ma'am, it's my pleasure to become a part of our math trail team," masayang pagbabahagi ko ng aking nararamdaman, hindi man kapani-paniwala ngunit kailangan kong paniwalaan kahit hindi ito ang reyalidad na aking kinamulatan.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

PS: I'll be diving into what it takes to build and finish this story.

Fierce LoveWhere stories live. Discover now