CHAPTER 1: THE JOURNEY BEGINS

21 0 0
                                    

"Good morning world," palihim kong sinabi habang naliligo. Pangatlong buwan na simula ng magumpisa ang klase, nasa ika-siyam na baitang na ako ngayong taon at tatlong taon na lang ang aking hinihintay bago ang PMAEE, Philippine Military Academy Entrance Exam.

Bata pa lang ako ay pangarap ko ng maging isang sundalo sa kadahilanang gusto kong ipagtanggol ang aking bayan at ang mga nasasakupan nito. Maraming nagtataka kung bakit iyon daw ang gusto ko at ang sabi pa ng iilan ay pwede naman akong makatulong at maipagtanggol ang bansa ng hindi nagiging isang sundalo pero taliwas ito sa aking layunin.

In behalf of my father's dream, I also want to be a soldier, a shallow excuse, yet it's one of my goal and it runs through our blood. Lahat ng mga tito ko ay sundalo sadyang si tatay ang napag-iwanan, the only reason my dad wasn't in the military is because of my mom, how sweet right? My father left the academy no one knows, he said that my mom was his life, ayaw niyang iwan ang nanay ko. Nang dahil doon ay nabuo ako syempre after marriage, strikto si lola eh.

"Love oras na baka malate ka nyan," tawag sakin ni mama. "Patapos na po," pagsagot ko at tuluyan ko ng binilisan sa pagligo at pag-aayos.

I immediately grabbed a sandwich and tell my mom that I got to go. Ilang sandali pa at nakarating na kami ng sinasakyan kong tricycle sa paaralan, panibagong kaba na naman ang naidulot nito sa akin pagkapasok ko pa lang sa gate. Normal na araw sa iba pero iba ang epekto nito sa akin kasi ako lang naman ang napuruhang awayan ng mga pangit na bully buset pero binabalewala ko na lamang iyon dahil sanay na ako. Habang naglalakad patungo sa aming classroom ay namataan ko na ang hinayupak na king kong.

"Labo," sigaw nito sa akin, habang papalapit ito ay siyang paglayo ko.

Fierce LoveWhere stories live. Discover now