Chapter 12 - #IWFILBabe

2.1K 64 44
                                    

****************************************************************

READ. VOTE. COMMENT. FOLLOW ;))

*****************************************************************

*David*

Monday na ulit so it means back to work na. Almost two weeks din akong naka leave kaya siguradong tambak ang trabaho ko mamaya. I took over our company when I came back. After mag merge ng TSI at GEC into GTEC, I became the CEO. 

As the new CEO, mas maraming duties and responsibilities ang haharapin ko. Well hindi naman dapat ako supposed to be si Miguel but he refused the position saying na it will eat most of his time and mawawalan na siya ng panahon for his family lalo pa ngayon na they are expecting their first child. He suggested na magpalit na lang kami ng position, ako as the CEO and siya as the President. Tutal wala pa naman daw akong asawa dahil hindi pa naman kami kasal ni Zoe nung mga panahong iyon at kung makasal man kami ay mukhang matagal pa naman daw kami magkakaanak. Everyone agreed and wala naman kaming naging problema sa bagay na iyon.

Tinititigan ko ang bagong company ID. Makikita doon ang bagong logo na GTEC. By the end of this month dapat mapalitan na lahat ng IDs ng mga employees.Hindi ko mapigilang ngumiti ng mabasa ko ang pangalan na nakalagay sa I.D.


Zoe Isabelle T. Gonzales

Junior Hardware Design Engineer


Bababa na nga ako para maibigay ko na sa kanya yung I.D. Maghihintay na lang ako sa kanya sa sala. Sinabi ko sa kanya last night na sa akin na siya sumabay ngayong araw papasok ng office para malaman niya ang daan.

Pagkababa ko nakaupo na siya sa sofa at nagaantay. Nakapagtataka, nauna pa siyang bumaba sa akin. Ang ineexpect ko kasi ay maghihintay ako ng matagal sa kanya dahil matagal mag-ayos ang mga babae.


"Babe, kanina ka pa ba bumaba?" tanong ko sa kanya pagkababa ko.


Hindi siya sumagot tapos tumayo na siya sa kinauupuan niya.


Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. She's wearing a black dress with matching white blazer. Black shoes na hindi gaanong kataas ang heels and black bag. Nakalugay lang ang buhok niyang armpit length ang haba. Lumapit ako sa kanya tapos tinitigan ko yung mukha niya. Powder at lipstick lang ang nilagay niya. Kahit hindi na siya mag make-up, maganda na siya. Nagulat ako dahil umatras siya.


"By the way, your new I.D." sabi ko sa kanya tapos inabot ko yung I.D. niya. "Hindi kita pipigilan kung gusto mong mag trabaho pero kung magbago ang isip mo and you want to quit your job, okay lang din sa akin. You can just stay at home or focus on your music. Ikaw ang bahala."


Dahil gustong gusto ko talaga siyang asarin, lumapit ulit ako sa kanya.


Umatras na naman siya.


"Bakit ka umaatras?" tanong ko sa kanya.


"Bakit kaba lumalapit?" tanong niya rin sa akin.


If We Fall In Love (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon