Chapter 45 - #IWFILMissingNecklace

1.2K 50 8
                                    


****************************************************************

READ. VOTE. COMMENT. FOLLOW ;))

****************************************************************

*David*

Sobrang nag-aalala ako kay Zoe nang hindi siya dumating kagabi. Akala ko kung ano nang nangyari sa kanya. Hindi niya sinasagot yung mga tawag at messages ko tapos hindi rin alam ng mga kaibigan niya kung nasaan siya. Nagpanic talaga ako baka mamaya kinuha na siya ng mga sindikat dahil nauuso pa naman iyon.


"Ready ka na?" tanong ko sa kanya. Sabay kasi kami papasok sa office ngayon.


"Yes. Tara na."


May napansin ako sa kanya.


"You're not wearing the necklace I gave you." Sabi ko sa kanya. Lagi ko kasing tinitignan kung suot niya iyon.


"Natakot kasi akong mawala ito dahil magagalit kaya hindi ko muna isinuot. " sagot niya sa akin.


Masaya ako at iniingitan niya yung binigay kong necklace.


"Sabay tayo maglunch mamaya ah." Yaya ko sa kanya para atleast makasama ko siya mamaya dahil hindi natuloy yung date namin.


"Okay." nakangiting sagot niya sa akin.


Hinatid ko si Zoe hanggang sa office niya. Pagbukas niya ng pintuan may nakita kaming bouquet at chocolates sa table niya. Tumingin siya sa akin.


"Sa iyo galing?" she asked me. Kinuha pa niya iyon at inamoy.


"Hindi." Sagot ko sa kanya.


"Huh? Hindi talaga sa iyo galing?" ulit niya.


"Hindi nga." Inis kong sabi sa kanya.


"Bakit ka ba nagagalit?"


"Sino ba kasing nagbigay sa iyo niyan? Tuwang-tuwa ka pa."


"Akala ko kasi galing sa iyo kaya natuwa ako."


Tinignan ko yung bouquet kung may note pero walang nakalagay. Wala ring nakalagay sa may chocolate. Kanino naman kaya nanggaling ito.


"Baka bigay ng mga fans. Mag vavalentines na rin kasi." sabi niya sa akin.


Tingin ko hindi galing sa fans niya dahil kung galing sa kanila siguradong maglalagay yun ng note.


"I'll go ahead babe. See you lunch time." sabi ko sa kanya.


If We Fall In Love (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon