Chapter 34 - #IWFILDecision

1.7K 61 17
                                    


****************************************************************

READ. VOTE. COMMENT. FOLLOW ;))

****************************************************************

*Zoe*

Pagdating pa lang naming sa factory agad nang tumambad ang napakaraming paperworks sa office ni David. I checked his schedule for today. Based sa planner ni Steven, he has a meeting with the supervisors at 10 am and meeting with the suppliers at 2 pm.


"Dave, you have a meeting with the supervisor at 10 am and then with the suppliers at 2 pm. These are the files you need later," sabi ko sa kanya tapos inabot ko yung mga files na kailangan niya mamaya.


"Thanks, babe." Sagot niya tapos ngumiti sa akin at bumalik na rin siya sa pag babasa ng mga files na inabot ko.


Nang mag 10 am pumunta na kami pareho sa board room. Isa-isang nagreport ang mga supervisor sa kanya. Smooth naman ang naging flow ng presentation and wala namang problema dito. Lahat ng dapat matapos ay natapos naman on time.

Binati niya silang lahat for a job well done.


"Babe. It's lunch time. Saan mo gusto kumain?" tanong niya sa akin.


"Nagpadala si mom ng lunch para sa atin," sagot ko sa kanya Alam ng mom ko na nandito kami sa factory ngayon at medyo malapit lang naman kami dito.


*David*

Pagpasok namin sa office ko nandoon na si Nana Edna nag-aantay sa aming dalawa. Agad naman siyang nilapitan ni Zoe at niyakap.


"Namiss kitang bata ka." Sabi sa kanya ni Nana Edna.


Ilang saglit lang bumitaw na rin si Zoe sa kanya. Nagkamustahan silang dalawa. Kinamusta rin ako ni Nana Edna pagkatapos.


"Kelan niyo balak dumalaw sa bahay? Simula nang makasal kayo hindi pa kayo pumupunta doon." Nagtatampong sabi ni Nana Edna sa amin.


"Zoe,"


"po?"


"Ngayong weekend manganganak si Maggie sabi ng vet."


"Talaga po? Kailangan nandoon ako."


"Excited na nga rin si Elise. Friday naman ngayon bakit hindi na lang kayo sa bahay mag-stay for the weekend." Suggestion ni Nana Edna.


Tumingin naman sa akin si Zoe at talagang nagpa cute pa sa akin. Paano ba naman ako makakatanggi nito.


"Sige po." sagot ko sa kanya tapos napangiti rin ako.


If We Fall In Love (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon