Chapter 9 - #IWFILNewLife

1.8K 66 26
                                    

****************************************************************

READ. VOTE. COMMENT. FOLLOW ;))

*****************************************************************

*Zoe*

Pagkagising na pagkagising ko tinext ko agad si Dean to ask him if nakauwi na sila pero hindi pa siya nagrereply. I also called him pero ring lang ng ring. Tinawagan ko ulit siya pero this time unattended na. Mukhang ayaw niya talaga akong kausapin. Isang paraan na lang ang naisip ko. Sasadyain ko na lang siya sa bahay nila dahiI kailangan ko talaga siyang makausap.

Pagkatapos kong maligo at pagkatapos naming kumain ng breakfast, nagbake muna ako ng paborito niyang peach mango pie bilang peace offering sa kanya. Siguro naman nakabalik na sila dahil tapos na ang Undas.

Pagdating ko sa may gate ng bahay nila agad kong pinindot yung doorbell.


"Sino po sila?" sabi nung babae sa intercom. Ngayon ko lang narinig yung boses niya. May bago ata silang kasambahay.


"Si Zoe po." sabi ko sa intercom.


"Ano pong kailangan niyo?" tanong nung babae. "Zoe, ikaw ba yan?" salita ng isa pang babae bago pa ako ulit makapagsalita. Sure akong si Ate Sally yun.


"Opo, ate Sally." sabi ko sa kanya.


Lumabas na siya ng pinto para pagbuksan ako. "Kanina ka pa ba nasa labas? Pasensiya ka na ha bago lang kasi siya kaya hindi ka niya kilala. Wala rin kasi yung guard ngayon, mamaya pa ang balik. Hayaan mo sasabihan ko siya na kapag ikaw ang tao papasukin ka na kaagad para hindi ka na magaantay ng matagal sa susunod."


"Upo ka muna." sabi niya sa akin pagdating namin sa salas.


"Sila Dean po ba nakauwi na?" tanong ko sa kanya.


"Oo. Kaninang madaling araw sila dumating." sagot niya sa akin.


"Nandiyan po ba siya?"


"Wala siya dito. Pumasok na sa trabaho. Bakit hindi mo ba alam? Hindi ba niya sinabi sa iyo na first day niya sa trabaho ngayon pati na rin yung iba niyo pang kaibigan." takang tanong niya sa akin.


Isang company lang naman ang inapplyan naming lahat. Sa company ng family ko. Dumaan rin kami sa regular process ng pag-aapply although they offered us positions pero ayaw namin ng ganoon dahil baka sabihin nilang nakapasok lang kami sa TSI ng dahil sa connections at dahil anak ako ng may-ari. Hindi rin naman sinabi sa akin ni kuya na ngayon pala ang first day nila. Ang sabi lang sa akin ni kuya sa Monday pa daw ako papasok. So, sa Monday ko pa pala sila makikita.


"Ganoon po ba? Pakibigay na lang po sa kanya ito." sabi ko sabay abot ng box ng peach mango pie.

If We Fall In Love (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon