21

14.2K 325 33
                                    

L I B E R T Y   K I N G S

The sound of birds chirping from outside brings peacefulness inside the dining area, together with the sound of utensils clanging slightly. The sun is set high above us making me energetic and blissful early today. Well, it's not really very early in the morning. Sa totoo lang ay ma-la-late na talaga kami ni Oliver, sa aming trabaho. 

Napabuntong hininga na naman ako nang maalala ang dahilan kung bakit kami malalate ngayong araw. Sinubukan ko namang pigilan e, kaso mahirap pa lang tanggihan ang isang, Oliver Valez. Ano pa nga bang bago? Simula pa lang naman nang magtama ang aming mga mata ay sinubukan ko ng pigilan ang attraction na naramdaman ko. But look at me now, still drown to this gorgeous man.

Inabot ko ang tasang nasa gilid ko para uminom ng coffee, baka sakaling kabahan naman ako sa mga pinag-iisip ko ngayon. Halos mabilaukan at mabitawan ko ang iniinom nang mapansing nakatingin sa'kin si Oliver, Ano na naman ba? Medyo nanginginig ang aking mga kamay nang ibaba ko ang tasa sa lamesa.

Sumubo ito ng pagkain habang nakatingin sa'kin. Tinaasan ko naman siya ng kilay. Baka nakakalimutan n'yang nasa gilid lang ang isang katulong at naghihintay na utusan namin para pagsilbihan kami. Tumikhim ako at nagpatuloy sa pagkain at medyo binilisan na ang galaw. Pwede namang kahit anong oras ako magpunta sa restaurant but I want to be productive as early as possible. 

Kung sino pa nga ang may hinahabol na oras siya pa ang chill lang kumilos. I'm looking at Oliver, taking his time like he own the world and not bothered by anything. He's slowly savoring the dish he's eating like there's no work waiting for him. I know na ang call time sa work ay eight in the morning. Agad na napunta sa wall clock ang aking tingin at base sa mga kamay nitong nakaturo sa numero ay mag-se-seven in the morning na. 

I know it's rude to interrupt someone when they're eating but damn, traffic jam in the Philippines won't adjust for you. Dahan-dahan kong ibinaba ang pagkakahawak ko sa utensils at pinunasan ang gilid ng aking labi bago nagsalita.

"Oliver, I think we should get going." Seryoso kong sabi dito.

Agad namang nabitin ang akmang magsubo nito sa pagkain nang magsalita ako. Ibinaba n'ya ang kutsara at uminom ng tubig. Tinignan n'ya ako nang seryoso pagkababa n'ya ng iniinom.

"Relax, perhaps I'm late today but I can work overtime later." Tinignan naman ako nito nang ilang segundo bago muling nagsimulang kumain.

Well, he got a point. Pwede nga naman niyang bawiin ang late n'ya ngayon pag nag-over time siya mamaya. My insides settled and I start relaxing after he said that. Magaan na ngayon ang loob kong nagpatuloy sa pagkain ng breakfast. Mas na enjoy ko tuloy ngayon ang pagkain dahil wala na akong kailanganing isipin. 

In the middle of our silent peaceful breakfast, my cellphone suddenly rang breaking the silence. My eyes automatically went to the screen and I saw my dad's name on it. Great, I'm having a great morning now then he'll suddenly disturb it. Ano naman kayang kailangan n'ya sa'king? I excused myself and went to the garden before answering his call. 

Tahimik ang garden at hindi gano'n kasakit sa balat ang sikat ng araw. Hindi ko alam kung kakayanin ko ba ang sasabihin sa'kin ng aking ama pero sa tingin ko ay kaya naman. Lalo na't maganda ang simula ng aking araw ngayon. Saka ano bang bago? Pag ang magulang ko naman ang may sadya sa'kin ay laging hindi maganda ang nangyayari.

Tumikhim muna ako bago sagutin ang tawag.

"Good Morning dad," seryoso kong sabi. Hindi na ako nag-effort na pasiglahin ang pagbati ko sa kaniya. Para saan pa?

"Liberty, I heard you got hospitalized?" Seryoso lang din ang tono nito.

Wala man lang bang 'Good Morning daughter?' I want to laught at my own thoughts. Jeez, kelan ba ako masasanay? Hindi naman talaga bumabati ang isang 'to and I'm actually surprised that he knew that I was hospitalized. It must be Felix, who informs him. Basta talaga ang anak n'ya from his second family ang nagsasabi o humihiling ng bagay, gagawin n'ya agad nang walang pag-aalinlangan.

Scandalous Affair: Oliver ValezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon