3: Obiter Dictum

1 0 0
                                    

Adeline's P.O.V.

We've been walking in circles. Mag-uumaga na pero hanggang ngayon nasa kagubatan pa rin kami at patuloy ang paglalakad. Nauuna pa ring maglakad samin si Bane at halos kasunod naman ako ni Winze. Nagugutom at napapagod na rin ako. San ba talaga kami pupunta?

"Winze?" I asked, making his attention divert to me. Sumabay ako sa kanya sa paglalakad para mas maayos kaming makapag-usap.

Hindi ko to napansin, nitong mga nakaraang oras, pero—Hala ang pogi! Hindi ko napansin yung mukha nila kagabi kasi ang dilim. Ni wala manlang sinag ng buwan. Kung iisipin, parang ang shunga ko nga sa part na sumama ako sa mga estranghero. Pero mukhang hindi naman sila masama. Ang inosente ng mukha nito eh. Tangos pa ng ilong, tapos ang tangkad pa. Kaso nilaklak ba nito yung isang daang galon ng gluta at halos kasing puti na nang gatas? Mukha syang bampira— poging bampira. Hoho, pakagat poooo! Joke lang.

"Is there something on my face?" Nakangiti nyang tanong.

Waaaaaah! Ang pogi pa ngumiti! Huhu, totoong tao ba to?

"Ah, babae?" Tanong nya ulit.

Nabasag ang pantasya ko nang marinig ang tinawag nya sakin. B-babae? I mean, babae naman talaga ako, pero... ah, di pa pala nila alam ang pangalan ko.

"A-adeline hehe. Nakalimutan ko palang magpakilala," kumakamot sa ulong saad ko.

"Ah, I see. You've got a beautiful name," he said and smiled again saka sya nag-iwas ng tingin. Ang pogi talagaaaaa!

"Nga pala Winze, hindi ba tayo nawawala? I think we've been walking in circles," ayun, natanong ko na rin sa wakas ang kanina ko pa gustong itanong.

Sa naaalala ko kasi, nung nagpunta kami ni Hulyo sa abandoned school na yun eh isa o dalawang oras lang nilakad namin, pero kaya ba sobrang tagal na naming naglakad ay dahil nasa ibang lugar talaga ako? Sa sinabi sakin kahapon ni Winze, nasa ibang dimension daw ako. Nagtravel daw ako mula sa blackhole na syang nagsilbing portal sa dalawang mundo. Kung iisipin parang napaka-imposible. Parang pinagloloko lang ako ni Winze, pero pano ko ipapaliwanag yung vortex na nagform sa langit kahapon?

"We're not lost, Adeline. Don't worry. Bane is just making sure that nobody's following us," seryosong sagot ni Winze.

"Huh? Wala naman akong nakikita, pero bakit? Anong meron? Bakit importanteng walang makasunod satin?" I asked continuously.

"Well, you're on the shadow of the earth. Expect everything to be dark and shady," sagot nya na syang mas lalong nagpagulo sa isip ko.

"What do you mean?"

"There are two worlds, connected by blackholes. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, nahati ang bilang nga mga tao. It may sound so impossible and bizarre, pero puno ng masasamang tao sa mundong ito. Habang nasa theory naman na mabubuti ang mga taong nasa mundo nyo," he simply explained.

"What do you mean? Hindi naman kayo masamang tao, di ba?" Tanong ko.

He remained silent for a while before he smiled at me.

"By the way, Winze, lahat ba ng nakatira dito alam na may isa pang mundo na parallel sa mundo nyo? I mean, ang sabi mo kasi kahapon, hinihintay nyo ang pagdating ko," I said.

"Hindi namin inaasahang may taong madadala dito ang vortex na yun, nakita lang namin ang pagbagsak mo mula doon, at hindi lahat alam ang mga bagay na ito. Pawang ang mga tao lang na nagkaroon ng prebilehiyong makaalam sa misteryong ito ay ang mga nasa upper class o tinatawag na noblemen, ngunit iilang pamilya lang din ang nakatuklas tungkol dito. Kaya kailangan nating mag-ingat. The moment they know you came here from another world, there will be ruckus and an utter chaos. The other family will do everything they can to have you," he said, making me feel the chills down my spine.

Du hast das Ende der veröffentlichten Teile erreicht.

⏰ Letzte Aktualisierung: Sep 22, 2020 ⏰

Füge diese Geschichte zu deiner Bibliothek hinzu, um über neue Kapitel informiert zu werden!

Loving MeWo Geschichten leben. Entdecke jetzt