2: Searching for What's Gone

3 0 0
                                    

(For this chapter, might as well listen to N.Flying "Flower Fantasy" for a better reading experience ;))

July's P.O.V.

Dahan-dahan kong minumulat ang mga mata ko. Halos wala akong makita dahil madilim, hanggang sa unti-unti nang lumilinaw ang lahat.

Totoong madilim na nga, may mga bituin na sa langit pero wala akong makitang buwan. Madilim dahil gabi na, malamang, at ang tanging naririnig ko lang ay ang ingay ng mga kuliglig.

Umupo ako mula sa pagkakahiga at hinilot ang masakit kong ulo. Hindi ko alam kung nauntog ba ako o ano—

Napansin ko ang paligid. Nagkalat ang mga kagamitan at ang layo nang narating ng camera ko. Nabali ang ibang mga puno at sa di kalayuan ay may isang malaking kinakalawang na gate.

Which reminds me...

Tama! Nandito kami ni Adeline para magghost hunting! Pero nakakapagtaka, umaga kaming nagpunta dito, how come na gabi na? At bakit natutulog ako dito sa kagubatan? Nasan si Adeline?

Oh I get it.

"You can come out now, Adeline. Alam ko nang prank mo na naman ito. Bibilang ako ng tatlo. Pag wala ka pa rito sa harap ko, iiwan talaga kita," pananakot ko.

I know her too well. Kapag sinasabi kong magbibilang ako, kahit hindi pa ako nagsisimula ay lalabas na sya. Alam nya kasing palpak ang prank nya kapag ganon.

"1..."

"2..."

"3..."

Natapos na akong magbilang pero ni anino ni Adeline ay hindi ko makita. What's with her?— ah! I remember! She went to the rooftop to get the notebook. But what's taking her so long? She should've been here. Imposible namang iniwan n'ya ako dito... Wait—

She's in danger!

Iba na ang kutob ko kaya mabilis akong tumayo at tumakbo papunta sa malaking gate. Inakyat ko ito at pumasok sa loob. Tumakbo pa ako nang mas mabilis para agad na makapasok sa building.

Hindi ko na ininda ang madilim na paligid. Wala na akong pakialam kung madapa-dapa ako kakatakbo. Ang importante ay mapuntahan ko si Adeline.

Habang tumatakbo ay unti-unti kong naaalala ang lahat nang nangyari...

_Flashback_

"I'll be quick July! Wait here!" Saad ni Adeline at tumakbo papunta sa building para kunin ang naiwanan nyang notebook.

Wala na akong nagawa at hindi ko na s'ya napigilan dahil bago palang ako makapagsalita ay nakapasok na ito sa gate. Hindi ko naman s'ya pwedeng sundan at iwan ang mga gamit dito. Baka mamaya wala na kaming balikan. I have trust issues.

Ilang minuto ang nakalipas at nakita ko ang isang mabungisngis na mukhang nakadungaw sa rooftop. It's her, kumakaway-kuway s'ya, and I raised my thumb up as an answer.

Hindi ko maintindihan kung bakit iba ang pakiramdam ko. Nag-aalala ako sa kanya. Para bang may mangyayaring masama. Ayoko nang pakiramdam na ito, parang ito na ang huli.

'Please be safe. Natatakot ako para sayo Adeline.'

A beam flashed in the sky, and that made me cover my eyes. It was followed by a total darkness, then. The sky literally went dark, but the most disturbing thing is that the sky above that building started to circulate. It was spinning slowly, but it suddenly accelerated. The air was spinning, it's like as if a tornado was about to hit the rooftop, but what made me feel the chills down my spine is when that thing, whatever it is called, starting to pull things up.
Para itong vacuum na hinihigop ang mga bagay.

Loving MeWhere stories live. Discover now