SPEACIAL CHAPTER

1.5K 65 16
                                    

T  W  O      Y  E  A  R  S       L  A  T  E  R

KAY raming tao. Ang bawat isa ay masaya, makikita mo sa kanilang mga mukha. Kay aliwalas nito na para bang wala nang mangyayaring masama. Wala ng mangyayaring makakadulot ng pangamba sa lahat at wala ng mangyayaring makakapagdulot ng trahedya sa lahat.

Inilibot niya ang kanyang paningin. Nasa isang hindi pamilyar na lugar sila. Iba't ibang klaseng bulaklak ang iyong makikita sa paligid. Malawak ang lugar na ito at sa kanyang harapan naroon ang entablado.

Ang entablado ay pinaliligiran ng magaganda at may iba't ibang kulay na mga bulaklak. May dalawang upuan na naroon na kahawig ng isang trono. Kulay ginto ang mga ito.

Malakas ang musika na sinabayan pa ng ingay ng mga tao. May mga nagsasayawan. May mga kumakain. May naghahabulang mga bata at ang lahat ay nakasuot ng kani-kanilang mamahaling mga damit at ang gaganda ng mga ito.

Napukaw naman ng isang batang babae ang kanyang atensiyon. Katulad niya nakatayo lang din ito. Nakatayo ito malapit sa entablado habang hawak ang isang maliit na basket na punong puno ng puting bulaklak.

Masaya itong nakatingala sa entablado. Pinagmamasdan niya lamang ito mula sa kanyang pwesto dahil hindi siya makagalaw. Hindi rin makalapit.

Mahaba ang buhok ng bata. Light brown color na kulot at nakasuot ng puting dress. Ang kulay ng kanyang mga mata ay nagpapaalala sa kanya sa mga mata ng kanyang matalik na kaibigan. May kinang sa matang nakatingin ito sa entablado. Nagulat siya ng lumingon ito sa kanya. Nanatili ang masayang aura. Hindi niya mapigilang hindi mapangiti. She's so cute.

Nais niya itong lapitan ngunit hindi niya magawa dahil mistulang nakapako ang kanyang mga paa sa kanyang kinatatayuan. Ang tanging kaya niya lamang gawin ay ang pagmasdan ang bata mula sa kanyang pwesto.

Nakatayo lang siya at wala ng balak na umalis pa. Siya ay nagulat ng may biglang sumigaw. Ang lakas nito ngunit binalewala niya na lamang dahil normal lang naman iyon sa isang kasiyahan. Nang galing iyon sa harapan. Sa may entablado.

Nawala ang kaniyang atensiyon sa bata at natuon ito sa entablado.

Hindi niya maaninag kung sino man yong nagsasalita dahil sa ilaw na nakasisilaw. Wala itong nagawa kundi ang yumuko para iwasan ang ilaw. Minabuti niyang makinig na lamang.

“Mabuhay ang bagong kasal!” at ang lahat ng tao ay nagsigawan. Ngunit naging malabo ang kanyang pandinig kaya hindi niya masyadong naintindihan ang isinigaw ng nakararami. Di kalaunan ay naging malinaw rin naman ulit.

Nanatili siyang nakayuko.

“Lahat ng Bridesmaids punta na sa gitna dahil ihahagis na ng bride ang kanyang mahiwagang bouquet” saad muli ng parehong boses na nanggagaling sa entablado.

Hindi niya alam kung bakit hinahatak siya papunta sa gitna. Huli na ng mapagtanto niyang isa siya sa ipinatawag. Napalingon siya sa gawi kung saan nakita niya ang bata at malungkot niyang ibinalik ang tingin sa entablado ng makitang wala na ito dito.

Nakatayo na siya sa gitna ngayon. Tulalang nakatingin sa harapan. Nawala narin ang nakasisilaw na ilaw ngunit hindi parin niya makita ang nagsasalita. Hinintay niya na lamang ang hahagis ng mahiwagang bouquet katulad ng sinabi ng emcee ngunit ganon na lang ang kanyang pagka gulat ng makitang si Aira pala ito. Ang kaniyang matalik na kaibigan.

Nakasuot ito ng puting gown pangkasal. Mahaba ang buhok nito. Hindi katulad sa Aira na kilala niya. Hindi pa mahaba ang buhok nito. Hinayaan niya lamang itong nakalugay habang may nakasabit na maliliit na puting bulaklak rito. Ang mga gintong palamuti naman sa kanyang damit ay mas lalong nagpadagdag sa kagandahan niyang taglay. Nasa kamay nito ang sinasabing mahiwagang bouquet.

Tale Academy: The Hidden IdentityKde žijí příběhy. Začni objevovat