CHAPTER 21- Class Exam

785 48 3
                                    

Chapter 21: Class Exam
--------------------------------------------------
Hangin

Apoy

Tubig

Lupa

Ahhhhhh!. Agad akong bumangon. Grabe namang bad dreams yun. Hindi ko maintindihan. Nakakatakot din.

Agad kung tinignan ang bed ni Aira. Kala ko nandon siya pero wala. Baka nandon na yon sa kusina nagluluto. A-teka ang huli kung natatandaan nandon ako sa clinic dahil dinala ako nung lalaki. Hindi ko man lang nalaman pangalan niya. Eh pano ako napunta dito?. Mamaya na tatanungin ko nalang si Aira.

Agad naman akong tumayo at pumunta na sa bathroom. Mabilis lang akong naligo, pagkatapos ko nagsuot kaagad ako ng damit. Nga pala ngayon na yung class exam. Wait natatandaan ko meron akong sugat eh. Tinignan ko ang tiyan ko pero ni isa wala akong nakitang sugat. Oo nga pala dinala ako sa clinic. Eh pano ako napunta dito. Ah- naguguluhan nako matanong nga si Aira.

Agad naman akong lumabas ng Walk-in Closet at nagtungo sa kusina.

Good morning sis, kamusta ang pakiramdam mo?. Bungad kaagad sakin ni Aira. Naka-upo na siya sa mesa. At sa tingin ko hinihintay niya ko.

Ok na sis wala ng masakit.

Buti naman kung ganon. Tara upo kana kain na tayo. Agad naman akong umupo.

Teka sis pano ako napunta dito?

Hinatid ka ni Zach dito.

Sino si Zach?.

May highlights siya ng red sa buhok. Siya yung nagdala sayo sa clinic at naghatid dito sa dorm. Ah so Zach pala pangalang niya. Teka pano niya nalaman na din-. Baka sinabi niya.

Oh-ba't ka napangiti dyan. Don't tell me crush mo siya. Crush ko nga ba siya?.

Hindi noh. Kain na nga tayo. Baka mahuli na naman tayo, Class Exam pa naman ngayon.

Oo na. Ani Aira.

Hindi nagtagal natapos na kami.

Sis, ako na bahala dito magbihis kana don. Ani Aira pero this time tutulong nako sakanya.

Di na sis nakabihis nako. Kaya tutulungan na kita dito.

Ok.
☾︎---❦︎---☽︎

Tara sis labas na tayo. Ani Aira. Lumabas na kami ng dorm. Nakita namin na marami ng students sa labas.

Naglalakad kami ngayon sa hallway. As usual meron na namang mga bulungan pero hindi na yun bago samin.

Nang nakalabas na kami ng building pumunta kami kaagad sa field. Don daw gaganapin ang Class Exam sabi sa mga poster.

Habang naglalakad papunta sa field. Hindi ko maiwasang kabahan. Pano naman kasi wala akong laban, kaya ko lang magbasa ng isip. Yun lang. Baka mamatay nako ngayon. Pero hindi ako pwedeng mamatay ng walang laban.

Woy, ok ka lang tulala ka na naman ah. Di ko namalayan na sa pila na pala kami.

Ok lang ako Matt. Totoo ok lang ako.

Good morning Talesian!!!!!! Sigaw nong sa stage. Teka may stage dito. Kahapon wala naman ah. Nga pala lahat dito posible.

Good morning Sir Ryker!!!!! Sigaw pabalik ng mga students. Wait Ryker ba narinig kung pangalan nong sa stage.

So bago tayo magsimula. Magpapakilala muna ako. Ako nga pala si Ryker Dukamcea, ang host sa Class Exam na ito. Magsisimula tayo pag naka-upo na lahat sa kani-kanilang area.

Tale Academy: The Hidden IdentityWhere stories live. Discover now