CHAPTER 18- Announcement

811 45 3
                                    

Chapter 18: Announcement
--------------------------------------------------
Nang umalis si Maam Amaya pumunta kami ni Aira sa Canteen. Wala namang klase eh kaya ok lang siguro. Lahat naman kami lumabas ng room.

Buti nga pinili ako ni Aira na samahan kesa don kay Yohan. Speaking of Yohan matanong nga mamaya si Aira kung anong ginawa nila kahapon.

Ngayon naglalakad kami papuntang canteen. Marami kaming nadadaanang mga students syempre kasama na non pati mga bulungan.

Sis anong order mo ako na bibili. Hanap kanalang ng mauupuan natin.

Kung anong sayo yun din yung akin. Wala akong maisip eh. May good taste naman si Aira pagdating sa mga pagkain kaya pag siya pumili masarap yun.

Sige sis, order lang ako ah. At umalis na siya. Ako naman naghanap ng mauupuan.

Nakakita naman ako kaso sa gitna kakahiya pag don. Kaso no choice kaya don nalang.

Naglalakad ako papunta don sa table na nakita ko. Nang may narinig na naman akong tilian. Seriously kailan ba sila titigil sa kakatili. Dagdag mo na din yung mga boys. Napatakip nalang ako ng tenga.

Woy sis ok ka lang?. Nandito na pala si Aira. Agad ko namang kinuha yung mga kamay ko na nakatakip sa tenga. Tumahimik nadin ang paligid.

Ok lang ako siguro.

Anong siguro?.

Ok na ko nothing to worry. Maiba ako kay-. Naputol ang sasabihin ko ng tumunog ang speaker at merong nagsalita. Siguro ito na ang announcement na sinasabi ni Maam kanina.

Good morning students, so ngayon is your free day. Because tomorrow all of you will have a training for the upcoming Class Exam this wednesday. You are allowed to use any shirts, basta yung comfortable kayong gumalaw. Yun lang. Enjoy!

Sis ano na yung sasabihin mo?. Ani Aira.

Sure kaba sa sinabi mo na meron kang power?.

Hindi. Kusa kase yung lumabas sa bibig ko.

Ahh. Tango lang ako ng tango.

Eh, ikaw sure kaba don sa special abilities mo?.

Hindi din eh, pero nararanasan ko sila.

Totoo nga yung sayo. Bahala na malalaman din natin yan. Agad naman siyang sumubo ng pagkain.

Sumubo nadin ako ng pagkain.

Nabigla ako ng may biglang nagsalita. Hi Aira. Dahil sa sobrang pag-isip hindi ko namalayan na lumapit pala sa table namin si Yohan. Tumabi siya kay Aira.

Magkatabi lang pala mga table namin. Agad naman akong napatingin sa table nila. Nakita ko naman yung lalaki na yon.

Eve right?. Ani Yohan.

Yah, bakit?.

Ako nga p-. Naputol ang sasabihin ni Yohan ng may biglang sumingit. Ako nga pala si Tristan. Kagaya ni Yohan nilipat din niya ang kanyang upuan sa table namin.

Nice meeting you Tristan. Huhuhu gwapo din siya. Pero mas gwapo si Mr. Sungit charoot.

Call me baby for short. Aba-aba grabe siya oh.

Wag mo siyang tawaging baby ako nalang. Aba meron pang isa tumabi din siya sakin. So bale pinagitnaan nila ako.

Ako nga pala si Matthew. Huhuhu ba't ang popogi nila. Dito pala sa mundo nato nag eexsist lahat ng gwapo. Sana noon pako pumunta dito.

Nice meeting you Matthew. Aba't ngumiti lang ang gwapo.

Habang busy ako sa dalawang gwapo nato. Nakikita ko sina Aira at Yohan na magkaholding hands.

Tale Academy: The Hidden IdentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon