CHAPTER 20- Training Partner

778 47 2
                                    

Chapter 20: Training Partner
--------------------------------------------------
Wala ka bang partner?. Agad akong tumayo at hinarap ang nag-salita. Babae siya.

A-oo. Wala kadin bang partner?. Yes sa wakas meron nakong partner. Mukha naman siyang mabait.

A-wala din, pwede bang ikaw nalang?. Kitams sila nga naghanap sakin.

Sige ba. Ako nga pala si Eve. So Mag-uumpisa naba tayo?. Excited much nako.

Sige ba. Ako naman si Claire. Sagot niya sakin. Feeling ko excited din siya.

Agad naman kaming pumunta sa kanya-kanyang pwesto. Bale sa gitna kaming dalawa.

Ready kanang masaktan?. Tanong niya sakin. Bigla naman akong kinabahan sa sinabi niya. Sa totoo lang im born ready. Pero hindi read-ing masaktan. Charott.

A-eh mas-. Naputol ang sasabihin ko dahil may biglang umatake saking ahas. Sa tingin ko kaya niyang kuntrolin ang mga hayop.

Kaya mo palang kuntrolin ang mga hayop. Hindi niya ako sinagot sa halip nag-smirk lang siya.

Inatake na naman ako ng ahas niya. Tumakbo ako para hindi makagat ng ahas pero parang merong barrier kaya hindi ako nakalayo. Kaya naabutan ako. Hinampas niya ako ng buntot niya kaya napunit ang damit ko. Dahil napunit ngayon kita na talaga ang tiyan ko. Nagkaroon din ako ng sugat.

Walang kwenta. Narinig kung sabi niya. Ouch naman ngayon lang ako sinabihan niyan. Kahit hindi ko tunay na pamilya wala akong narinig na ganon sa kanila.

Lumaban ka nga. Ang hina mo. Wow siya na strong. Agad niya naman akong inatake gamit ang mga ibon niya.

Hinarang ko nalang ang dalawa kung kamay sa mukha ko. Magkasugat lang lahat wag lang mukha ko. Marami na akong sugat pero wala kang makikitang awa sa mukha niya. Ramdam kung naeenjoy siya na saktan ako. Hindi ko mabasa ang isip niya dahil bahagya itong nakasara.

Aatakihin sana niya ulit ako ng mga ibon niya ng biglang akong
sumigaw. Kaya huminto muna sila saglit. Kaylangan ko lang palang sumigaw para huminto sila. Joke hindi naman yun effective.

TAMA NA!!. Pwede bang easy lang muna.

Ba't naman. Bagay lang yan sayo mang-aagaw ka kase. Ako ba yung mang-aagaw. Sino bang inagaw ko sakanya.

Ano bang inagaw ko sayo?. Naguguluhan ako ano bang inagaw ko sakanya.

Hindi ano kundi sino. Inagaw mo lang naman sakin si Prince Tristan. Si Tristan lang pala problema neto eh. Magkaibigan lang naman kami.

Anong inagaw. Kaibigan ko lang yun kaya wag ka ng magselos. Malay mo girlfriend pala siya ni Tristan. Yung lalaking yun hindi man lang ako ininform na meron pala siyang girlfriend.

Tsk, humanda ka ngayon. Pinabalik niya sakanya ang mga ibon niya. Tapos bigla nalang itong dumami pa. Lagot nako ngayon. Atakihin siya!. Utos ni Claire sa mga ibon niya. Agad naman silang lumipad papunta sakin. Pinikit ko nalang ang mga mata ko at hinintay na masaktan.

No sinong may gawa neto!! Narinig kung sigaw ni Claire. Agad ko namang dinilat ang mga mata ko para makita kung anong nangyari. Nabigla ako ng pagdilat ko nakita ko na naging abo lahat ng ibon niya. Nakita ko din na meron siyang kunting paso sa braso.

Eve!!!! Agad naman akong lumingon sa sumigaw ng pangalan ko. Nakita ko si Aira at Yohan tumatakbo papunta sa kinaroroonan ko.

Pasalamat ka ngayon bitch. Pero sa susunod na magkaharap tayo tutuluyan na talaga kita. Ani Claire. Bigla namang nawala yung barrier kasabay nadin don ang pagkawala ni Claire. Sa tingin ko nag teleport siya.

Ayos ka lang ba Eve?. Ani Aira. Na alalang-alala sakin.

Yung pakiramdam ko ok lang. Pero yung mga sugat ko ok lang din. Huhuhu pero deep inside ang hapdi.

Dalhin na kita sa Clinic. Pagyaya sakin ni Yohan.

A- wag na malayo naman toh sa bituka. Sa dorm ko nalang toh gagamutin.

Sige ihahatid na kita sa dorm. Pag-alok ni Aira pero hindi ako papayag. Baka kase meron silang date ni Yohan.

Sis kaya ko na toh. Kaya ko pa namang maglakad.

Sure ka?.

Sure na sure. Sige maiwan ko na kayo. Kung kailangan nyu ko sa dorm lang ako. Sige alis na muna ako. Agad naman akong naglakad.

--------------------------------------------------
(Zach's Pov)
Buti naman naka-abot ako. Yung babaeng yun talaga. Lakas maka-angkin kay Tristan kala mo naman sila. Bagay lang yun sakanya.

Yieeee concern kay Eve...

Ako concern. Hindi noh. Nagmagandang loob lang ako. Kahit ganito ako meron pa naman akong pus-. Naputol ang sasabihin ko dahil merong sumigaw.

Eve!!! Sigaw nong kaibigan ni Pangit. Lakas naman ng boses niya. Wah kasama pa niya si Yohan. Inlove na talaga ang loko.

Pangit pero niligtas niya.

Syempre mukha kasing mamamatay na siya kanina. Kawawa naman.

Sabihin mo gusto mo siya..

Di ko nga siya type gusto pa kaya. A-teka ba't ko kinakausap tong nababaliw kung utak.

Nandito ako ngayon ako sa isang puno tumatambay. Tapos na naman yung training. Tinitignan ko lang sina Yohan. Maya-maya pa ay umalis na si Pangit. Di ko namalayan na bumaba ako ng puno at nagteleport papunta sakanya.
--------------------------------------------------
(Eve's Pov)
Ngayon ay naglalakad ako papuntang dorm. Iniwan ko na don sina Aira. Alam ko naman na hindi siya pababayaan ni Yohan.

Humanda lang talaga siya sakin pagpinaiyak niya si Aira. Kakalbuhin ko talaga siy-. Bigla nalang akong napaluhod dahil biglang sumakit ang sugat ko sa tiyan. Shekks ang sakit. Grabe talaga ang galit niya sakin. Hindi ako makatayo dahil sa sobrang sakit. Maya-maya pa ay naramdaman kung merong bumuhat sakin. Hindi nako nakapag-salita dahil bigla nalang dumilim ang paligid.

Hindi naman nagtagal at nawala na ito. Nagulat ako sa nakita ko dahil pagkawala ng dilim nandito na ako sa Clinic.

Agad ko namang tinignan yung nagbuhat sakin. Laking gulat ko ng makita ang isang lalaking may highlights ng red sa buhok.

Agad niya kong binaba at inalalayang maglakad papunta sa clinic bed. Pero hindi ko inaalis ang tingin ko sakanya.

Magpahinga ka muna dito tatawagin ko lang ang doctor. Sheeks para siyang angel. Tumango lang ako at umalis na siya.

Nahiga naman ako sa bed. Maya-maya pa ay nararamdaman ko na inaantok na kaya pinikit ko ang mga mata ko at unti-unti nang nakatulog.
--------------------------------------------------

Itutuloy.......

✰︎✰︎✰︎✰︎✰︎✰︎✰︎

(Please vote ang comment)

Thank you

Sana nagustuhan nyu

k i r r _ k i r r





































Tale Academy: The Hidden IdentityDonde viven las historias. Descúbrelo ahora