CHAPTER 3: The Book

1.3K 58 2
                                    

H  E      B  O  O  K
______________________________

E   V   E


LUMAPIT siya sa kanyang cabinet. Sa dakong itaas naroroon ang kanyang mga damit. Sa ilalim na parte naman nakalagay ang mga sapin niya sa paa. At sa pinakailalim na parte naroroon ang nabili niyang tent. Naisip niyang dalhin ito upang magamit sakaling wala siyang matutuluyan sa paghahanap.

Ngunit, nasa kalagitnaan ng paghahanda ng maisip niya kung saan siya magsisimula. Ni wala siyang kaide-ideya kung saan niya uumpisahan ang paghahanap.

Dahil sa frustration hinayaan niya ang sarili na bumagsak sa kanyang higaan. Tulala lang itong nakatingin sa kisame. Nag-iisip kung ano nga ba ang susunod niyang magiging hakbang. Masyado siyang nagpadalos dalos ng desisyon.

Kalaunan ay napag desisyonan niyang wag na lamang tumuloy sa ngayon dahil wala pa siyang ideya sa ngayon.

Tumayo ito at handa ng ibalik ang mga gamit na kanyang kinuha mula sa kanyang cabinet ng mapansin ang librong ibinigay kanina ng kanyang ina.

Nagkaroon siya ng idea.

Inilagay muna niya ang mga damit na bitbit sa kanyang kama at nagtungo sa libro. Kinuha niya ito at muling binuklat ngunit nagulat siya ng bigla itong umilaw. Dahilan upang mabitawan niya ito.

Diretso itong nahulog sa kanyang kama.

Habang umiilaw, palipat lipat naman ito ng pahina na para bang may nagbabasa ng kay sobrang bilis dahil kaagad na lumilipat sa ibang pahina hanggang sa makaabot ito sa isang blankong pahina.

Sa blankong pahina na ito merong mga salita na unti-unting lumilitaw. Isa itong hindi ordinaryong pangyayari pero mangha ang nangingibabaw sa kanya, hindi ang takot. Mangha niya itong pinatapos. Hindi alintana ang mga susunod at posibleng mangyari.

Nang ito ay matapos, napansin niya na ang mga salita ay isa palang liham. Lalapit na sana siya ngunit naisip niyang wag muna. Kailangan niyang makasigurado kung ayos lang ba itong lapitan.

Umalis muna siya at kumuha ng walis na may mahabang hawakan. Ang walis na ito ay kanyang ginagamit kapag naglilinis ng kisame. Tinatanggal ang mga sapot ng gagamba sa bawat sulok ng kanyang kwarto. Nasa likod lamang ito ng kanyang cabinet. Pinuntahan niya ito at kinuha.

Nang makuha. Lumapit siya ng kaunti sa kanyang kama, sakto lang para maabot ng walis ang libro. May distansiya sa kanilang dalawa. Ito ay isang pagbabakasakali lamang, for safety purposes only dahil baka ito ay sumabog o kung ano man.

Maingat niya itong sinundot at ng masaksihang wala namang nangyayaring masama ibinaba niya sa sahig ang walis na hawak kasunod nito ang paglapit sa libro.

Naupo siya sa gilid nito at maingat na hinawakan tsaka iniangat. Binasa niya ang nakasulat.

Anak, alam kung mali ang ginawa kung pag iwan sayo dito sa mundo ng mga tao ngunit ito lang ang nakita at alam kung paraan para hindi ka madamay sa away naming magkapatid.

Sa kasamaang palad nawala ang iyong ama at nakakatandang kapatid dahil prinotektahan ka nila–tayo, para makapunta kalang dito at maging ligtas.

Ayoko na pati ikaw madamay at mawala sakin kaya dinala kita dito. Anak kung baka sakaling hindi ako makabalik gusto ko na pumunta ka sa Enchanted World doon nalamang ako maghihintay sayo.

                                                    Ang iyong ina,

Matapos basahin ang liham binuklat pa niya ang ibang mga pahina upang hanapin ang pangalan ng kanyang ina.

Tale Academy: The Hidden IdentityWhere stories live. Discover now