"Mukhang ayaw ka pa ring makita ni tita?"sarkastikong tanong nya sa akin saka tumayo sa inuupuan nya.
"Ano naman sayo?" iritadong sagot ko habang inaayos sa lalagyan ang prutas.
"Wala naitanong ko lang".Sabay dampot ng isang mansanas.
"Nang-aasar ka ba talaga?"tinapunan ko sya ng bagot na tingin.
Ngunit hindi nya iyon pinansin..
Tuloy tuloy lang sya sa ginagawa nya.Pagkatapos nyang hugasan ang mansanas ay saka nya inumpisahang kainin.Saka bumaling ulit sa 'kin.
"Bakit mukha ba akong nang-aasar?" Sabi pa nya habang ngumunguya na hinaluan pa nya ng isang nakakalokong ngiti.
"Ano ba kasing ginagawa mo dito?" naiinis na talaga ako sa kanya. Hindi ko naman yun binili para kainin lang nya.
"Bakit bawal ba akong pumunta dito?hindi ba dapat yang sarili mo ang tinatanong mo kung anong ginagawa mo dito?" pang iinis pa nya sa 'kin.
Hindi ko alam kung anong gustong palabasin ng lalaking ito?Nakakainis lang talaga kung bakit pa sya pumunta dito.Matagal na silang wala ni Alexa.
Pumapapel ba sya?
"Wala ka bang balak magpasalamat?" nakakalokong tanong nya,saka ishinoot sa basurahan ang kaninay kinakain nyang prutas.
Hindi ko alam kung paano nya naubos ng ganun kadali ang isang buong mansanas.
"Bakit sino bang nag-utos sa'yo para gawin yun?"bulyaw ko sa kanya.
"Haist... Ano kayang nakita sa'yo ni Alexa eh napaka-yabang mo naman?" Sabi pa nya habang paikot ikot sa akin.
Ako ang nahihilo sa ginagawa nyang 'yon.
"At ako pa pala ang mayabang ngayon?!"Malapit na talaga akong mapikon sa kanya medyo tumataas na rin ang boses ko.
"Easy ka lang pare!Ang init ng ulo mo?"saka bumalik sa sofang inuupuan nya kanina.
"Sino namang hindi iinit ang ulo sa'yo,masyado kang mayabang?kala mo kung sino ka."bulong ko.
"May sinasabi ka ba?" Tanong nya.
"Wala"....
"Nakakatawa talaga yang hitsura mo ngayon!" tuluyan na syang tumawa...
At talagang nagawa pa nya akong pagtawan.Nakakalalaki na talaga sya. Konti nalang masasapak ko na talaga 'to.Pasalamat sya at nandito kami ngayon sa ospital.
Napansin nya siguro na hindi ako natutuwa kaya kusa syang tumigil sa pagtawa.
"Ang seryoso mo masyado." puna nya.
Alam ko hindi sa akin nakatingin ang mga mata nya kundi kay Alexa.
"Wag mo akong igaya sa'yo na pinaglalaruan lang ang mga babae."
"Nuon yun,hindi na ngayon." Bahagya syang napayuko.
Nagulat ako ng biglang sumeryoso ang hitsura nya.Kumakain ba sya sa tamang oras?Lakas ng trip nya ah? May mood swings din tulad ng mga babae??
"Alam mo ba kung sinong nagturo sa 'kin kung panu magmahal ng totoo?" patuloy lang sya sa pagsasalita.
Napakunot-noo ako sa mga sinabi nya. Hindi ko talaga masakyan kung anong trip nya.
"Swerte mo sa kanya"....tumingin sya sa 'kin saka tipid na ngumiti.
Matagal ko ng alam yun kaya wag ka ng umepal pa.
"Bakit naman?"---pagkukunwari ko sa kanya.
"Kasi ikaw yung pinili nya. Kahit alam nyang magpinsan kayo,alam ko minahal ka talaga nya ng totoo."
Nagulat ako sa mga sinabi nya. Hindi ko alam kung totoo ba talaga yun o inaasar na naman nya ako. Siguro nga minahal nya talaga ako kaya ganun nalang kasakit para sa kanya yung mga nalaman nya.Hindi ko naman sya masisisi kasi kahit sino naman siguro yung nasa lugar nya ganun din yung mararamdaman.
"Alam mo wala naman syang kasalanan kay Kaye." patuloy pa nya.
"Ano bang sinasabi mo?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Narinig ko lahat yung sinabi ni Kaye kay Alexa nuon. Lahat ng yun puro kasinungalingan lang." paliwanag nya.
Oo ngapala hindi ko na nakausap ang pinsan kong si Kaye mula nung araw na sinabi nya kay Alexa yung totoo. May hindi pa ba ako alam?Hindi ko na alam kung anong iisipin ko. Nagsisisi ako na pumayag ako nuon sa gusto ni Kaye.
Aaminin ko nagpauto ako sa kanya nuon at yun yung pinaka pinagsisihan ko.
Ngayon nagi-guilty ako sa mga ginawa ko at aaminin ko hindi ko sinasadyang mahalin sya sa kabila ng katotohanang magpinsan kami.
A/N:
Alam ko pong hindi ako perfect writer.But still i hope you enjoy it!
Btw thank you so much for appreciating my story.
Abangan nyo po ang next update. Special chapter po sya...:-) ;-)
Enjoy reading!!!
Vote,vote,vote!!!^_^
BINABASA MO ANG
once in a lifetime(on-going)
RomanceLove knows no boundaries. Kaya mo bang isugal ang lahat para sa pag-ibig? Kaya mo bang magmahal hanggang sa dulo? Once in a blue moon we're gonna fall inlove,and im willing to give all of me cause we've only got.... "ONCE IN A LIFETIME".
CHAPTER 4: Encounter with ex
Magsimula sa umpisa
