CHAPTER 4: Encounter with ex

83 5 0
                                        

Carl's POV

Kumatok muna ako pagkatapos ay binuksan ang pinto. Hindi ko inaasahan na makikita ko si Jake ngayon.

Ex sya ni Alexa.Alam ko rin na medyo close sila ni tita.At siguro kung tatanungin si tita mas pipiliin nya si Jake para sa anak nya.

Lalong nadagdagan ang pag-aalinlangan ko.Subalit andito na 'ko kaya hindi na ako mahihiya pa sa kanila kahit pa alam kong ayaw akong makita ng mama ni Alexa.

Nakaupo sila sa maliit na sofa ng madatnan ko.Hindi ko alam kong anong nakain nya at pumunta sya dito ngayon.

"Magandang hapon po tita?" bati ko kay tita,pinilit kong ayusin ang sarili ko sa harap nilang dalwa.

"Akala ko ba hindi kana babalik dito??" prangkang tanong nya sa 'kin ng lingunin ang direksyon ko.

Hindi ko alam kung ano na namang idadahilan ko sa kanya.At lalong hindi ko inaasahan ang sinabi ni Jake.

"Ah...tita tinawagan ko po sya kanina. Matagal na po kasi kaming hindi nagkikita kaya naisipan kong dito nalang sya papuntahin" pagsisinungaling ni Jake.

"Ah...ganun ba iho?"saka tumingin kay Jake.

"Di ba Carl?" dugtong pa nya habang pasimpleng sumisenyas sa akin.

"Ah...eh..o---opo tita" hindi pa rin ako nakakaalis sa kinatatayuan ko hanggang ngayon.Para akong nabato.

"Pasensya na po tita,hindi ko rin naman po kasi alam ang bahay nya kaya naisip ko na dito nalang kami magkita para hindi ako maligaw." paliwanag pa nya.

"Ayos lang 'yon minsan ka lang naman magpunta dito."

Ang galing nyang magsinungaling,paniwalang paniwala si tita sa mga pinagsasasabi nya.

Tipid ang ngiting isinukli ko sa kanya.Kahit kasi labag sa loob ko ang ginawa nyang pagtulong wala naman akong magagawa.

Sa totoo lang ayaw ko talagang magkaroon ng utang na loob sa kanya.Una sa lahat hindi naman kami close.Ikalwa sya ang puno't dulo ng lahat.At ikatlo hindi ako komportable sa kanya.Siguro dahil na rin sa alam kong ex sya ni Alexa.

"Sige Jake iho ikaw na muna bahalang magbantay dito.Uuwi muna ako saglit para magpalit ng damit,hindi pa kasi ako nakakauwi mula kahapon."Bilin nya kay Jake,saka tumayo at kinuha ang kanyang bag at naglakad patungo sa direksyon ko.

"At ikaw,umuwi ka agad.Ayokong madatnan ka pa dito mamaya."Sabi pa nya sa akin bago lumabas ng pintuan.

Nagmana talaga si Alexa sa mama nya pagdating sa kaprangkahan.

"Sige po"...tipid na sagot ko sa kanya habang nakatayo pa rin ako sa tapat ng pinto.

"Aalis na ako,tumawag kayo kapag may nangyari habang wala ako". Pahabol pa nya.

"Yes tita,magpahinga na po muna kayo kami na po munang bahala dito". si Jake ang sumagot.

Pagkatapos umalis ni tita inilapag ko ang dala kong prutas.May mini table kasi sa kwarto at saka maliit na sofa.Saka nakasanayan ko na kasing magdala ng prutas kapag dumadalaw ako sa ospital kahit alam kong hindi naman nya makakain iyon.Wala akong dalang babasahin dahil sasaglit lang naman talaga ako.Gusto ko lang talaga sya makita.Kaso hindi ko inaasahan na may eepal pala dito.

once in a lifetime(on-going)Where stories live. Discover now