Chapter 5;flashback

59 5 4
                                        

Present****
---------------------

Jake's POV

"Alam mo ba may pagka maldita rin yang si Alexa nuon" napaharap sya sa kin.

Napangiti ako ng maalala ang mga kalokohang ginawa nya sa kin.

Andito parin kami sa ospital,at sa mga oras na to magkatabi na kami sa maliit na sofa.

Parehong nakatuon ang mga mata namin sa babaeng mahimbing na natutulog sa harap namin. Bahagya syang humarap sa direksyon ko.

"Talaga?" masigla nyang sagot sa akin.

Medyo maaliwalas na itsura nya ngayon.

Nawala na siguro ang inis nya sa akin.Halatang interesado rin sya sa kwento namin.

___________________
Flashback
----------------------------

"hello?!" sigaw ni Alexa sa akin sa kabilang linya.

"Aray!ano ba bakit ka ba sumisigaw?naririnig naman kita." sagot ko habang kinakalikot ang tenga ko.

Grabe kelangan ba pasigaw ang pagsagot sa cellphone?

"Ano ba kasing problema mo at tumawag ka?!" sigaw na naman nya.

"Paki bawas bawasan po ang pagkain ng karne at hyper ka masyado." pang aasar ko sa kanya.

"Letse ka Jake! wala akong panahong makipagbiruan sa'yo,kung wala kang sasabihing importante humanap ka ng makakausap mo!"

"Ang sungit mo talaga palagi,pumunta ka dito sa court" utos ko sa kanya.

"Hoy!hindi mo ako katulong para utusan lang!" pasigaw parin ang sagot nya,grabe basag na eardrum ko kakasigaw nya.

"Hindi nga po kita yaya pero "gf" kita,nakalimutan mo ata?" sinadya kong idiin ang pagsabi sa word na gf.

"Kapal mo sa harap lang yun ng pinsan mo,assuming!!!"Mas lalo pang tumaas ang boses nya kaya bahagya kong inilayo ko ang cp sa tenga ko.

Ang hirap nya talagang kausap,hindi nya yata narinig yung sinabi ko na wag syang sumigaw??

"That's it,sa harap nga nya!" wow English yun ah? "At nandito po sya ngayon maglalaro kami ng basketball kaya pumunta ka dito,kelangan mo ko ipag-cheer" tututol pa sana sya pero ginamitan ko na sya ng pamblackmail ko. "Kapag hindi ka pumunta dito ngayon ipasusundo kita kay Edmond"

"Damn you Jake!!!Subukan mo lang"

"It's your choice,ano pupunta ka ba o hindi?" sa mga sandaling ito punong puno ng ngiti ang mga labi ko.

Para lang kaming my LQ.

Narinig ko nalang ang isang malalim na buntong hininga nya.Sobrang ginalit ko ata ang babaeng ito baka atakihin ng wala sa oras?

"Ngapala wag mo kalimutan magdala ng tubig ha?"hirit ko pa sa kanya.

"Nakakainis kana talaga Jake!"

"Sige pumunta kana dito at ng matapos na ang usapang ito,bye babe!"

"yuucccckkkk!!!!-----

Pagkatapos ay inend nya na ang call ko.

Grabe nakakatuwa talaga sya. Hindi imposibleng mahulog ang loob ko sa kanya.

once in a lifetime(on-going)Where stories live. Discover now