Chapter 1. The meeting.

Depuis le début
                                    

"Aba't! Teka nga lang mister! Bakit ko naman kasalanan ang pag-upo ko dito?!" Hindi pwerket gwapo ka. Naku! Ewan ko lang talaga sa ipis! Ay? Anong konek?

"And besides this is a library not a playground!" Okay na sana eh.. Okay na sana ang linya ko pero nung tumayo ako para umalis na lang biglang sumabit yung palda ko sa table at natumba sa harap ng gwapong nilalang. Sa harap niya mismo. As in!

Sa kasamaang palad, may nuno sa punso ang naglagay ng bubble gum sa upuan ko. Ang malas naman oh. Bakit ngayon pa ako inatake ng pagka-clumsy ko. Huhuhu!

"Hahahaha! Hahahahaha! Alam mo miss, palaban ka eh. Maganda rin sana kaso tatanga-tanga ka! Hindi ka ba marunong magbasa? Hahahaha!" Sige lang! Tumawa ka pa!

Ang sama ng lalaking ito. "Hindi naman siguro ako makakarating ng college kung hindi ako marunong magbasa diba?" Nakakaasar ang tawa niya pero bakit ganun? Ang sarap pakinggan? Ha? Ano ba tong iniisip ko? Erase! Erase!

"Talaga? Why dont you take a look in your chair?" naka-smirk niyang sabi sa'kin.

THIS CHAIR BELONGS TO MR. TRISTAN LEE. BEWARE!

Beware? Ano to? Aso? Beware of dogs? Kaloka ang lalaking unggoy na'to.

"So sayo pala to? Binili mo ba'to? At bakit may pangalan mo?" Matapang parin ako no! Aba'y dapat lang.

"Siyempre naman. Hindi ako maglalagay ng pangalan ko diyan kapag hindi ko pagmamay ari ang isang bagay. Yan tuloy, nakarma ka. Hahaha!"

"Aba't!" Tigilan niyo ko!!! Kakainin ko ng buhay ang lalaking ito!!!

"For you to be aware, look every corner of this building" sabi niyang nakangisi.

Teka nga Lord, bakit ang gwapo ng taong ito? Pwede bang i-magic at nang mapasok ko ito sa basurahan? Nakakagigil e! Nilingon ko bawat side ng Library. TRISTAN LEE'S PROPERTY. Sige na! Siya na mayaman.

"Bakit hindi mo na lang lagyan ng pangalan mo sa labas ng building na ito at wala ng makapasok!" Naiinis na talaga ako!

"Wag naman. Kawawa naman yung mga estudyante. May puso pa naman ako." Nakangisi pa talaga siya ha.

"Puso? Saan mo ba nilalagay ang puso mo? Sa ilalim ng ilong mo?" Carry mo'to Tina. Aja!

"Ooooppppsss! Relax! Yung palda mo, mahuhulog na." sabay ngiting nakakaloko.

Ohmeged! Pagkatingin ko sa palda ko, malapit na talaga sa sahig. Letseng table to! Mabuti na lang talaga nakaleggings ako hanggang tuhod. Hindi naman kasi maikli yung palda namin. Below the knee naman since yun ang required ng school namin.

Paglingon ko sa likuran ko, pinagtatawan na ako ng mga estudyante. Ikaw ba naman makitang nakaleggings. My goodness! Kumusta naman kaya ang pwet ko? Mabuti na lang wala ang incharge sa library kung hindi kanina pa kami na-disciplinary action. Nakakahiya madlang people! Bessy! Asan na kayo? Help me sa embarrasing moment na ito. Please lupa bumuka ka.  Nakakahiya. Agad kong kinuha ang palda ko at sinuot sabay tingin sa mayabang na lalaking ito.

"Gusto mo bang ihatid pa kita sa labas? In case lang namang makalimutan mo ang pinto palabas?" Talagang  ginagalit ako ng kapreng ito! Hindi ko na nakayanan ang tawanan kaya lumabas ako ng naluluha pero talagang hindi ako mahal ng panginoon  natisod ako habang palabas.

"Hinay-hinay lang miss leggings. I love your butt." sabay ng tawang napakalakas.

"Manyak!" sigaw ko sa engkantong ipinanganak sa lupa. Ang clumsy ko naman talaga kahit kailan! Nakakahiya! Asan na ba kasi sina Gabby at Ayana! Nakakainis naman eh.

"Ppprrrrreeeennnddd!" At ayun. Ngayon pa sila dumating kung saan tapos na ang palabas.

"Anyare?" tanong ni gabby.

"pasensya ka na bessy ha, if natagalan kami kasi nag-quiz pa kami e." sabi ni Ayana. Siya ang dakilang tagapagtanggol ko tuwing nasa panganib ako ng tuksuhan. Aawayin niya ang lahat wag lang ako mapahiya.

Magkaiba kami ng kurso. BSED yung kinuha nila kasi they love children. ewan ko sa kanila.

Children? Hindi naman Children ang mga high school students a? BSED nga diba? Bachelor of Secondary Education eh.

"Anong problema Bessy?" tanong ni Ayana na halatang nag-aalala.

"Bakit ba kasi napaka clumsy ko." Hindi ko na mapigilan ang umaapaw kong luha. At kinuwento ko sa kanila ang nangyari.

"Sayang! Gwapo pa naman ni Papa Tristan pero dahil pinahiya niya si Tina beybi, pangit na siya!" sabay taas ng kanang kamay.

"Oo nga! Ang dapat sa kanya ilibing sa Planet Mars at ipakain sa alien!" second demotion naman ni Ayana.

Ganyan kasupportive mga bestfriend ko kaya mahal na mahal ko yan sila e.

Speaking of TRISTAN LEE.  Apo siya ng may ari ng paaralang ito. Oo na, siya na mayaman. Mayaman din naman ako ah pero hindi kasing yaman nila. Sa lahat ng pinakamayabang, siya ang pinaka sa lahat ng pinaka. Within 3 years kong pag aaral dito ngayong lang kami nagkabanggaan pero infairness ang gwapo niya.

My Clumsy Girl(Unedited)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant