CHAPTER 12

1.4K 30 7
                                    

THEA ALLIAN SANTOS POV

Balik nanaman ako sa lintik na kulungan ko na ito, pero binalik na niya ako sa dating kwarto kung saan nagtangka ako mag pakamatay na hindi ko naman talaga dapat ginawa.

Kaya pala inilipat niya ako ng kwarto dahil pinaayos niya iyon at hinarangan ng bakal para hindi na talaga ako makatakas, pero kahit may nakaharang na bakal kitang kita parin ang kalapit ng building na ito na medyo mataas pero mas mataas ang building na kinalalagyan ko.

Simula ng bumalik ako dito sa pet house niya ay lagi-lagi na akong nakatambay dito sa balkonahe para pagmasdan ang mga ibon sa kalangitan at ang mga tao na sa tingin ko mula dito sa itaas ay mga langgam lang.

"Baby?! Tanghali na bakit hindi kapa natutulog?" – malambing na saad niya na kakapasok palang ng pinto at lumapit agad sa akin.

Pagkalapit niya ay agad niya ako hinalikan sa noo at bumaba iyon sa ilong ko at sinunod niya ay ang labi ko na tumagal ng five second.

Kahit nakatayo siya at nakaupo ako ay hindi naging hadlang yun para halikan ako, nang bitawan na niya ang labi ko ay lumuhod siya sa harap ko at hinawakan ang dalawang kamay ko na kinatingin ko sa kanya.

"Galit ka parin sa akin Baby?" – malungkot na tanong niya kaya iniwas ko ang mata ko pero bigla ko rin naibalik iyon ng maramdaman ko ang labi ni Clark na hinahalikan ang likod ng kamay ko.

Binabawi ko ang kamay ko dahil nakakaramdam na ako ng kiliti doon pero dahil lalaki siya ang lakas niya at hindi niya binibitawan ang kamay ko na binabawi ko.

"Mahal na mahal kita Baby, gusto ko na ibalik kita sa pamilya mo pero hindi kaya ng puso ko Baby! Iniisip ko palang na mawawala ka sa akin para akong mababaliw, ilang years ako nagdusa dahil sa lintik na pustahan na yun." – saad niya at doon ko na rin naramdaman na umiiyak siya sa harap ko.

"Pero maniwala ka sa akin this time baby na simula noon hindi ako makatulog dahil lagi kitang napapanaginipan na umiiyak lagi na rin sumasakit ang ulo ko dahil nga lagi akong walang tulog kakaisip sayo, once na ipipikit ko ang mga mata ko mukha mo na umiiyak ang nakikita ko gusto kitang puntahan sa pilipinas pero hindi ako pinayagan ng pamilya ko dahil nga sa isang babae nag kaganun ako kaya pina arrange marriage nila ako baka daw makalimutan kita pero kahit na ikasal kami sinusumpa ko ni kahit balat ko hindi ko dinikit sa kanya dahil bigla ka na lang sumusulpot sa utak ko na umiiyak." – iyak na saad niya parin.

Gusto ko maawa sa kanya dahil rin sa akin kaya pala hindi siya nakakatulog ng maayos.

Pero sabi ng bodyguard at driver niya dahil daw sa pamilya niya? Ibig sabihin? Nagsinungaling sila sa akin.

"Clark tapos na ang problemang pustahan na yun! Ayos na sa akin?! Pinatawad na kita pero dahil lang doon Clark, galit na galit ako! Yung tipong kahit anong gawin mo hindi mawala-wala dito sa puso ko hindi mo inamin sa akin kung sino ka talaga, kung kasal o single ka dahil Clark hindi ko pinangarap na maging isang Mistress dahil tulad ng ibang tao galit na galit rin sila sa mga taong kumakabit sa may asawa na, pero ng dahil sayo wala akong kaalam alam na isa na pala ako sa mga taong kinagagalitan ko isa na pala ako sa mga kumakabit na may asawa na." – maluha luhang saad ko.

Mr. Rich meet Ms. Fishball (Fletcher Series2) - CompletedOnde as histórias ganham vida. Descobre agora