CHAPTER 18

1.3K 32 2
                                    


THEA ALLIAN SANTOS POV

Maraming nangyari sa akin sa makalipas ng ilang buwan kasama si Clark ganun din ang buhay ng mga kaibigan ko ay unti-unting nababago na kasama ang mga Fletcher.

Nakapunta pa nga kami sa Kasal nila Kelly, doon ko nalaman kung anong totoong ugali na meron silang magkakapamilya. Ang ugaling pinapakita nila sa ibang tao ay ibang iba ang ugaling pinapakita sa mga pamilya nila.

Makalipas ng ilang linggo pagkatapos ng kasal nila Kelly ay balik na kami sa mga dati namin mga buhay.

Sa nakalipas na ilang linggo unti-unti kong nararamdaman na may nagbabago sa aking pangangatawan. Alam ko napapansin ito ni Benjamin dahil alam niya ang sakit ko noon.

"Thea ano? Walang balak? Tang ina naman pumayag ka naman na." – galit na galit na sermon ng kaibigan ko sa akin.

Naghahanap pa kase ako ng tyempo para magpacheck up na hindi nalalaman ni Clark.

"Naghahanap pa ako ng tyempo Benjamin ano kaba." – medyo inis na saad ko.

"Tang ina!" – malutong na mura niya at agad niya kinuha ang Cellphone niya na nasa bulsa niya lang.

"Dalawang linggo na lang palugit mo Thea, sinasabi ko sayo." – sermon nanaman niya ulit sa akin. "Hello? Yes si Benjamin po ito. Ayos lang naman po kami, itatanong ko lang po kung nandyan na po si Tito? ah ganun po ba sige po tawagan niyo na lang po ako kapag nakabalik na si Tito dyan kailangan na kailangan ko po kase talaga ito itanong. Ah? huwag na po ako na lang po magsasabi sa kanya. Opo, opo thank you po."

"Si manang?" – tanong ko na kinatango niya.

"Wala parin si Tito, kailangan ko na talaga siya kausapin about sa kalagayan mo." – saad ni Benjamin na kinalungkot ko.

Miss ko na si Papa, gusto ko siya masabihan ng mga sikreto ko.

Maaga na lagi akong sinusundo ng mga tauhan ni Clark, sa kagustuhan rin ni Benjamin dahil nga sa sakit ko.

Pagod na binagsak ko ang katawan ko sa kama namin ni Clark dahil din sa pagod.

Mga nararanasan ko noon ay nararanasan ko rin hanggang ngayon. Konti lang ginawa ko pero bakit ganito? sobrang pagod na pagod ang katawan ko.

Napatingin ko sa cellphone ko na nasa ibabaw ng sofa dito sa kwarto ng bigla itong tumunog kaya agad akong bumangon at kinuha iyon.

~Baby, Hindi ako makakauwi ngayon, may importante akong meeting na pupuntahan sa China, bago mag umaga nandyaan na ako. Good night and I love you!~

Biglang may namuong senaryo sa utak ko ng mabasa ko na hindi uuwi si Clark ngayon.

Agad kong tinawagan si Benjamin na kinasagot naman niya agad.

"Bakit? may masakit ba sayo? Tell me Thea." – halata sa boses niya na kinakabahan siya.

"Hindi, hindi sa ganun Benjamin kase ano, ito na ata yung time na mag pacheck up tayo, hindi kase uuwi si Clark ngayon tapos mag papasama na lang ako sa mga tauhan ni Clark tapos sasabihin ko nasa hospital ka ngayon dahil nahimatay ka ganun, pero baka mag alala asawa mo kaya tawagan mo siya at sabihin mo ang plano maiintindihan naman niya yun." – paliwanag ko.

Mr. Rich meet Ms. Fishball (Fletcher Series2) - CompletedWhere stories live. Discover now