CHAPTER 09

1.7K 35 1
                                    

THEA ALLIAN SANTOS POV

Sa mga araw, linggo at buwan na pananatili namin ni Clark sa bahay ni Matthew ay masasabi ko talagang nag iba ang ugali ni Matthew sa ugaling nakita ko noong nag titinda pa ako sa harap ng school nila.

"Hey may masakit ba sayo?" – nagulat ako kakatupi ng damit namin para ilagay sa maleta niya ng biglang sumulpot ang lalaki nito sa tabi ko.

"Ayos lang! Btw si Kelly umalis na siya?" – tanong ko sa kanya.

Mamimiss ko ang babaitang iyon, sa ikli ng panahon na nakasama ko siya dito talagang napamahal na ako doon.

Ibang iba kase siya sa mga babaeng nakilala ko.

"Ayun umalis na pero ang pinsan ko sinundan niya, ewan ko doon kung ako yun hindi ko na siya papaalisin sa bahay ko kung susundan ko pa siya." – saad niya.

"Ang dami mong sinasabi tulungan mo na kaya ako dito, tsaka nga pala saan ba tayo pupunta? Diba sabi mo kinuha ng Papa mo ang Card at condo niyo? Saan tayo titira?" – tanong ko sa kanya.

"Ipapakilala kita sa magulang ko." – deretsyong saad niya na kinalaki ng mata ko.

"Seriously? Teka hindi pa ako handa, baka magtanong ng magtanong sa akin iyon tsaka pano kung hindi niya ako matanggap?" – agad ako napatayo sa kamang inuupuan ko kanina at hindi mapakaling saad ko sa kanya na kinaingite niya.

"Baby! Huwag ka ngang kabahan hindi sila nangangain, kung sakali naman na hindi ka magustuhan aba wala na silang magagawa dahil ikaw ang babaeng mamahalin ko hanggang pagtanda ko hindi sila, kaya wala silang karapatan na hindi ka tanggapin na maging asawa ko." – saad niya at tumayo rin siya para hawakan ang dalawang pisnge ko para makita niya ako ng malinaw. "Maliwanag ba? Kaya huwag ka kabahan ah, ako bahala." – saad niya na nakangite na kinangite ko rin.

Pagkalabas namin ng mansyon ay pag pasok naman ng isang kotse at pagkakaalam ko isa ito sa pinsan ni Clark.

"Pinsan mo iyon diba? Anong gagawin niya doon? Diba sinabi mo na wala doon si Matthew kaya papaanong pupunta siya dito?" – nagtatakang tanong ko sa kanya na kinasulyap naman niya sa akin.

"Kinukuha niya lang ang pagmamay-ari niya." – makahulugang saad ni Clark.

Dahil hindi ko maintindihan kung anong Pag mamay-ari ang gustong kunin nung pinsan ni Clark ay pinag sawalang bahala ko na lang iyon.

Takang napatingin ako sa pintuan nang Fletcher coffee's restaurant. Ito yung restaurant na hinahangaan ko talaga dahil ang bilis lumago nito kahit tatlong taon palang tinayo ito nangunguna na agad sa buong mundo at napakarami na nitong branch sa iba't ibang mundo.

Akala ko sa bahay nila kami pupunta? At alam kong doon na rin ata kakain.

"Anong ginagawa natin dito?"

"Hindi ko alam kung anong mangyayari doon sa bahay, baka hindi pa tayo nakakakain magkagulo agad doon kaya kakain na tayo." – malamig na saad niya.

"Magandang tanghali Master Cj." – saad nung Guard pero derederetsyo lang siyang pumasok habang hawak ang kamay ko. Kaya para naman hindi halatang nabastos si kuyang Guard ay yumuko ako bilang paggalang sa kanya.

Mr. Rich meet Ms. Fishball (Fletcher Series2) - CompletedWhere stories live. Discover now