One Shot 3 (Ate)

86 5 0
                                    

This story is dedicated to my older sister. A slight familiar to our real life story.

Hope you like it.

Panganay

Having a sister is a God's blessing. You are able to have a sister and a best friend, too.

Pero may disbentaha rin ito kasi hindi naman tayo perpekto. Bawat isa ay naiinggit. Lahat ay nagagalit at maaaring makasakit.

Kaya sa magkapatid, babae man o lalaki, hindi maiiwasan ang mga tampuhan at away.

That's natural and inevitable. I guess. 

"Janna panget, gumising ka na r'yan. Anong oras na!?" matinis na boses ni Ate Jess ang nanggising sa natutulog kong diwa.

As usual. Sisigawan na naman ako ni Ate hanggang sa bumangon na ako.

"Hmmm...teka lang Ate. Antok pa ako."

Gabi na kasi ako nakatulog kagabi. Ang haba kasi ng episodes ng K-drama na pinanood ko. Hindi ko naman magawang mapigilan ang sarili. Kaadik kaya!

Lalo na iyong eksenang umamin na si girl sa ultimate crush niya. Tapos...sasabihin no'ng guy na may gusto rin siya sa girl.

Ayiiiiiii. Tapos magyayakap sila. Tapos magki----

"Ria Jannalyn! Sabing gumising ka na nga!"

Natigil ang pananaginip ko sa lakas ng sigaw ni Ate. Kainis! Iyon na iyon eh. Nawala pa.

Tinakpan ko agad ng unan ang mga tenga ko. Oh my poor eardrums.

"Five minutes lang Ate Jess. Inaantok pa ako," maktol ko pa sabay talikod ng higa.

Akala ko makakatulog na ako nang payapa, pero akala ko lang iyon. Kasi hinila niya ang kumot ko. Kaya, nilamig ako. Ang lakas pa ng electric fan.

"Ate?!" napasigaw na rin ako. Hindi na napigilan ang inis.

"Bahala ka panget. Magsawa kang lamigin r'yan. Hindi ko ibabalik ang kumot mo," pang-aasar pa ni Ate Jess at tinangay na ang kumot ko. Tatawa-tawa pa siyang lumabas ng kwarto.

"Panget ka rin, Ate. Magkapatid tayo kaya panget ka rin," pahabol ko na hindi sigurado kung narinig niya.

Bakit ba kasi kailangan kong gumising nang maaga?

Hello, wala naman kaming pasok. At di ko pa alam kung kelan babalik. Kasi naman dahil sa pandemic na iyan. Ano nga ulit iyon, ncov, covid-19, corona virus. Ewan. 'Di ko sure kung alin diyan. Basta sakit daw 'yun na nakakahawa.

Kaya nauso ang lockdown, quarantine, social distance, face mask, face shield, alcohol, at kung ano-ano pa. Kaya heto, tamang tambay lang sa bahay.

Dapat nag-eenjoy ako sa pagtulog eh. Lagi naman kasing epal si Ate Rhea Jessilyn. Aiysh!

Kaligayahan siguro niya ang inisin ako. Tss.

"Janna! Aba! Ano? Maghapon ka na lang tutulog d'yan? Bumangon ka na at magwawalis ka pa sa bakuran," sermon na naman ni Ate Jess.

Kahit labag sa kalooban ko, bumangon na ako at tiniklop ang higaan.

"Aray ko!" daing ko kasi binato ako ng pasaway kong Ate ng kumot.

"Sareh, ang bagal mo kasi," aniya at nag-peace sign pa.

Sinamaan ko lang siya ng tingin.
Bumangon na ako at dumeretso sa banyo para gawin ang morning routine.

Binilisan ko lang, baka masabihan na naman na mabagal kumilos.

"Agang-aga, pagwawalisin ako sa bakuran. Aish!" bulong ko habang naglalakad patungo sa kusina.

Feature Articles & One Shot Stories (Completed)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ