CHAPTER 10

218 3 0
                                    

Chapter10

#Flashback.

#Shanta

Halos di na ako makahinga habang nakatingin sa wallclock na nasa harap ko.

Alas9 ng umaga yong appointment ko,ilang minuto na lang. Makakaharap ko na yong taong tutulong para mabago ang takbo ng buhay ko.

Yong taong tutulong sa akin para magkapangalan sa karerang pinasok ko.

Ang modelling word.

Kaya mo to Shanta.
Ito na yong break na matagal mo ng hinihintay.
Pagnakumbinsi mo ang taong yon.
Aangat ka na.
Maiaahon mo na rin mula sa hirap ang mga magulang mo.

Hindi na ako mapakali sa inuupuan ko. Halos mabingi na ako sa lakas ng kabog ng dibdib ko.

"Maam? Are you Ok?"Tanong nong Secretary sa akin.

Tumango lang ako. Hindi ko na din ata kayang magsalita.
Inhale,exhale.

"Malapit na ding matapos si Mr. Wade sa Meeting niya. Tapos ikaw na ang susunod."Nakangiting wika niya.

Alam kaya niya ang ipinunta ko rito?
Ilang babae na ba ang umupo sa upuang kinauupuan ko ngayon, kinabahan din kaya sila. Ganito din ba yong nararamdaman nila nong unang punta nila dito.,Handa din ba nilang ibigay ang lahat para lang makamit ang minimitming pangarap?

Ah siguro marami na.
Hindi ako ang una,at hindi din ako magiging huling babaeng uupo sa upuang ito.

"Maam,relax ka lang po,hindi naman po nangangagat si Mr. Wade. Mabait po siyang tao."Hindi ko alam kong dapat na ba akong makampanti dahil sa sinabi niya. Pero duda akong mabait ang taong yon.

"Ok,Thank you Miss."Tanging nasagot ko. Ang gulo na din kasi ng isip ko. Hindi ko alam kong tama ba tong ginagawa ko. Pero nandito na to,ilang araw ko din tong tinarbaho para makakuha ng appointment kay Mr. Wade. Wala ng atrasan to. Anot-anuman ang mangyari,ilalaban ko to.

"Miss,hinihintay ka na ni Mr. Wade sa loob."Para akong nagising sa malalim na pagkatulog ng marinig ang malumanay na boses ng secretary ni Mr. Wade.

Agad akong tumayo,saka inayos ang nagusot kong damit."Ah,sige salamat."Giniya niya ako sa labas ng pinto ng office ni Mr. Wade.."Salamat."Nakangiting wika ko sa kanya. Kahit ang totoo,nanghihina na ang mga tuhod ko. Huminga muna ako ng malalim bago kumatok. Saka dahan-dahang binuksan ang pinto.

......

"Goodmorning,Mr. Wade."Buong tapang na bati ko sa taong kaharap ko ngayon. Nasa late 40's or 50's na ata siya. Diko matantiya kasi matikas pa siyang tingnan..

Tumango lang siya. Saka isinenyas niya na umupo ako sa kaharap na upuang nandoon.

Nang makaupo na ako. Saka siya nagsalita."Hmmm,so whats youre name again?"

"Shanta Melgazo,Sir."

"Hmm.,Tayo ka nga."

Agad naman ko namang sinunod ang gusto niya.. Buong tapang akong tumayo sa harap niya. Hindi ko pinahalatang halos manginig na ang mga tuhod ko,dala ng matinding kaba.

"Sexy."Mas lalo akong nanginig ng marinig ang sinabi niya. Tumayo siya mula sa pagkakaupo,saka siya lumapit sa akin. Sinuri niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Harapan at likuran. Nanlaki ang mga mata ko ng hinipo niya ang pang-upo ko. Papalag na sana ako,pero dinaig ako ng takot. Baka magalit ko siya at di na niya ako tulungan."Natural ba to Shanta o pinaretoke mo na to?"Wika niya habang pinaikot-ikot ang palad niya sa pang-upo ko. Napapikit ako dahil sa ginawa niya. Hindi ako napapikit dahil gusto ko ang ginagawa niya,napapikit ako dahil pinipigilan ko ang sarili kong wag siyang masapak,mahigpit ang kuyom ko sa mga palad ko.

The Photographer Obsession( Obsession Series 4)Where stories live. Discover now