CHAPTER 5

407 3 0
                                    

Chapter Five

#BREAKFAST

#Shanta

Maaga pa lang gising na ako. Kahit mamaya pang alas-onse yong shed ko sa shot.
Pano naman kasi di ako pinatulog ng maayos ng mga nangyayari sa buhay ko lately.

Nang tumingin ako sa salamin,nakita ko ang malalaking eyebugs ko.
Hay mabuti na lang naimbento yong mga pampaganda,kung hindi baka di na ako makapagtrabaho,ang haggard din kasi ng mukha ko.

Mahinang katok ang pumukaw sa akin mula sa pagkatulala,agad akong tumayo para pagbuksan yong kumakatok.
Nanlaki ang mga mata ko ng makita si Mr. Ford sa likod ng pinto.
Fresh na fresh siya,samantalang ako bagamat kanina pa gising ni hindi pa nakapag-ayos. Bigla akong nahiya ng maalala ang ayos ko. Nagtago pa ako sa likod ng pinto,dahil ayokong makita niya ako.

Yong hiyang-hiya na ako dahil hindi pa ako nakaayos tapos matamis lang siyang ngumiti sa akin na ikinakunot tuloy ng noo ko. Anong meron sa araw na to?
Holiday ba ngayon?
Ang tamis ng ngiti ng loko ee,parang lalanggamin ata tong Cabin ko.

Panaginip ba to?
Pambihirang ngiti ,mas maliwanag pa sa sikat ng araw.

"Bakit?"Awkward na tanong ko. Ang kalat pa ng buhok ko,tapos gusot pa yong damit ko.

Ininguso niya ang dalang tray,saka ko lang napansin may dala pala siyang tray na may lamang pagkain.

"Goodmorning. Dinalhan kita ng pagkain."Sweet na wika nito.

Mapapaweee na sana ako kung hindi ko napigilan,yong bibig ko.

"Huh?"Lutang si Ateng...😂😂😂

Ke haba ng hair ko,isang Phoenix Ford nandito sa labas ng Cabin ko,tapos may dalang pagkain. Panaginip nga siguro to!😂

"Nangagawit na ako,Shan!"Dinig kong reklamo nito.

Teka lang,what to do?
Ano bang dapat kong gawin?
Papasukin ko ba siya?
Ano ba kasi!
Jusko somebody,gisingin nyo naman ako. Baka mauwi ito sa bangungot.

"Usog ka nga ng konti at dadaan ako." Mayamaya wika nito na nagpabalik sa katinuan kong naglalakbay sa kawalan.😂

Wala sa sariling umusod ako ng konti para makadaan siya.

Agad naman siyang pumasok sa room ko,nagpanic ang sistema ko ng marealize na nakapasok na siya,pero wala na akong nagawa kundi ang sumunod na lang sa kanya.

Inilapag niya ang tray na dala niya sa bedside table na naroon..

"Maligo ka muna bago kumain."Wika nito matapos niyang mailapag ang tray. Para akong tuod na nakatayo lang at nanonood sa kanya."Hey,tulog ka pa ata ee."Nakakunot noong wika nito,pano naman kase wala akong ginagawa. Basta nakatayo lang ako at pinanood siya. Wala ee,umaga pa kasi kaya hindi pa nakafunction ng maayos itong beauty ko."Mabuti pa samahan na kitang maligo."Sabi niya sabay akay sa akin papunta sa banyo.

Saka lang ako parang natauhan ng maramdaman ko ang kamay niya na nasa baywang ko na.

"Hep,wait!"Parang bigla akong nagising,dahil sa ginawa niyang paghawak sa akin.

"O,akala ko,hindi ka na magigising."Nakangiti na namang wika nito. Napahawak ako sa pajamang suot ko,baka kasi,malaglag na lang tong bigla dahil sa letseng ngiti niya. Makalaglag panty,kasi yong ngiting iginawad niya. Hay naku,Phoenix Ford,ano ba kasing ginagawa mo sa akin.
Ai este dito pala sa Cabin ko.

The Photographer Obsession( Obsession Series 4)Where stories live. Discover now