CHAPTER 3

537 7 6
                                    

CHAPTER 3

#AFRAID

#Shanta

Sa wakas natapos na din. Kahit halatang,napilitan na lang magpack-up si Phoenix. Ano siya hello,halos himatayin na ata ako sa pagod kanina.

Nasa kalagitnaan ako ng pamamahinga ng biglang tumunog ang Phone,na nasa tagiliran ko. Agad kong dinampot ito,without looking at the caller.

"Shanta,anak!"

Nanlaki ang mga mata ko ng marinig ang boses ng Nanay ko sa kabilang linya. Bihira kasi itong tumawag. Ako lagi ang tumatawag sa kanila. May problema ata. Bakit parang paos ang boses nito."Nay? Nay! Anong nangyari dyan?" Bigla ang pagsalakay ng takot sa buong sistema ko."Nay?"Bakit ang tagal niyang magsalita sa kabilang linya.

"A-anak. Kumusta ka dyan?"Parang maiiyak na wika nito.

Gumaralgal na din ang boses ko ng marinig ang boses nito. Miss na miss ko na ang Nanay ko,ilang buwan na din akong di nauwi sa amin.

"Ok,ok lang ako Nanay."Pigil hiningang wika ko. Napakurap-kurap pa ako para pigilan na wag pumatak ang luha ko."Kayo,dyan,si Tatay,ok lang ba kayo dyan?"Pilit kong pinatatag ang boses ko. Yong pagod ko kanina,biglang nawala ng marinig ko ang boses ni Nanay. "Mga gamot nyo Nay,baka di nyo na iniinom?"

"Anak,naman,wag mo na kaming masyadong alalahanin. Matatanda na kami."Mahinang wika ni Nanay. Na mas lalong nagpaalala sa akin.

"Nay,naman,matatanda na nga kayo. Kaya di nyo na kailangan pang kumilos ng kumilos. Baka sa susunod na linggo magpapadala na naman ako ng pera,pambili ng mga kailangan nyo dyan. Wag kayong masyadong magpapagod,Nay,ha,sabihan mo si Tatay,baka umandar na naman katigasan ng ulo niyan."Mahabang wika ko sa kanya. "Miss na miss ko na kayo,Nay,pangako pagkatapos ng trabaho ko dito,uuwi ako diyan."Di ko na napigilan ang pagpaos ng boses ko,naiyak na ako.

"Shanta,Anak,sinisingil na tayo ni Don Mayo sa utang ng Tatay mo. Pasensya na anak,ayaw kitang pag-alalahanin kaso ginigipit niya tayo. Yong Tatay mo halos di na makakain sa pag-iisip kong saan kukuha ng pambayad. Pasensya na anak."Malungkot na malungkot ang boses nito.

"Wag kayong mag-alala Nay,akong bahala dyan. Hahanap ako ng sideline dito para makabayad."Matapang na saad ko kahit ang totoo,kinakain na ng takot ang puso ko. Yong panghihina ng loob ko andito na naman.

'Anak,mag-iingat ka palagi."

"Kayo din Nay,mag-iingat kayo diyan. Magiging panatag lang ang loob ko kung nasa mabuting kalagayan kayo palagi. Sabihan mo si Tatay wag na masyadong mag-alala sa mga utang natin dyan. Ako ng bahalang humanap ng pambayad."

"Sige Anak,baka naabala ko na ang pamamahinga mo.. Ingat ka diyan palagi."Sasagot pa sana ako pero wala na pala si Nanay sa linya. Napasandal na lang ako sa headboard ng kama ko. Saka napahilot sa sintido ko na biglang sumakit.

Kailan kaya matatapos ang lahat ng to. Pagod na pagod na ako. Ginawa ko na ang lahat pero bakit kulang pa rin. Hindi ko pa rin maiahon sa hirap ang mga magulang ko.

Ang bigat ng nararamdaman ko kaya naisipan kong maglakad-lakad muna sa labas. Para makapag-isip-isip. Ang dami ko ng iniisip,hindi ko na alam kong anong uunahin.
Pakiramdam ko ni hindi man lang nabawasan ang mga alalahanin ko. Bagkus mas lalo pa atang dumami.

"Shanta!"Nangilabot ang katawan ko ng marinig ang pamilyar na boses na yon. Ayaw ko sanang lumingon,dinaig ako ng takot. Ilang araw ko na kasi siyang iniiwasan."How are you? Pagkatapos mong makuha ang gusto mo,kinalimutan mo na ako?"May himig na panunumbat na wika nito. Mahina akong napatili ng bigla niyang hawakan ang balikat ko."Hey,relax. Hindi naman kita inaano."Mahinahong alo,niya."I just miss you."Napapikit na lang ako ng maramdaman kong inamoy-amoy niya ang buhok ko. Sabay haplos sa balikat ko. Nanayo na ang mga balahibo ko dahil sa ginagawa niya.

"Ta-tama na!"Mahinang wika ko. Bigla akong naging mahina,dahil sa ginawa niya.

"Look at me,Babe,gusto ko ulit makita ang kagandahan mo."Mainit na bulong niya sa akin. Kinilabutan ako ng magdikit ang mga balat namin. Agad akong napaiwas ng akmang hawakan niya ang mukha ko para iharap sa kanya.

"Please,wag mo na akong hahawakan."Punong-puno ng takot na wika ko sa kanya. Ayaw ko sanang ipakita na takot ako sa kanya,kaso di ko mapigilan.. Nanginig na din ang mga tuhod ko. Gusto kong tumakbo palayo sa kanya.

"Bakit ka ba natatakot sa akin? Im willing to give you everything you want.  Napag-isipan mo na ba yong proposal ko sayo."

Mabilis akong napailing bilang sagot sa tanong niya. Kahit anong mangyari hinding-hindi ako papatol sa offer niya. Sapat na yong,isang beses na nagpakababa ako. Ayaw ko ng maulit yon.

"Hmmm. Tumaas ba ang price mo ha,BabY Girl."This time nasa may likod ko na ang kamay niya. Humahaplos-haplos. Gusto kong umiwas sa mga haplos niya,ayaw kong hinahawakan niya ulit ako. Ayaw ko na. Naalala ko lang yong,mga pinag-gagawa kong di kaaya-aya na kasama siya.

"Please,lang. Ayaw ko na."Sabi ko sabay layo sa kanya ng ilang pulgada.

Kahit medyo may kadiliman sa kinaroronan namin,nakita ko ang biglang pagbangis ng mukha niya.

"Nag-iinarte ka na?"May diing wika nito. Halata ang pinipigil na galit. Ngunit nandoon ang pagnanais na di niya ako matakot. Pero huli na ang lahat tinubuan na ako ng takot kapag nasa paligid siya.

Umiling ako."Gusto ko ng itama ang lahat. Gusto ko ng kumita sa disenteng paraan."Buong tapang na wika ko.

Dinig ko ang malademonyong tawa niya."Disenteng paraan? Hmmm,interesting. Paano magiging desente ang trabaho mo ngayon kong,nakapasok ka lang naman dahil sa  pagtanggap mo sa indecent proposal ko. Baka nakalimutan mo na."May himig pang-uuyam na wika nito. Nakakakilabot ang boses niya.

Bakit ba kasi siya nandito.
Ayaw ko na nga siyang makita.

"Baby Girl. Handa akong ibigay sayo ang lahat. Just be my Mistress. Anong gusto mo,Fame. Kaya kong ibigay sayo yon ng walang kahirap-hirap. Pera. Ilang milyon ba ang kailangan mo,name your price,baby girl. Kaya kong ibigay sayo ang lahat. Just let me take care of you. Hindi ka magsisi kapag pumayag ka,you will be famous,gaya ng pangarap ng lahat ng kagaya mo."

Nanginig sa galit ang buong pagkatao ko. Tingin niya,papatulan ko pa siya.
Tsssk. No way! Tama na yong isang beses na kumapit ako sa patalim. Hindi yon dahil sa ambisosya akong tao,ginawa ko yon dahil gusto kong maiahon sa hirap ang mga magulang ko.

Ginawa ko ang sa tingin ko ay tama. Pero mali pala ako,maling-mali!

Hindi na ako magpapakatanga pa para magpagamit sa kanya. Sapat na ang  isang beses.

"Matigas ka? Ano kaya kong,parurusahan kita. Ipapatanggal kita sa pagiging model mo. Saan ka kaya pupulutin,Baby girl."Nang-uuyam na wika nito. Sarap busalan ng bibig niya. Ang hambog.
Kung kaya ko pa lang pumatay ng tao baka matagal ko ng ginawa.

"Sir,please just leave me alone. Please po,wag nyo na po akong guluhin. Hindi ko na masikmurang makasama kayo. Please."Nagmamakaawang wika ko. Hindi ko na kayang lunukin yong mga pinag-gagawa ko sa buhay ko. Nandidiri ako sa sarili ko.
May paraan pa ba para mabago ko ang kapalaran ko na ako mismo ang gumawa?

Napahikbi na lang ako,dala ng awa  para sa sarili ko.

"Fine hindi kita ipepressure. But if you need my help,dont hesitate to come to me. I am willing to help you anytime. You know what I want. Im willing to give you anything,Baby Girl.."Mapagkumbabang wika nito. Ang mga halimaw kayang maging maamo minsan para makuha ang gusto nila. Pero hindi na ako magpapauto uli sa kanya.
Sana hindi na.

Hindi ako sumagot sa sinabi niya,basta nakatingin lang ako sa kanya,na punong-puno ng takot.

Anong klaseng buhay ba meron ako at ang gulo nito.

Darating pa ba ang panahon para makaahon ako.

O mananatili akong putik sa habampanahon.😢

The Photographer Obsession( Obsession Series 4)Where stories live. Discover now