CHAPTER 56

18.1K 317 7
                                    

CHAPTER 56

BRIANNA

           “GOOD MORNING, Ma'am.” Unti Unti kong minulat ang mga mata ko. Nakita ko agad ang kulay puting kumot at higaan na hinihigaan ko. Malambot ito. Parang sa five star hotel. Pero teka...

Napabalikwas ako nang maalala ko ang nangyari. Si Loraine 'yon! Tinakpan niya ng panyo ang bibig at ilong ko kaya nawalan ako ng malay. At ano pa yung sinabi niya sakin? Argh! Kahit kapatid ko 'yon, sasabunutan ko talaga siya kapag nakita ko siya.

“Ma'am? Hindi pa po ba kayo maliligo?” Tinignan ko yung babaeng nasa harap ko. Ginising niya lang naman ako.

“Sino ka? Nasan ako? Si Spiro nasaan?” Narinig ko kasi ang sigaw ni Spiro kagabi. Nag-aalala pa rin ako.

“Ah. Yung gwapong bata po ba? Nando'n po sa labas, nakikipaglaro sa dad niya.” Napakunot ang noo ko. Nakikipag laro sa dad niya? Kay Dereck?

“K-kay Dereck?”

“Opo, Ma'am. Pero kailangan niyo na po talagang maligo baka po ma-late kayo nyan sa kasal niyo.” Mas lalo tuloy akong naguluhan. Kasal ko? Next week pa ang kasal ko.

“Kasal ko? Hindi ngayon ang kasal ko. Next week pa. Hindi naman ako isang linggong tulog?” Umiling ito.

“Hindi naman po.” Napahilot ako sa ulo.

“Pwede bang papuntahin mo si Dereck dito? Pakisabi na rin magdala siya ng pagkain dahil nagugutom na ako.” Sumasakit ang ulo ko sa nangyayari. Gulong gulo ako.

“Sige po, Ma'am.” Akmang aalis na siya nang may maalala ako.

“Ay, miss!”

“Po?”

“Nasan ako?”

“Nasa Ilocos po, Ma'am.” Bigla akong napahiga ulit sa kama at hinayaan siyang umalis.

Inilibot ko ang paningin. Maganda dito. Fresh ang hangin at maganda ang kwarto. Gano'n pa rin ang suot ko katulad ng kahapon. Kung nandito si Spiro, sino yung kagabi?

Pucha! Niloloko lang ba nila ako?!

Napasabunot ako sa sarili ko. Naiinis talaga ako. Tanghali na rin kasi at hindi ako nakapag-almusal. Kawawa naman ang baby ko. Babatukan ko talaga 'yon si Dereck kahit na bilyonaryo pa siya. Walang hiya!

Maya maya ay dumating na nga si kupal at ang gwapo niya. Lintek. Parang ang sarap niyang yakapin at pugpugin ng halik. Parang ang bango bango niya kasi. Ang aliwalas ng mukha niya. Sobrang gwapo!

“Good morning, baby.” Binaba niya sa kama yung dala niyang pagkain na nakalagay sa trey. Umupo din siya sa tabi ko. “How's your sleep?” Gusto ko siyang halikan pero bigla kong naalala yung nangyari kagabi.

“Pinlano mo ba ang nangyari kagabi?”

“Yes.” Inirapan ko siya.

“Kinasabwat mo pa ang kapatid ko, letche ka! Pati si Spiro! Alalang alala ako, bwiset ka!” Hinila ko ang tenga niya kasabay ng pagdaing niya.

“Ouch!”

“Bakit mo ginawa 'yon?!” Sigaw ko. Binitawan ko ang tenga niya.

“Easy, okay?” Inayos niya ang sarili niya. “Kumain ka muna. Kawawa si baby n'yan.” Inirapan ko ulit siya bago nagsimulang kumain. Kahit na badtrip ako at kailangan ko pa ring kumain para sa baby namin.

“Explain.” Sambit ko dahil baka bigla ko siyang masaksak.

“Aww, my Brie. Galit ka ba?” Hinawakan niya pa ang mukha ko. “This is our wedding day, hindi ka dapat galit sakin.”

A Deal with Mr. Billionaire [ Billionaire Series #1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon