CHAPTER 55

17.5K 295 17
                                    

CHAPTER 55

BRIANNA

         ISANG LINGGO na ang nakalipas mula noong huli kaming magkita ni Dereck. 'Yon din ang araw na hiningi niya ang kamay ko kay Papa at ang araw na nalaman kong magkakaanak na naman kami.

I can't still believe it. I'm 4 weeks pregnant now. Sa loob ng isang linggo ay puro tawag si Dereck at kinukulit ako na makipagkita sakanya pero hindi ko naman maiwan si Spiro kahit na okay lang sakanya. Maybe next time tatakas ako.

"Sister!" Nakita ko ang tumatakbong si Loraine papunta sakin. Mukha siyang excited kaya kahit naka heels siya ay nagawa niya pa ring tumakbo.

"Oh, Loraine, bakit?" tanong ko rito. Alam niya na nang buntis ako at sobrang saya niya. Bumibili siya agad ng damit kahit wala pang gender.

"Take a look at this. Anong crib ba ang bibilhin mo? Meron akong nakita rito na malaking crib at pwede ring humiga rito si Spiro. Kulay black pero pwede ko naman palagyan ng design," napangiti ako sa inaasal niya. Gustong gusto niya talaga ng mga baby.

"Excited ka na talagang manganak ako, 'no?" Kulang na lang kasi ay pati bra na pang breast feed ay bilihan niya ako. May pera naman ako pero mas gusto niyang nililibre ako. Siguro gusto niyang bumawi sa mga taong hindi kami magkasama kahit na ako ang ate dito.

"Oo naman. I'm super excited to see my niece." Lumawak ang ngiti ko. Naniniwala din kasi siyang babae ang anak ko ngayon.

"Bakit hindi ka na lang din mag-anak? I mean, you are at the right age to have a baby." Napangiwi siya.

"Sino naman ang ama? Wala pa sa isip ko 'yan, ate."

"Si Jackson. Hindi ba kayo naman talaga?" Mas lalo siyang napangiwi.

"Oh, please. Don't mention his name again. I hate him so much. Oh, can you tell him to stop chasing me? Nakakairita na. Gusto niya ata ako maging matandang dalaga." Narinig ko ngang lagi siyang hinahabol ni Jackson at one time ay nakipag suntukan ito sa ka-dinner date ni Loraine.

"He still loves you."

"If he still loves me, he won't kiss that girl, he won't kiss anyone but me." There's a bitter sound in her voice. "Sige, sister. Aakyat muna ako. Titingin pa ako ng dress para sa wedding mo, e. Bye." Bumeso siya sakin at umalis na ng bahay.

Actually, ako lang mag-isa dito sa bahay dahil wala si Papa at Spiro. Pinasyal niya ito. Gusto nila akong isama pero wala ako sa mood. May tiwala naman ako kay Papa na hindi niya papabayaan ang anak ko.

Muntik na akong mapatalon nang biglang mag-ring ang phone ko. Inis ko itong sinagot.

"Bakit ba?!" Malakas ang loob ko na sigawan ito dahil alam ko naman kung sino ang tumatawag.

["Baby, I miss you so much. Let's meet, please?"] Napakamot ako sa ulo. Ang kulit talaga ng isang 'to. Tatapyasin ko na ulo nito, e.

"Hindi nga pwede. 'Wag makulit, okay? Konting tiis na lang magkikita na tayo." Narinig ko ang pag-groan niya.

["I miss you so bad."] Napapikit ako. Miss ko na rin siya. May nag-uudyok sakin na kitain siya pero pilit ko 'yon pinipigilan pero mukhang mawawala lahat ng pagtitiis ko dahil konti na lang mapapapayag niya na ako.

"Dereck..."

["Promise, wala akong gagawing kung ano sayo. Gusto lang kitang makita. Is it hard to yes to me, baby? Don't you miss me too? Even Spiro, I can't even meet our son."] Napalunok ako.

"Sige na nga! Saan ba ang meeting place?"

["Really?! I'm on my way, baby. Susunduin kita, okay? Get ready. I love you."] Siya pa mismo ang nagbaba ng tawag at mukhang excited na siya. Umakyat muna ako sa kwarto ko at nagbihis.

A Deal with Mr. Billionaire [ Billionaire Series #1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon