CHAPTER 23

22K 371 26
                                    

CHAPTER 23

DERECK

      
             I HEARD HER SIGHED.

"Grade 9 ako noon nang makilala ko si Jackson. Maangas siya, mayabang, makulit, at sobrang hangin kaya ayoko sakanya." Napataas ang kilay ko. So, ike-kwento niya sakin?

"Palagi niya pa akong iniinis no'n kaya mas lalong ayoko sakanya pero noong nag prom kami, sinayaw niya ako at dahil trip kong sumayaw no'n, pumayag ako. Hindi ko akalaing doon pala siya aamin sakin na may gusto siya sakin, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman kong 'yon dahil 'yon din ang unang beses na nagkaro'n ako ng atraksyon sa isang lalaki. Ang sabi niya sakin ay liligawan niya ako, noong una ayoko pero nagpumilit siya, magaling siyang mangligaw. Ilang buwan na ang lumipas ay napatunayan kong totoo nga siya sakin kaya... Sinagot ko siya."

Tss. Eww.

"Normal na magkasintahan lang kami. Dalawang buwan kaming magkasintahan nang una niya akong mahalikan sa labi ko no'n. Hindi ko alam kung bakit hindi ako umiwas, siguro ay dahil curious din ako kung ano ba ang pakiramdam ng mahalikan. Ipinakilala ko siya sa Mama at Papa ko at wala namang naging problema sakanila kaya mas lalong lumalim ang nararamdaman ko sakanya noon."

Napaismid ako. Kaya pala, tss. First kiss niya si Jackson? Bakit hindi siya marunong humalik noong unang beses ko siyang naangkin?

"Iniisip mo ba kung bakit hindi ako marunong humalik?" Natawa siya. "Hindi naman kasi ako nagpapaturo at kung mag ki-kiss man kami ay smack lang at hindi katulad ng ginagawa mong halik sakin."

"Kahit na. It is still a damn kiss. Ako lang dapat ang hahalik sayo."

"Ikaw lang naman talaga, ha?" Tumawa ulit siya. "Birthday niya noon nang pumunta ako sakanila. Party party sila pero ako nasa isang tabi at kumakain kasama siya. Ang sabi ko ay maki-party siya kasama ang mga kaibigan niya pero ang sagot niya ay wala daw siyang gana dahil hindi naman daw pumunta ang paborito niyang pinsan at gusto niya daw akong makasama."

Oh, I remembered that! Jack's 17th birthday. I was in Macau that time having a vacation, but I really want to go back to the Philippines and celebrate with Jackson pero hindi ko pinayagan nila Mom dahil sayang daw ang ticket.

"Tapos sabi niya samahan ko daw siya dahil may kukunin siya sa kwarto niya. Kinutuban ako no'n pero pilit kong inalis dahil alam kong may respeto siya sakin kaya sumama ako. Pinaupo niya ako sa malapad niyang kama at habang may hinahanap siya. Pagkatapos no'n humila siya ng malambot na upuan at umupo sa harap ko. Kinuha niya ang kamay ko no'n at sinuotan niya ng singsing. Masaya ako no'n kahit hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng singsing na ibinigay niya.

"Basta ang alam ko, nagkatitigan na lang kami at nagpatangay sa halik na sinimulan niya. Sa puntong 'yon ay gumagalaw na ang mga labi niya kaya wala akong ibang ginawa kundi tumunganga at pumikit. Naramdaman ko na lang na dahan dahan niya akong hiniga sa kama niya at naramdaman kong hinawakan niya ang binti ko kaya natauhan ako. Tinulak ko agad siya at sinabi kong hindi pa ako handa sa gano'n."

I don't why do I have this feeling... Happy? Damn. I am happy 'coz she did not gave up herself to Jackson? I smiled.

"Tumango lang siya no'n at nag sorry pagkatapos no'n ay bumaba na kami. That time ay iniwan niya sa ako sa isang tabi at naki-party na sa mga kaibigan niya. Ni hindi niya na nga akong magawang ihatid noon dahil sa kalasingan niya kaya umuwi akong mag-isa pero wala namang problema sakin 'yon.

"Makalipas ang apat na linggo at naging malamig ang trato niya sakin hanggang sa sinabi niyang maghiwalay na kami dahil aalis na daw siya, sabi ko no'n kaya naman namin kahit na malayo kami sa isa't isa pero tumanggi pa din siya kaya ang naisip kong dahilan ay dahil ayaw niya na talaga kasi hindi ko maibigay ang gusto niya." She smiled bitterly.

A Deal with Mr. Billionaire [ Billionaire Series #1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon