Season 2 - Chapter 4 *Mr. and Ms. Cupid! :)*

Magsimula sa umpisa
                                    

Nag antay ako ng mga kalahating oras at sa wakas! Nakita ko na si Jillianne na papalapit sakin kasama si Bakla.

"Oh sis! Eto na! Yung pangako mo ha? Pag di ka tumupad, paparusahan ka ng sangka-baklaan!"

"Oo naman. Haha! Salamat ah?" at iniwan na nga kami ni bakla.

"Gusto mo raw ako maka usap?"

 

"Ah, oo eh. Hehe. Jillianne, napag isip isip kasi namin ni DJ na lumabas sana tayo. Alam mo na, bonding!"

seryoso naman yung mukha niyang humarap sakin, "Kath. Are you doing this again for the sake of Lance? Kung ganun, please stop it na."

 

"Jillianne, hindi naman sa nakikialam ako sainyong dalawa. Pero bakit ganun? Sabi ni Lance, galit ka raw sa mga lalaki."

bumuntong hininga naman siya, "Actually, hindi naman ako galit sakanila eh. Natuto lang ako maging mas matalino pag dating sakanila. The truth is, I had a boyfriend before. First boyfriend ko siya, and I was so in love with him that time without even having a fear na baka masaktan lang ako or what. Kasi may tiwala ako sakanya eh. Pero hindi din nag tagal yun dahil nalaman ko na may girlfriend pala siyang iba. Pinag katuwaan lang ako nilang mag babarkada. Kasi nga naman, artista yung girlfriend niya tapos dala dalawa pa diba? Hindi ko alam kung bakit sa tingin ng mga lalaki, pogi sila pag nakaka loko sila ng mga babae eh! Minsan ang hirap mag tiwala kung mahal ka nga ba ng isang tao o mahal ka lang nya dahil artista ka."

"Jillianne, hindi naman lahat ng lalaki ganun. May mga lalaki din naman na seryoso pag nagmamahal na sila. At bilang babae din naman ako, nakikita ko talagang seryoso si Lance sayo. Nung una, hindi din ako sang ayon kay Lance eh. Pero sa tuwing nakikita ko kung gano siya ka sincere sayo, unti unti kong narerealize na mahal ka talaga nya."

"Kath, I don't know but I'm having a hard time to trust someone again. Parang ang hirap na talagang mag tiwala, lalo na sa mga gwapo. Pakiramdam ko, ganun lang ulit mangyayari. Suddenly, may naalala tuloy ako. Someone that I knew before.  I had a  classmate when I was in grade school named Ken. Siguro ang weird dahil hanggang ngayon naaalala ko pa siya. He's a simple guy and he's very true to himself. Matalino naman siya, mabait din siya pero hindi ko alam kung bakit siya binubully. Tinitignan ko siya dati lagi sa malayo. Naghahanap ng chance na makausap ko siya. Hanggang isang araw, nakita ko siyang umiiyak. Nilapitan ko siya para patahanin, pero tinanong niya lang ako na bakit ko daw siya nilalapitan, eh ayaw daw ng lahat sakanya. Bakit ganun? May mga taong panlabas na anyo lang yung tintignan. Dun ka lang nila minamahal. Kaya para sakin, hindi na importante yung pang labas. Ang importante, mabuting tao at mahal ka."

tinignan niya ko mata sa mata, "Kath. Sana makita ko siya ulit dahil alam kong yung lalaking yun, hindi niya ko sasaktan. Mabait siya sobra. Someone who will never hurt a girl. Someone worth loving. Pero alam ko namang imposibleng makita ko na pa siya ulit."

Halos naluluha nako sa mga narinig ko. Nakaka touch lang kasi na hanggang ngayon, hindi niya parin nakakalimutan yung grade school classmate niya na bukod sa parang childhood crush niya yun, first love niya pa. 

I'm in love with a heartthrob. ♥ (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon