KABANATA 7- CONFESSION

Start from the beginning
                                    

"Lumabas ka o sisirain ko 'tong pinto ng unit mo?"

"Bakit nga?"

"Because I said so." May diin ang pagkakasabi niya. Napabuntong-hininga na lang ako at pinilit na lumabas na ng kwarto.

Nadatnan ko ang tatlo na magkakatabing pahilig na nakasandal sa sofa at tulog na. Nailing na lang ako.

"Hazel, Kyra, Ryza," panggising ko pa sa kanila pero mukhang tulog na tulog na talaga sila. Napapalatak pa ako.

"Mga kugtong kayo, magsilipat kayo sa kwarto," deklara ko pa kahit alam kong hindi na nila ako marinig. Binigyan ko sila ng tig-iisang mahina na sipa sa paa. Nararamdaman ko na rin ang panghihina ng katawan ko.

"Hmmm," sabay-sabay pa na tugon nila na para bang sinasabing huwag ko na silang gambalain. Napasinghap na lang ako.

Bahala nga kayong mga kugtong kayo!

"Leigh."

Napapitlag pa ako. Nasa kabilang linya pa nga pala si Zeiroh. Naglakad na ako papuntang  pinto at binuksan iyon. Mukha niya agad ang bumungad sa akin. Napakatahimik na rin ng hallway. Tulog na ang lahat pero heto at gising pa kami.

"What? Ikaw na ang may sabi na gabi na, matulog na tayo." Sinubukan kong umaktong normal sa harapan niya pero nabigo ako dahil kamuntik na akong sumubsob dahil sa nararamdaman kong hilo.

Tinakpan niya ang bibig ko at binuhat ako papuntang unit niya. Hindi na ako nakapalag pa dahil sa lumalala na ang kirot ng ulo ko.

Agad na napahilig ako sa sofa ng ibaba niya na ako. Shit, bakit merong planeta na nakapasok sa ulo ko? Ang likot, nakakahilo.

"Zei," tawag ko sa kanya. Naramdaman ko ang pag-upo niya sa tabi ko.

"What? Iyan ba ang hindi lasing?" mahinahon niyang tanong. Sinikap kong imulat ang mata ko pero hindi ko magawa.

Antok ba ito o talagang lasing na ako?

"Nasa unit ko ang mga kaibigan ko, i-lock mo ang pinto roon," utos ko pa sa kanya. Narinig ko ang kanyang pagsinghap.

"Alright. Just stay here, I'll be back."

My gosh, anong nangyayari sa akin? Bakit ang sama talaga ng pakiramdam ko? Nahihilo ako kahit hindi naman nga ako gumagalaw eh.

Nanatili ako sa aking kinauupuan at pinakiramdaman ang presensiya ni Zeiroh. Ilang minuto lang din ay nakabalik na ito.

"Zeiroh," tawag ko sa lalaking manhid at walang pakialam sa nararamdaman ko.

"Ano? Gusto mo bang uminom? Marami akong wine rito."

"Ayoko ng wine, gusto ko ikaw."

Hindi ko naman na narinig na nagsalita siya. Ano bang nangyayari sa lalaking ito? Bakit ang tahimik niya ngayon? Gusto ko siyang kausap eh. Ngayon niya ako kausapin.

"Gusto kita, Zeiroh Hernandez. Well, noon pa pero kasi mayaman ka eh hindi tayo bagay. Ang taas mo, napakahirap mong pantayan," mapaklang tawa ang pinakawalan ko.

May mga bagay talaga na hindi natin maamin-amin eh kasi natatakot tayo sa mga posibleng mangyari kapag ginawa natin iyon. Pero hindi ko man aminin sa lahat na gusto ko siya, alam ko sa sarili ko ang totoong nararamdaman ko.

"Kaya gusto ko munang makapagtapos sa pag-aaral para makahanap ng magandang trabaho at makaahon sa hirap para mapantayan kita."

Naramdaman ko ang luha na nagsilandas sa mga mata ko. Kapag mahirap ka kasi at nagmahal ka ng mayaman, hindi imposibleng husgahan ka ng mundo. At dahil mga bata pa kayo, hindi niyo pa kayang panindigan ang isa't-isa, ang paghuhusgang iyon ang tuluyang sisira sa inyo. Mapupunta rin sa wala ang relasyon ninyo.

Kahit Hindi Na Ako (LC SERIES #2)Where stories live. Discover now