ikawalong kabanata

330 29 40
                                    

"The greatest part of a writer's time is spent in reading, in order to write: a man will turn over half a library to make one book." Samuel Johnson

---

ISASAMA ako ni Senyorita Rosario sa school nila nang Biyernes ng umaga kaya medyo excited ako kasi curious ako sa kung paano mag-aral ang mga kababaihan n’ung 1762. Sigurado naman na di siya katulad ng ngayon… well, n’ung “ngayon” ko bilang babae sa 2019 na kayang makipagsabayan sa mga lalaki. Ano kaya ang itinuturo sa kanila ano? Kung paano maglakad na nakabakya at kung paano magpaypay na hindi ka mukhang nag-iihaw ng barbecue kasi init na init ka na?

Sumunod ako kay Senyorita Rosario palabas ng bahay pagkatapos niya mag-almusal. Naghihintay na d’un sa labas ang isang karwahe.

Pa-karwa-karwahe pa eh sa Colegio del Buen Consejo lang siya nag-aaral. Kung madulas ako ngayon sa kinatatayuan ko, sa front door na n’ung school maglalanding ang bakya ko sa lapit n’un sa mansion. Pero di na ako nagsalita. Hayaan ko na sa mga kapricho nila sina ateng.

“Ikaw ba’y handa na para sa ating klase ngayon, Bising?” tanong niya sa ‘kin.

“Opo, Senyorita.”

Bumaba kaming dalawa sa mga baintang papunta sa karwahe ‘tapos ngumiti si Rosario kasi nakita niyang papalapit na si BFF Senyorita Isabella.

“Magandang umaga, Isabella!”

“Magandang umaga, Rosario.”

Umagang kay ganda, mga senyorita.

“Mang Erning, masyado pong maganda ang araw para magkarwahe,” sabi ni Rosario kay Mang Erning the Kutsero. “Kami’y maglalakad na lamang po.”

“Kung iyon po ang inyong nais, Senyorita.”

Tumango siya kay Mang Erning saka niya isinukbit ‘yung braso niya sa braso ni Isabella para maglakad na sila. 

Habang sumusunod ako, pinagmasdan ko na silang dalawa. Maganda sila pareho kahit magka-iba sila ng itsura. Mas maputi si Rosario at morena naman si Isabella. Matangos ‘yung ilong ni Rosario at si Isabella naman ay medyo pango. Mas matangkad din si Rosario pero mas curvy si Isabella kahit pa halos walang korte ‘yung baro’t saya niya. Parehong nakapusod ‘yung buhok nila at parehong may dalang abaniko pero hawak ni Rosario ‘yung sa kanya habang nakabitin lang sa pupulsuhan niya ‘yung strap ng abaniko ni Isabella. Pareho silang puwedeng model o kaya ay artista.

Mahilig ako sa connected stories at connected characters kaya naisip ko agad na puwedeng heroine ng sarili niyang kuwento si Isabella. Pagkatapos siguro ng kuwento ni Aleng, puwede ko—

“Si Francisco na naman ba ang ating pag-uusapan?” tanong ni Isabella.

Nalimutan kong pinag-aaralan ko silang dalawa n’ung marinig kong favorite topic ko pala ang pinag-uusapan nila.

“Nais ko siyang pag-usapan dahil malamang siya na ang aking pakasalan.”

“Hindi n’yo naman iniibig ang isa’t-isa,” sabi ni BFF.

“Hindi na mahalaga iyon. Hindi naman ito tungkol sa pag-ibig. Siya nama’y mabait,” sabi ni Rosario na mahina ang boses para si Isabella lang—at ako na may super human hearing kapag si Francisco ang topic—ang makakarinig. “Maginoo, magalang, mapagmahal sa kanyang mga magulang at kapatid.”

This World Where You ExistOn viuen les histories. Descobreix ara