ika-anim na kabanata

558 40 18
                                    

"You can never know enough about your characters."
W. Somerset Maugham


MUNTIK maipit ang mga daliri ko nang biglang isara ni Aleng ang pinto.

"Diyos ko," bulong niya. "Ako'y kanyang tiningnan."

Huh? "Ano?"

Natataranta niyang inayos ang ayos na ayos niyang buhok na kahit yata bagyo eh hindi makakasira, 'tapos sinapo niya 'yung mga pisngi niya.

"Ako'y kanyang tiningnan," ulit niya. "Ako'y nakita ni Senyorito Alejandro na nakamasid sa kanya!"

Sino raw? Ah, wait! "'Yung kapatid ni Francisco?"

Wait ulit...

Nanlaki ang mga mata ko kay Aleng. "May crush ka kay Alejandro?"

Tiningnan niya ako na parang nagsalita ako na gamit eh language ng alien. Pero malamang nga ano? Tagalog lang naman ang alam ni Aleng. Malay niya kung ano ang "crush".

"Ano ang iyong sinasabi, Bising? At bakit mo tinawag si Senyorito Francisco sa kanyang pangalan? Kapag ika'y marinig ni Senyora Anita!" sabi niya na pabulong pa rin at natataranta. Tumungo siya at nakita kong kinuha niya ang tray na ibinaba niya sa sahig sa may paanan niya. Nand'un na 'yung mga pinag-inuman ng kape at hot choco nina Senyor Ramon de Papa ko at Senyora Anita na dapat y mi Mama.

Oo nga ano? Dapat ako rin 'yung nagbaba ng ininuman ni Rosario.

Pero, teka, mamaya na 'yun.

"Sandali, may crush... may gusto ka ba kay Senyorito Alejandro?" tanong ko ulit pero hindi sumagot si Aleng. Nakatuwid na siya na hawak 'yung tray at nakatungo roon na para bang binibilang niya kung tama 'yung dami ng tasa na dala niya. "Huy, Aleng."

Pero hindi siya ulit sumagot. Hindi siya gumalaw.

"Aleng?"

Nang hawakan ko siya sa braso, hindi siya nag-react. Inuga ko siya.

"Aleng?"

Pero nanatili siyang parang manikin. Ni hindi siya humihinga.

Humakbang ako paatras sa takot at nabangga 'yung likod ko sa pinto. Siguro hindi 'yun masyadong naisara ni Aleng kasi bumukas 'yun, at humandusay na naman ang stuntwoman sa sahig. Nagmamadali akong tumayo at naghahanda ng ng speech para kung sakaling sumaklolo 'yung guwapong mamang hero na nasa labas, pero walang lumapit sa 'kin. Ni wala akong narinig na tunog na nagulat dahil biglang may humadusay na starfish sa sahig sa foyer.

Nilingon ko ang mga tao sa sala at nakitang nakatingala silang lahat sa diyosa na si Senyorita Rosario na nakatayo na sa itaas ng hagdanan.

N'ung una naisip ko pang sobrang pagkamangha naman ng mga 'to kay Rosario kasi natulala na silang lahat, pero hindi eh. Hindi talaga sila gumagalaw.

At iyon ay dahil huminto ang oras sa mundong ito dahil hindi pa po sinusulat ni Dayang Tala ang susunod na scene.

Ayan, nakarma ako at nabitin sa sarili kong kuwento.

This World Where You ExistOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz