ikalawang kabanata

598 40 11
                                    

"Put it aside for a few days, or longer, do other things, try not to think about it. Then sit down and read it... as if you've never seen it before."
Neil Gaiman

Natapos ang isa pang linggo pero hindi pa rin natatapos ang pakikipagtitigan ni Rosario kay Francisco. Hindi ko na nga in-open 'yung manuscript ulit kasi medyo na-frustrate na ako at naging busy sa life. Nag-concentrate ako sa schoolwork, sa pamilya, sa gawaing-bahay (ang linis ng banyo ko, besh!) at online kasi matagal na akong hindi nakaka-reply sa mga messages ko sa social network. 'Tsaka nag-research na rin ako. Tumambay ako sa library, sa Wikipedia at sa mga history sites at forums, at nagbasa ako nang nagbasa. Kaya ayan...wala akong maalala sa mga nabasa ko. Pero okay lang. Nag-notes naman ako. Tadtad na sa Post-Its 'yung cork board ko kaya sila na rin ang wallpaper ko.

Pagdating ng Sabado nang hapon, tinawagan ko si Tria para ayaing pumunta sa Pasig City Museum.

"Na naman?" natatawa niyang tanong.

"Sige na," pangungulit ko. "Baka sakaling d'un ako makahugot ng inspiration." Hindi makareklamo ang best friend ko kasi alam niyang wala rin naman akong reklamo kapag nagpapasama siya sa kung saan-saan. Lalo na n'ung magdagdag ako ng bribe.

"'Tapoooos, ililibre pa kita ng meriendaaaa. Pizza and friiiiiies!"

"Okay!" Payag siya agad eh. Marupok talaga 'to sa chibog. "Sandali lang. Maliligo lang ako 'tapos daanan na kita."

"Okay!"

Ibinaba ko ang telepono at nagbihis na rin ako. Lumabas na ako ng kuwarto 'tsaka nagpaalam na lalabas kami ni Tria. Isa pa 'yun na advantage kapag malapit lang sa lahat 'yung bahay. Hindi tulad kung pupunta akong party sa kung saan, walang reklamo si Papa kahit biglaan akong magpaalam kasi madalas hanggang Rotonda o palengke lang naman ako, 'tapos si Tria pa ang kasama ko. Kapag Megamall pa, 'yun medyo dapat may paalaman pa kahit papayag din naman siya.

Eksaktong paparating na ang best friend ko nang lumabas ako ng gate. Kung naka-jeans, T-shirt at sneakers ako, 'tong best friend ko naman ay kailangang naka-skirt, blouse at doll shoes. Ako rin 'yung madalas nakakalimot na magsuklay pero si Tria, dapat may gloss at blush man lang siya bago lumabas. At habang siya rin 'yung mahilig sa girlie bags, ako naman 'yung madalas pangharabas na backpack ang dala. Pero hindi ngayon. Nasa bulsa ko lang ngayon ang phone ko at P500 na budget para di ako masyadong gumastos.

Bineso ako ni Tria bago niya isinukbit 'yung isang braso niya sa braso ko. "Saan mo ako ipapagmerienda?" tanong niya agad na kinukurot-kurot ako sa braso.

"Merienda ka naman agad. Samahan mo muna ako sa museum 'no!"

"Eh oo nga! Pero pagkatapos!"

Nagkulitan kami hanggang sa marating namin 'yung museum sa Plaza Rizal. Dati siyang mansion ni Don Fortunato Cabrera Concepcion na naging mayor ng Pasig mula n'ung 1918 hanggang 1921. Regalo daw iyon ng don sa asawa niya na si Victoria. O, di ba? Ang sushal ng regalo ni Don Fortunato, pabahay! Napaka-Fortunato ng misis niya. Natapos daw gawin ang mansion noong 1937 at ginawang museum n'ung 2001, kung tama ang pagkakaalala ko.

Kabisado na namin ni Tria 'yung museum. Kulang na nga lang eh maging tour guides na kaming dalawa doon. Pero lumibot pa rin kami at isa-isa ko talagang pinag-aralan ang mga display at binasa ang mga descriptions nila. Malay ko ba kung bigla pala akong may ma-miss.

At gaya ng nakagawian, nang hindi na gan'un katirik ang araw, umakyat kami ni Tria sa azotea at tumayo sa may balustrade para pagmasdan ang Pasig Cathedral, o ang Immaculate Conception Cathedral, na halos nasa tapat lang ng museum. Isa sa pinakamatandang istraktura sa Pasig ang cathedral. Itinatag ng mga misyonaryong Augustinian ang parokya noong 1573, kasabay ng pagtatag ng mga Espanyol sa pamayanang tinawag nilang Ciudad-Municipal de Pasig, ang modern day Pasig City.

This World Where You ExistWhere stories live. Discover now