ika-apat na kabanata

419 31 11
                                    

"When writing a novel a writer should create living people; people not characters. A character is a caricature."
Ernest Hemingway 

"Ate Mutya!" Tumayo ako at yumakap sa kanya. "Ate Mutya," sabi ko ulit habang sumesenyas sa suot ko. "Ate Mutyaaaa!" ulit ko sabay turo sa notebook niyang nasa papag.

Bumungisngis siya at giniya ako sa kama. Siya na ang nag-angat ng laylayan ng saya ko para sa 'kin para hindi ko 'yun maapakan. "O, nasaan ang bakya mo?"

Tiningnan ko ang paa ko at nakitang nakayapak ako.

"Hayaan mo na. Mahahanap din natin 'yun mamaya. Kumusta ang pakiramdam mo?"

"Tinatanong mo ba talaga sa 'kin 'yan?" tanong ko sa kanya na hindi makapaniwala sa sinasabi niya. Hinawakan niya ang likod ng ulo ko na parang naghahanap ng bukol. Umiwas ako. "Ate Mutyaaa!"

Tumawa siya ulit na parang aliw na aliw pa sa reaksyon ko.

"Ano'ng nangyari?" tanong ko sa kanya.

"Eh ano nga ba ang nangyari?" balik niya.

Inabot ko ang notebook na nasa tabi ng manipis na unan sa ulunan ng papag at iniabot 'yun sa kanya. "Nagsusulat ako sa notebook 'tapos biglang merong sparks d'un sa page 'tapos biglang nagkaroon ng butas d'un sa notebook 'tapos nakita ko 'yung langit 'tapos nilagay ko 'yung kamay ko d'un sa page 'tapos umikot 'yung mundo na parang nakasakay ako sa roller coaster 'tapos biglang nakaupo na ako d'un sa burol 'tapos napaatras ako sa gulat 'tapos gumulong na ako pababa sa burol 'tapos narinig ko na lang si Lola Sale na tinatawag akong Bising! Did you pull me into my own book? At kung 'yun nga ang nangyari, bakit ako si Bising?! Bakit hindi na lang si Rosario?!"

Napalakas na naman ang tawa ni Ate Mutya pero tinakpan na niya ang bibig niya para pigilan ang sarili. Sinimangutan ko siya.

"I'm serious!"

"Eh ikaw ang nagsabing 3rd person POV ang gusto mong gamitin! Paano mo malalaman ang POV ni Francisco kung ikaw si Rosario?"

Huminga ako nang malalim at mabagal na inikot-ikot ang mga kamay ko na parang pinapaypayan ang mukha ko. Pumikit ako at pinakalma ang sarili ko. Pagkatapos ay mabagal akong bumuga ng hangin at nagmulat na ulit.

"Ang dami kong tanong. Super dami."

"Isa-isahin natin."

Kinagat-kagat ko ang lower lip ko kasi ang dami ko talagang gustong malaman. Pero unang-una.

"Is this real?"

"Ikaw 'yung manunulat. Kuwento mo ito. Ikaw lang ang makakasagot n'yan."

Bumuga ako ng hangin. "Eh paano po 'yan? Lahat ng kuwento ko totoo sa 'kin."

Ngumiti si Ate Mutya. "And that is the reason why your stories are so beliveable. You, yourself, believe in them."

Tumingin ako ulit sa paligid. "Paano po 'to? How does this work?"

"You write. In this notebook." Itinuro nito ang notebook na hawak niya. "Sabi mo gusto mong makita 'yung kuwento mo di ba? Kung ano 'yung isusulat mo rito sa notebook, 'yun ang mangyayari sa mundong ito."

Halos hindi ko maintindihan ang ibig n'ung sabihin. "Ibig pong sabihin puwede kong gawin kahit na ano?"

"Oo."

Oh, my God. Binigyan niya ako ng pagkakataong maging diyosa...

"Ay, wait. Di ba po kuwento ko 'to? As in, lahat ng ito." Sumenyas ako ulit sa paligid. "Paano po 'yun? Siyempre hindi ko po alam ang tunay na itsura ng Pasig. Di limitado po siya ng research ko."

This World Where You ExistWhere stories live. Discover now