ika-pitong kabanata

335 33 45
                                    

“Don’t expect the puppets of your mind to become the people of your story. If they are not realities in your own mind, there is no mysterious alchemy in ink and paper that will turn wooden figures into flesh and blood.”
Leslie Gordon Barnard

NAPUYAT ako nang gabing ‘yun dahil sinubukan kong magsulat. Naka-apat na chapters ako at tatlong fresh na fresh na kalyo sa mga daliri pero at least nakalayo na ako sa kuwento.

Nang gisingin ako ni Inang kinabukasan, wala sa sarili kong sinabi sa kanya na alam ko naman na ‘yung mangyayari nang arw na ‘yun kaya kung puwedeng matulog muna ako? Siyempre, akala niya dahil pa rin ‘yun sa bukol ko kaya sinabi niyang pumunta raw ako ulit kay Ate Mutya pagkatapos magsimba.

Natauhan ako at na-realize na pagkakataon ko na nga palang mapanood kung ano ang isinulat ko, kaya bumangon ako, sumabay sa almusal, pagkatapos ay naligo sa pagkalamig-lamig na tubig ng Ilog Pasig na inigib ulit ng pagkalakas-lakas kong kuya dahil di ko ma-imagine kung paanong nakakabuhat siya ng dalawang timbang tubig mula sa ilog hanggang sa bahay namin.

Medyo special ang saya na pansimba ni Bising, na may kasama pang belo. Isinuot ko ‘yun at tinanggap ‘yung inabot sa ‘king rosary at Bible ni Inang, ‘saka ako sumunod sa kanila sa labas ng bahay. Nagawan ko na ng paraan ‘yung notebook ko. Kaninang madaling-araw, bago ako matulog, tinahian ko na ng bulsa ‘yung sayang isusuot ko. Sana lang huwag ako mahubuan kasi may mabigat na notebook, isang bote ng tinta na sana ay huwag mabuksan o mabasag, at isang panulat sa bulsa ko.

Marami nang tao sa labas ng simbahan n’ung dumating kami. May ilan ding mga nagtitinda ng pagkain, at muntik na ako lumiko d’un sa nagtitinda ng bibingka, pero hinila ako ni Inang at kinurot sa braso kaya tumuwid ulit ‘yung landas ko nang walang kalaban-laban.

Maraming mga nagkukumustahan, mga lalaking nakabarong at mga babaeng naka-baro’t saya na may hawak na abaniko sa isang kamay at Bibliya sa kabila.

Dahil alam ko kung saan titingin (dahil ako ang nagsulat ng scene), nakita ko kaagad sina Francisco at Rosario. Kasama sila ng mga magulang nila at nag-uusap sa may pintuan ng simbahan. Siyempre ang guwapo ni Senyorito. Parang ang linis niya at ang bango. Pero di naman magpapahuli si Rosario na kahit dayoff ng alalay niya eh maganda at maayos. Mukhang mamahalin ang baro’t saya siya, siyempre, at may payneta siya sa buhok na kumikinang sa sinag ng araw.

Bagay talaga sila, walang bitterness kong isip. Ang ganda kasi pareho ng lahi.

Buset.

Patago ko silang pinanood hanggang sa maka-upo kaming mag-anak. Doon kami sa bandang gitna ng simbahan pumuwesto. Hindi ko alam kung pati ba sa loob eh may hierarchy o kung base din sa estado o yaman ang seating arrangement. Pero siguro, kasi doon sa bandang harapan naupo ‘yung pinakamayayaman. Para siguro mas maabunan ng blessings ng Panginoon.

Patago kong sinundan ng tingin si Francisco. Ang gentleman naman niya kasi inalalayan niya si Rosario na makapasok d’un sa pew, ‘tapos si Senyora Anita, ‘tapos ang sarili niyang ina na si Dona Aurelia. Naupo siya sa pinakadulo sa kaliwa ng tatay niya.

Tinitigan ko siya sa batok. Kahit batok kasi niya ulam na! Saka at least alam kong kapag humarap siya eh guwapo pa rin siya. Hindi mo sasabihing sana batok na lang siya. Iniisip ko kasi kung ano pang susunod na puwedeng mangyari, kung saan pa sila puwedeng mag-date ni Rosario sa mga susunod na araw. Mahirap naman kung araw-araw ko lang silang paglalakarin papunta sa palengke para kumain ng bibingka.

This World Where You ExistWhere stories live. Discover now