CUB #91

91 3 1
                                    

"Handa ka na ba?" tanong ni Madison kay Bradley. Magpeperform kasi si Bradley ng oras na iyon pero parang walang nakikitang kakaba-kaba sa mukha ng binata hanggang sa lumapit na ang isang staff at kinausap si Bradley saka siya nagpaalam kay Madison na pupunta na ito sa backstage at kailangan na nitong maghanda.

"Kaya mo iyan!" bulong pa ni Madison kay Bradley saka siya nit kinindatan.

Maya-maya ay ipinakilala na siya ng host ng event na si Nicole ang President ng SSG nagmagpeperform ng gabing iyon at iseserenade ang mga kababaihan.

"Thank you, Miss President! Are you guys, having fun?" tapos nagsigawan ang mga estudyante.

"Yes!"

"Masyadong mahina! Are you guys, having Fun?!!!" mas nilakasan ni Bradley ang boses at mas lalong nagwala nag mga estudyante.

"Now, that's what I'm talking about!"

"Uhm, hindi ako magsisimulang kumanta kung sino ko kasama sa entablado na ito ang pinakamagandang babae sa gabing ito!"

Sumigaw ng malakas si Marissa na nakacustome bilang isang malaking cheese. Tapos tinignan lang siya ng mga katabi niya ng minutong iyon.

"Bakit? Maganda naman ako ah?" angal niya sa mga katabi niyang masama ang titig sa kaniya.

"Madison, please samahan mo naman ako dito."

Nagulat si Madison sa sinabi ni Bradley at wala na siyang nagawa kasi hinila na siya ng mga katabi niyang estudyante na mga kaklase niya rin at dinala sa stage.

"Bradley, ano ito?" pabulong na tanong ni Madison kay Bradley habang nanginginig ng minutong iyon.

"Calm down, take a deep breath. Everything will be fine. Just trust me, okay?" sabi ni Bradley habang hawak niya ang kamay ni Madison.

Bago kumanta si Bradley ay humingi muna siya ng tawad sa nangyari nitong mga nakaraang buwan. Marami raw siyang na realised sa pagkakamali niyang iyon at sana gaya ng Diyos ay mapatawad rin daw siya ng mga taong nasa harapan niya.

Pagkatapos ay pinalakpakan siya.

"There's this girl. Anonymous girl na nagsave ng buhay ko, si Fangirl_06. Kung nandito ka man, it's time to show yourself, i really wanted to meet you and thank you personally for saving my life."

Sabay tumingin ito kay Madison.

"And to you. The most beautiful girl in this room. Thank you for always believing in me. Thank you for never giving up on me and most especially thank you for making me feel alive, again."

Nagwala na ang mga tao at sobrang intense na ang nararamdaman ni Madison ng minutong iyon. Hanggang sa naisip niya ito na ang tamang panahon para sabihin niya ang katotohanan.

"Bradley, i have something to tell you."

"Ako din, Madison."

"Bradley…"

"I love you….Madison."

"I love you to, Bradley!"
Sabi pa ni Klya.

Hanggang sa hinila ni Kyla si Bradley at hinalikan ito sa labi at maya-maya ay doon na nahulog ang dugo sa ibabaw ng ulo ni Madison at naligo ito sa dugo. Nagtawanan ang mga tao sa kwartong iyo at maya-maya ay nahimatay si Madison. Kaagad naman na umakyat si Sync at binuhat si Madison saka niya tinitigan ng masama si Bradley na hila hila naman ni Kyla ng minutong iyon.

Cheer Up, Bradley! (Completed)Where stories live. Discover now