CUB #5

191 14 5
                                    

Dalawang araw pagkatapos makipaghiwalay ni Kyla kay Bradley, ay kung ano ano nang pumapasok sa isip ng binata. Halos dalawang araw na rin siyang di kumakain. Nasa Canada kasi ang mga magulang ni Bradley at tanging siya lang ang naiwan dito sa pinas kasama ang kaniyang personal maid at isang driver. Binalaan niya rin ang mga ito na wag magkukwento sa kaniya mga magulang sa mga nangyari sa kaniya. Kaya nga kahit ang pagkaka-aksidente niya ay hindi alam ng kaniyang mga magulang. Kundi tatanggalin niya ang mga ito.

At ngayon, sobrang nag-aalala na ang kaniyang kasambahay na si Nanay Anna. Dahil halos dalawang araw na nga itong di lumalabas ng kaniyang kwarto. May pagkakataon na dinadalahan niya ito ng pagkain pero di naman ginagalaw ng binata at nilalanggam lang.

Hanggang sa sumapit ang ika-tatlong araw, nakarinig ng dalabog si Nanay Anna, kaagad siyang kinabahan nang marinig niya iyon kaya tinawag niya kaagad ang kasama nila sa bahay na si Diego, ang driver ni Bradley at si Jerico na Security Guard nila.

Sa lakas mg boses ni Nanay Anna kaagad silang nakapanhik sa ikalawang palapag ng bahay at dumiretso sa kwarto ni Bradley at doon nila nakita ang tulala na si Bradley habang hawak-hawak ang kaniyang cellphone.

Nang mapatingala sila sa kisame ng kwarto nito, doon nila nakita ang lubid na nakatali rito. Mahigpit na yakap, habang humahagulgol nang iyak ang umaalulong sa loob ng kwarto ng binata, hanggang sa maya-maya ay bigla nalang tumulo ang luha sa kaliwang mata nito saka siya gumanti ng mahigpit na yakap sa kaniyang kasambahay na si Nanay Anna.

Cheer Up, Bradley! (Completed)Where stories live. Discover now