CUB #43

95 7 0
                                    

Araw ng audition!

Maraming magpartnert ang pumunta doon. Halos nagsisimula na ang audition ng pumasok si Madison at bigla siyang umupo sa tabi ng isang lalaki hanggang sa mapalingon siya rito. At nanlaki ang kaniyang mga mata nang makita niya kung sino ang kaniyang katabi. Walang iba kundi si Bradley Choi. Na busy sa kaniyang kausap sa  cellphone ng minutong iyon.

"What, paanong di na makakapunta si Kyla?"

"Bigla siyang naglbm, hindi ko alam. Sumakit ata ang tiyan dahil sa kinain namin kanina."

"Paano na iyan? Ako lang mag isa dito!" hanggang sa napatingin si Bradley sa kaniyang katabi na nakatingin rin sa kaniya ng minutong iyon. Doon niya ibinaba ang kaniyang phone at saka ipinasok sa loob ng kaniyang pantalon at saka ngumiti sa harapan ni Madison.

"Hi, I'm…" pagpapakilala niya kaso biglang nagsalita si Madison at kaagad na kinuha ang kaniyang kamay.

"Bradley, right?" ngiting sabi ni Madison sa kaniya. Saka tumango si Bradley sa kaniyang harapan.

"Sorry, at nakinig ako sa usapan. Uhm, wala ka ng partner?"

"Nagka-lbm kasi,"

"Gusto mo tayo nalang magpartnert?" nanlaki ang mga mata ni Bradley sa kaniyang narinig mula rito.

"Ah?" halos mahulog ang panga niya sa sinabi ni Madison ng minutong iyon.

"Madison by the way. I never had a chance to introduce myself to you doon sa music room kasi dumating iyong girlfriends mo."

"Ex." pagtatama pa ni Bradley.

"Ah? Okay. So, ano?"

"Uhm, ikaw."

"G ako."

"G?" kunot noong tanong ni Bradley

"Game!" ngiting sagot naman ni Madison. Iyong ngiti na pati mismo mga mata nito ang nakangiti.

Maya-maya ay tinawag na si Bradley at Kyla. Tumayo si Bradley kahit nahihirapan mabuti at inalalayan siya ni Madison hanggang sa makarating siya sa gitna ng stage. At nang tinanong siya ng stage director kung nasaan ang kapareho nito ay kaagad niyan tinuro si Madison. Na kinataka naman ng lahat.

"Akala ko ba si Kyla ang kapartner mo?" sabi ng director habang tinitignan ang listahan ng mga auditionee.

"Uhm, hindi na po kasi siya makakarating." sagot naman ng binata.

"Okay, ano ang pangalan mo hija?"

"Madison po. Madision Delos Reyes." sagot ni Madison saka siya napatingin kay Bradley na nakangiti ng minutong iyon.

"Okay, may dala naman kayong minus one para sa kakantahin niyo, hindi ba?" biglang kinabahan si Madison, kasi hindi naman niya inaasahan na mangyayari ito.

"Uhm, pwede po bang acapela?" tanong ni Bradley sa direktor.

"Okay. Bigyan sila ng mic!" sabi nito saka lumapit ang mga staff at inabutan silang dalawa ng mic.

Tinanong ni Bradley kay Madison kung anong kakantahin nila.

"Crusin?"

"Ah? Sino kumanta?" kunot noong tanong ni Bradley.

"Si Huey Lewis and Gwyneth Paltrow." giit pa ni Madison.

"Bahala na." sagot ni Bradley.

Cheer Up, Bradley! (Completed)Where stories live. Discover now