"Oh sya, ako na ang magbibigay. Malapit lang naman sya sa amin." nakangiting tugon sakin ni manong.
*Oh... sige na. Manong guard. Ako nalang po ang magbibigay. Di naman sa wala akong tiwala sa iyo. Pero gusto ko kasi ako...
"Hindi na po manong. Ako na lamang po ang magaabot sa kanya. Hahanapin ko na lang po sya."
"Naku iha, hindi sya pumasok e."
"Ah ganun po ba? Sige po, salamat."
Nakayuko akong umalis. Hayy. Sabagay hindi ko sya masisisi kung hanggang ngayon ayaw nya pa ring pumasok. Hayy kung pwede kasing ako na lang. Andito lang naman ako e, naghihintay na mapansin mo.
*Ang magbigay sa kanya ng ligaya...
Flashback:
"Ugh. Nasan na ba yung eraser na yun? Kelangan ko na tong matapos e." Kalkal lang ako ng kalkal sa gamit ko.
"Wow! Ang ganda naman." sya. Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Kilala ko ang boses na yun.
"Teka, bakit di mo pa binubura yung iba? Ang messy tuloy tignan."
"Hi-hindi ko k-kasi m-makita yung e-eraser ko."
"Ay ganon ba? Eto oh, gamitin mo muna yung akin." sabay abot nya sakin nung eraser nya.
"Sa-salamat." nauutal kong tugon.
"Walang anuman :) Sige alis na ako. Tapusin mo na drawing mo tapos bigyan mo kong copy pwede? Ang ganda kasi talaga." Wahh natuwa naman ako dun.
"Ipagdadrawing na lang kita nang kahit anong gusto mo."
"Talaga? Salamat." Nakangiti syang umalis. Tinapos ko na ang drawing ko at pumunta na sa club namin para ipasa ito.
"I really love you."
"Sorry but I can't love you back."
Sa hindi kalayuan narinig ko ang mga katagang yan. Kilala ko ang boses na yun. Hindi ko alam kung bakit napakatalas ng mga senses ko pagdating sa kanya. Pumunta ako sa lugar kung saan sila naguusap. Nakita ko yung kamao nya, nagdurugo ito at yung mga luha nya na umaagos sa pisngi nya.
*Ang makita ang mga ngiti n'yang kay saya..
"Bakit? Hindi ba't sinabi mo ring mahal mo ako? Pero bakit ngayon sasabihin mong hindi mo ko kayang mahalin? That's bullshit Reign!"
"Sorry." yun lang ang sinabi nya at tumakbo na sya paalis. Gusto ko syang sampalin. Bakit nya sinaktan ang taong mahal ko? Bakit?
*S'ya lang kasi ang nagpapatibok ng puso ko...
Ang taong mahal ko. Nasasaktan ng lubos. Wala man lang akong magawa. Nilapitan ko sya. Umiiyak sya. Ramdam kong nasasaktan sya ng sobra. Umupo ako sa harap nya. Hindi nya ako napansin kasi nakayuko sya. Hindi ko napigilan ang sarili ko.
"Tahan na. *sob* Andito naman ako e. *sob*" hinawakan ko ang mukha nya at hinarap sa akin.
"Wag ka nang umiyak."
Pinunasan ko yung luha nyang patuloy na kumakawala sa mga mata nyang puno ng kalungkutan. Mas lalo akong nasaktan ng makita ko ito.
"Wag ka na umiyak. Kung hindi ka nya kayang mahalin..." Hindi ko maituloy ang sasabihin ko. Nahihirapan na akong huminga. Ngumiti ako ng matipid sa kanya at ipanagpatuloy na ang nais kong sabihin sa kanya. "Ako mamahalin kita at hindi ko hihilingin sayo na mahalin mo rin ako pabalik. Hayaan mo lang akong mahalin ka hindi ako magrereklamo kahit nasasaktan na ako ng sobra basta ba kakalimutan mo sya para mawala na yung sakit na nararamdaman mo. Sana ako na lang." Hindi ko na namalayan ang sarili ko. Nailapat ko na pala ang labi ko sa labi nya. Dahil din siguro sa gulat kaya hindi agad sya nakapagreact.
Nung nakabawi na sya sa pagkagulat nya bigla nya akong tinulak.
"Fuck! Ano ba! Sino ka ba?" Hindi ko na maintindihan ang sinabi nya kasi naninikip na ng sobra ang dibdib ko. No! Not now. Pls. Not now.
"Sino ka ba sa akala mo para diktahan ako sa dapat kong gawin at maramdaman?" singhal nya sakin habang pinupunasan nya yung bibig nya. Ngumiti ako ng tipid sa kanya.
"M-m-ma-c-co-y." Hirap na hirap akong banggitin ang pangalang yon. Malapit na. Ang sikip. Hindi ko na kaya.
*Oh, Manong guard please lang, tulungan mo ako..
"JOSEPHINE!" ang huli kong narinig bago ako tuluyang mapapikit.
TBC.
YOU ARE READING
Manong Guard.
Teen FictionAng story na ito ay tungkol sa babaeng nagngangalang Josephine na may lihim na pagtingin sa kanyang school mate. Lahat ginagawa nya para lang makasama ito. Pano nya nakakasama? Sa reflection room. Palaging late at walang ID ang lalakeng gusto nya na...
PROLOGUE
Start from the beginning
