Eight

1.4K 39 9
                                    

Eight

Kahit sa gitna ng kalituhan, on time pa rin akong nakarating sa paaralan. Napuyat ako sa kaiisip at hindi na rin nakapag-breakfast dahil sa kaiisip pero kailangang on time pa rin akong pumasok. Ayokong maging hadlang ang non-existent lovelife ko sa trabaho ko. At ayokong magkaroon ng bad record kapag na-late ako lalo at bago pa lang ako rito.

"Good morning," bati ko sa mga tao sa department.

"Good morning, ma'am," sagot naman ng iba sa kanila. Abala na ang karamihan sa mga guro sa department dahil naghahanda na sa mga klase nila. 

"Nga pala, ma'am Angeline," tawag ng isa sa mga guro, si ma'am Sophia. Halos magka-edad lang kami at isang taon pa lang siyang nagtuturo rito. Isa siya sa mga nakagaanan ko agad ng loob sa mga guro. "May...  something ka pala sa desk mo," aniya at sa tono ng pananalita niya, I could hear a trace of... teasing?

"Something?" I whispered to myself at naglakad na papunta sa desk ko.

And there it was.

The something. Lying perfectly on my desk. Looking so pretty.

It was a bouquet of white roses. The arrangement of the flowers was so beautifully made.

Kinabahan ako bigla.

Sino naman kaya ang magpapadala sa akin nito?

The moment the question was formed inside my head, a certain face was also formed inside my mind.

Hindi kaya siya ang nagpadala nito?

Bumilis ang tibok ng puso ko.

Kinuha ko yung card na nakausli.

There's only one way to find out.

 I opened the card and read it.


------

These roses made me think of you.

------

Kung kanina lang sobrang bilis ng tibok ng puso ko, ngayon naman pakiramdam ko isang segundo itong huminto sa pagtibok.

The message was short and sweet, at naapektuhan ako... ng konti.

At hindi ko alam kung saan nga ba ako naapektuhan. Sa bulaklak ba? Sa card? O sa katotohanang mukha ni Andrew ang naisip ko nang mabasa ko ang card?

Is this from him?

He seemed so determined last night to court me. Ito na ba ang simula n'un?

Kinabahan akong lalo sa naisip ko. Hindi ko alam kung paano magre-react sa mga bulaklak na ito.  Hindi ko alam kung anong dapat maramdaman. Okay lang bang kiligin? O tama bang kiligin if my heart's so set out to seduce the school doctor?

I sighed in frustration.

Buti na lang talaga at hindi ito ibinigay ni Andrew sa akin ng personal dahil hindi ko pa siya kayang harapin ngayon.

Nahihiya ako. Paano kung malaman ng ibang mga guro na si Andrew ang nagpadala ng bulaklak? Paano na? Paano kung kakalat sa buong paaralan? At okay lang bang magligawan ang mga guro rito sa paaralan mismo?

Naiisip ko pa lang ang kantyawang magaganap, mababaliw na ako sa kahihiyan.

"Wow, Angeline, at ngayon mo pa naisip 'yan gayong lumalandi ka naman kay Doctor Trevor at dito rin sa paaralan mismo."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 08, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Future Husband Is A DoctorWhere stories live. Discover now