Six

903 22 5
                                    

Six


"Do you like Doctor Trevor?"

Hindi ko alam kung paano sasagutin ang tanong ni Andrew. O kung tama bang sagutin ko ang tanong niya, so I just faked a laugh and answered his question with another question, "Bakit mo naman naitanong 'yan, Sir Andrew?" Sabay tingin sa daan at naghanap ng sasakyan sa paligid para makapara na at makatakas sa pag-uusap na ito. 

"I guess I was just curious."

"Oh," I nodded. "Okay."

"So?" Andrew insisted.

"So what?" I asked back trying to evade the question.

He sighed and asked me again patiently. "So do you like Doctor Trevor?"

"Of course," I said. "I mean, who wouldn't, right? He's charming. At gentleman pa. I like him as a person, yes." Mabilis at mailap kong sagot. 

Showbiz, Angeline. Showbiz.

I raised my head to see if I satisfied him with my answer, pero may pagka-chismoso rin pala ang lalaking ito at nagpumilit pa sa pagtatanong, "How about romantically?"

Hindi ko na naman alam ang sasabihin at isasagot. 

Paano ko lulusutan ang isang ito? 

Kapag hindi ko kasi siya sinagot, parang inamin ko na ring may gusto nga ako kay Trevor romantically, di ko lang maamin. Kasi kung wala, madali lang namang magsabing wala, di ba? Kung sinagot ko naman siya ng oo, mas lalong nakakahiya naman yung direktahang pag-amin ko sa kanya. Tapos 'di pa kami ganoon ka-close. 

Hinarap ko siya. "Why do you want to know?"

He shrugged. "I'm just curious."

"Pero bakit ka naman nako-curious?" 

I noticed na parang nailang din siya sa tanong ko. 

Ha! Akala niya ata siya lang ang marunong mag-interrogate.

He put a hand at the back of his neck in an act of massaging it. 

Nag-aalala na talaga ako sa pinatutunguhan ng pag-uusap naming ito ni Andrew. Napapaisip ako. 

Masyado ba akong halata na crush na crush ko si Doctor Trevor? Pangit na bang tingnan sa mata ng iba? Desperada na ba akong masyado? Napapansin na rin ba ni Doctor Trevor ang kabaliwan ko sa kanya? Nandidiri na ba siya sa akin ngayon? Ano na ang gagawin ko? 

Shit. Ano ang gagawin ko kung sakaling gano'n nga?

He put his hand down from his nape and shrugged again. "I don't know. Naitanong ko lang."

"Ah."

Yun lang ang naisagot ko. 

Lord, sana may dumating ng sasakyan. 

Mga ilang segundo na naman ang lumipas na tahimik lang kami at nakatayo sa harap ng gate ng paaralan. Wala ni isa sa aming dalawa ang gumalaw sa kinatatayuan namin. 

Siya, nakatayo lang sa tabi ko with his hands inside his pockets.

Ako, na napapaisip pa rin sa tanong niya. 

Kailangan ko bang sagutin yung tanong? Paano ba? Shet. 

Gusto ko naman talaga si Doctor Trevor, di ba? 

Bakit naman ako mahihiyang umamin? Eh, totoo naman, 'di ba?

Hinarap ko si Andrew. Ganun din siya sa akin.

My Future Husband Is A DoctorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon